Chapter 8

104 3 0
                                    

Chapter 8
Senyorito

Mabilis lumipas ang mga araw.  Malapit nang gumaling ang mga sugat ko at maayos na rin ang pakiramdam ko. It feels like, I'm ready for another fight again. Pero syempre, nangako ako kay Nanay na hindi na ako makikipag-away, pero hindi ko naman ipinangako na maiiwasan ko talaga. Pahuhupain ko muna ang pag-aalala niya. Buti nga at pumasok na siya sa trabaho, kung hindi ko pa pinilit, hindi pa aalis.

"Kapag magaling na 'yang sugat mo, isasama kita sa Hacienda. Gusto kang makausap ni Don Idefolso." Naalala kong sabi niya bago umalis kanina.

"Don Idefolso?" Naguguluhang tanong ko.

"Ang may-ari ng buong Sta. Ines. Gusto ka nilang makausap para magpasalamat sayo. Gusto kang makilala ni Ma'am Alena at Sir Gilbert, lalo na si Senyorita Venice."

"Magpasalamat? Bakit?" Bakit ba kasi hindi na lang niya ako diretsuhin? May pa-intense pa itong si Nanay eh.

"Sila ang mga amo ko, Rielle. Sa kanila ako nagt-trabaho. Niligtas mo sila kaya nais ka nilang makausap at bigyan na rin ng gantim—"

"Hindi ako pupunta." Sabi ko na ikinatigil niya.

For what? To compensate, huh? I don't need that. Hindi ko sila niligtas para bigyan ako ng gantimpala, niligtas ko sila dahil kailangan nila ng tulong. In fact, I didn't know that they are that rich. Hindi na nila ako kailangan pang bayaran. Hindi ko kailangan ng pera.

"Ate!" Sigaw ni Andeng at dumiretso sa loob ng kwarto ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ikaw pala ang nagligtas kila Senyorita Venice at sa mga magulang niya? Ang galing mo, Ate! Kaya pala ang dami mong pasa at sugat sa katawan dahil doon! Ang tapang mo! Naitumba mo mag-isa ang apat na holdapper na 'yon! Astig ka—"

"Will you shut up?" Seryosong sabi ko. Tumigil siya saglit pero nagsalita ulit.

"Kaya pala ang daming mga army na nakabantay sa buong baryo. Miyembro pala ng rebelde ang mga 'yon! Nakakatakot! Nagpatupad tuloy si Kap Elvy at Chairman Sandro ng curfew. Saka, may mga pulis ka ring bantay baka sakaling balikan ka ng mga kasama nila."

What?

Tumayo ako at mabilis na binuksan ang bintana. Natanaw ko ang dalawang naka-unipormeng pulis sa labas ng bahay. Fuck! Bakit merong pulis dito?

"Proteksyon mo sila, Ate. Para hindi ka balikan ng mga rebeldeng kasama nila." Si Andeng.

"Rielle!" Pumasok naman si Kuya Brock at Adair. Nag-aalala. Niyakap ako ni Kuya Brock at si Adair naman ay ineksamin ang katawan ko.

"I'm okay." Sabi ko at binitiwan nila ako.

"Langya! Ikaw pala ang nagligtas sa pamilyang Sullivan, Rielle! Ayos ka lang ba? Bakit hindi mo sinabi saamin?" Si Kuya Brock.

Nakasuot siya ng maong na pantalon at itim na t-shirt, ganoon din si Adair. Mukhang galing sila sa trabaho at pumunta dito dahil sa nalaman.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon, Rielle. Mapapahamak ka, lalo na at marami silang mga kasamang rebelde. Paniguradong babalikan ka nila!" Adair looks so frustrated. Ginulo niya pa ang kanyang buhok dahil sa pagkairita. "Mabuti kung ganyan lang ang inabot mo! Paano kung nabaril ka? Hindi ka ba nagiisip?"

"Tol naman, kaya nga may mga pulis siyang makakasama para maproteksyunan siya di ba?" Si Kuya Brock naman.

Protection? I don't need protection! I can protect myself! This is bullshit!

Hindi ako makalabas ng bahay ng buong araw kahit na gustuhin ko. Hindi lang dahil sa dalawang pulis na nakabantay sa labas ng bakuran namin, kundi dahil na rin sa mga tsismoso't tsismosa naming mga kapitbahay.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon