Chapter 20

59 1 0
                                    

Chapter 20
Drank

Nakailang push up siya sa ibabaw ko at ako naman ay hindi makatingin sa kanya ng diretso. He's driving me insane! Para na akong kinakapos ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"At marunong ka na rin gumamit ng lipstick ngayon." He commented then he smirked at me.

"Bakit? Bawal ba? Gusto ko naman na kahit konti ay pumula ang labi ko noh!" Sabi ko nang makabawi ng lakas na magsalita ng diretso.

Tumigil siya sa ibabaw ko at madilim niya akong tiningnan. Mad again, Senyorito?

Pero napalitan naman agad iyon ng ibang emosyon. May nasilip akong siwang sa kanyang bibig. Hindi ko nga lang matiyak kung iyon ba ay salitang hindi matuloy o isang alanganing ngiti.

"Kung gusto mo palang pumula iyang labi mo, dapat sinabi mo saakin, ginawan sana natin ng paraan. Hindi na kailangan pa ng lipstick." Sabi naman niya kasabay ng kanyang mapaglarong mga ngiti.

"Gago!" Ubod lakas ko siyang tinuhod sabay tulak kaya nakawala ako sa kanya.

"Damn it, Rielle!" Reklamo niya.

I saw him looking at me with his dark, serious and mysterious eyes.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng kwarto niya. Hiningal pa ako pagkababa ko ng hagdan.

"Oh, Rielle? Napano ka?" Si mam Alena.

"A-ah... b-bababa na rin ho si S-senyorito."

Mukhang hindi pa siya kumbinsido sa sinabi ko pero tumango na lamang siya.

"Uminom ka muna. Namumutla ka eh." Si mam Alena at inabutan niya ako ng maiinom na agad ko namang tinungga iyon.

"Fuck!" I murmured after I realize that she gave me a glass of juice! Fuck this!

"Dito ka muna. Bantayan mo itong mga pagkain. Aayusin ko lang ang dining table." Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil dumiretso agad akong kumuha at uminom ng tubig,dalawang baso.

This can't be!

"Uhaw masyado, Rielle?" Narinig ko ang mapanuksong boses ni Cross kasabay ng kanyang mahinang tawa na mas lalo kong ikinairita.

Nanggigilid na ang luha sa aking mga mata kaya agad ko iyong hinawi. Nakatalikod pa rin naman ako sa kanya kaya hindi niya makikitang umiiyak ako.

Fuck!

Maybe I should grow some boobs? Grow some booties? Kulang pa ba ang pagka-pula nitong labi ko? What about my clothes? Do I need to wear almost nothing? Kailangan ko pa bang mag-makeup?

"Hey..." Naramdaman kong papalapit na siya sa akin kaya marahas akong humarap sa kanya.

"I hate you! I hate you damn so much!" Sigaw ko sa kanya.

Natigil siya sa paglapit at manghang tumingin sa akin. Nalilito, naguguluhan.

I'm mad okay? I'm mad at him for not showing up for months! Sari-saring larawan ang namutawi sa aking isipan katulad ng may kasama siyang sexy'ng babae, magkahawak kamay, naghahalikan at kung ano-ano pa. Kaya hindi siya umuwi dahil doon.

Dagdagan pa ng mga sinasabi ni Don Idefolso na matatagalan siya doon dahil sa girlfriend niya. Kesyo inaayos ang kasal nila o kung ano-ano pa.

And I hate him because of that! I wanna punch and hit him so bad for making me miss him this much!

Can't lie, I miss him. I try not to miss him but in the end, I still do. My eyes are craving to see him everytime na pumupunta ako dito sa hacienda o kaya naman doon sa treehouse niya, naghihintay na dumating siya pero wala.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin