Chapter 9

103 4 0
                                    

Chapter 9
Gone

"Hindi mo po sinabi na pupunta si Rielle." Magalang na sabi nito.

"Pasensya na, Senyorito. Pabigla-bigla kasi ang alaga ko. No'ng isang araw, ayaw pumunta tapos no'ng sumunod, gusto na." Si Nanay.

Kumunot ang kanyang noo at bumaling sa akin.

I just raised my brows at hinarap si Nanay.

"Tara na, Nay." Naiinip na aya ko sa kanya. Nakitaan ko siya ng pagkairita sa kanyang mga mata dahil sa hindi pagbigay ng respeto sa "Senyorito" na sinasabi niya.

"Senyorito, papasok na kami." Hinawakan ni nanay ang braso ko at iginiya na ako papasok sa loob.

"Sige po, Nay. Susunod ako." Sabi ni Cross nang hindi pinuputol ang titig niya sa akin.

Priceless antiques filled the whole mansion. The living room is spacious and has a fireplace next to the kitchen to warm the house. Combination of modern luxuries with a kind of mesmerizing old-world charm. May malaking chandelier sa itaas nang tumingala ako. Several rooms are on the second floor, the window frames, the proper colors of the wall, the carpeted floor which screams rich and power of whoever living in here.

May mga nakasabit pang paintings sa dingding, titigil sana ako para tingnan ng mabuti pero may tumawag na sa likod ko.

"There you are, Nay Wilma!" Isang ginang na nasa kalagitnaan ng kuwarenta ang edad ang tumawag ng aking pansin. "Nakausap niyo na po ba ang pamangkin niy—oh my! It's you!" Nagulat siya ng makita ako at agad na lumapit.

She looks like a goddess because of her color porcelain skin, friendly but intimidating eyes, wearing a white sleeveless dress and flat sandals. She looks familiar, parang nakita ko na siya dati.

Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi na siyang ikinagulat ko.

"Magandang umaga, Ma'am Alena. Pasensya na po at hindi ko kayo nasabihan. Kagabi niya lang po sinabi na gusto niya kayong makilala." Si Nanay na nasa tabi ko pa.

"Good morning din, Nay Wilma. Ayos lang, Nay. Ako na po ang bahala kay Rielle." Nakangiting sabi nito. Hinaplos niya ang mga kamay ko. "Let's go, Rielle. I'm sure my family will be happy to see you."

"I'm Alena. If you still remember me, I'm one of those people you saved days ago. Pasensya na at ikaw pa ang pinapunta namin dito. We're still suffering from emotional distressing most especially my daughter, Venice. Hindi niya makalimutan ang nangyari." Kwento niya.

We made it to the veranda kung nasaan ang pamilya niya. Nang makita nila kami, bakas ang gulat at saya sa mukha nila. A familiar girl sitting on a wheelchair, halos tumayo na siya doon nang masilayan ako, isang lalaking naka-pambahay na damit na asawa ni ma'am Alena and an old man holding a cane katabi ang asawa nito na may mga suot pang mamahaling alahas sa katawan.

Nangantog ang tuhod ko habang papalapit kami sa kanila. Napalunok din ako ng paulit-ulit at basa na ang kamay ko. Why do I feel suddenly nervous? Heck! They are the family who owns the whole Sta. Ines! Para akong girlfriend na ipapakilala sa pamilya ng boyfriend ko. Sari-saring eksena ang nabuo sa utak ko na hindi ko naman dapat iniisip.

Will they like me? Will they be nice to me? Fuck! There's no need to think like that, Rielle! Ano naman kung ayawan ka nila? Hindi mo na problema 'yon. You're here because you wanted those policemen gone, right? Nothing else!

"Gilbert Sullivan, Miss. Nice to finally meet you." Naglahad siya ng kamay. Hindi ko alam na dapat palang makipagkamayan kapag magpapakilala. Pasimpleng nagpunas muna ako ng kamay sa damit ko at tinanggap iyon then I bow a bit to give respect.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now