Chapter 25

90 1 1
                                    

Chapter 25
Tell

Naalimpungatan ako dahil sa tumamang sikat ng araw sa aking mukha. Umaga na pala. Pagmulat ko ng mga mata, hindi na ako nagulat o nagtaka man lang kung nasaan ako ngayon.

A smile crept on my lips when I remembered what happened last night. Shit! Feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko ngayon pa lang.

"Ibaba mo nga ako! Kaya kong maglakad noh! Bitaw!" Nasapak ko siya ng ilang beses at tumama iyon sa mukha niya. Pinagsususuntok ko rin ang dibdib niya ngunit ako yata ang masyadong nasaktan dahil sa tigas no'n.

Ibinaba niya ako para makaakyat sa hagdan. Inasahan ko na na dito niya ako dadalhin pagkatapos niyang lagpasan ang bahay namin. Padabog akong umakyat at tumihaya sa sala niya. Wala akong pakialam kung anong sabihin niya.

I'm not drunk. Hindi ako mabilis malasing lalo na at kaunti lang naman ang nainom ko kanina dahil inaagaw iyon ni Kian. Medyo nahihilo lang ako, hindi sa alak, kung hindi sa pambubugbog kay Cross na wala naman ibang ginawa kung hindi isipin ang kaligtasan ko. Like duh! I don't fucking need his fucking help! I'm fine alone!

"Uminom ka muna." Tinitigan ko lang ang inaabot niyang tubig. "Sige na, Rielle."

"Tss. Ako na!" Sabi ko nang aambang papainumin pa ata ako. Ano ako? Bata?!

"Kung inaantok ka na, doon ka na sa kuwarto, dito na lang ako sa sal—"

"Hindi pa ako inaantok. Kung gusto mong matulog, matulog ka!"

"Such a hard headed." He murmured.

Tumayo siya bigla kaya sinundan ko ng tingin.

"Saan ka pupunta? Matutulog ka na?" Inis na tanong ko sa kanya. The heck Rielle! Ano ba talaga problema mo?

"No, Rielle. Kukuha lang ng damit pamalit mo."

"Okay. Bilisan mo ah." Sabi ko ng nakabusangot pa rin.

Bumalik nga siya dala ang isang malaking damit at tuwalya. Naligo ako ng mabilis at nagbihis. Naabutan ko siya sa sala, nakaupo hawak ang cellphone at seryosong-seryoso. Nasa harap din ang dalawang tasa ng mainit na tsokolate.

Nang makita ako, ibinulsa agad ang cellphone at inilahad ang tasa sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. I bet it's Sofia.

"You got invited b—"

"Kian Ignacio? Yes." Sagot ko sa hindi naituloy na tanong niya. Alam ko naman.

"You didn't tell me that you're goi—"

"Why would I tell you?"

"Look, I was worried in hell. Buti nalang nag text si Quinn sa akin at sinabi na kasama ka nila." Fuck that Quinn! Tsismoso din pala ang isang iyon. Magpinsan talaga sila.

"No, thanks. Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo, Senyorito."

"Sinasabi ko lang na dapat nagsabi ka pa rin. Tinanong ko si nanay, walang alam. Hindi ka naman daw nagpaalam sa kanya. Basta ka nalang umalis." Malumanay na sabi niya sa akin.

Wala naman kasi si nanay sa bahay no'ng umalis ako, wala siya doon, hindi ko alam kung saan nagpunta. Nakalimutan kong magpaalam sa kanya dahil...galit ako.

"Kung sino-sino na ang tinext ko, nagtanong-tanong sa mga nakakakilala sayo. Pumunta pa ako sa kabilang bayan baka nandoon ka lang. Nag-aalala lang naman kami sayo, Rielle. Sa susunod, magpaalam ka para hindi—"

"Oo na, Senyorito! Magpapaalam na! Ayos na ba? Pwede tumigil ka na? Ang ingay mo."

Ilang minuto siyang hindi nagsalita and it frustrates me more! Gaga ka din, Rielle. Pinapatahimik mo tapos kapag tumahimik, nagagalit ka.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now