Chapter 19

67 4 0
                                    

Chapter 19
Push-ups

Maaga akong pumasok sa school. Dumiretso ako sa guidance office dahil doon ko kukunin ang school uniform na last week ko pa hiningi sa Dean.

"Salamat." Sabi ko sa babaeng nagbigay saakin ng uniform na naka-plastic bag pa. Naglalaman iyon ng PE uniform, saka dalawang pares ng blouse at palda.

Mabilis ko itong sinuot sa CR. Nag-apply ng kaonting lipstick, tama lang para pumula ang labi ko at itinali ang mahaba kong buhok.

Hindi ako sanay mag-uniform kaya naninibago ako, pero masasanay din naman ako kapag araw-araw ko na itong suot lalo na ngayong Second year na ako. Ang puting blouse na may itim na necktie ay bumagay sa kulay navy blue two-inches above the knee pencil skirt. Bumili din ako kahapon ng isang pares ng itim na sapatos para dito.

Ngingiti-ngiti akong lumabas ng CR at dumiretso sa room. Napalingon ang mga kaklase ko sa akin at sinuyod ako mula ulo hanggang paa. Syempre, ngayon lang nila ako nakitang ganito ang suot.

Sunod namang pumasok si Sofia. Nginisihan niya ako matapos niyang tingnan ang suot ko saka nilapitan ang mga kaibigan niya.

"Bagay sayo." Isang tinig ang narinig ko sa aking tabi kaya nilingon ko ito.

After a year! Nakapagsuot na rin ako ng school uniform nila!

"Thanks." Sabi ko kay Kevin na nagbabasa ng libro. Ayon na rin sa nasasaksihan ko. Aktibo siya palagi, sila ni Sofia. Nakikita ko din ang pangalan nila sa bulletin board at isa siya sa mga matatalinong estudyante dito sa eskwelahan.

Inayos ko ang palda ko na bahagyang tumaas.

"Masasanay ka rin." Sabi pa niya nang hindi matanggal-tanggal ang mata sa librong binabasa. "Nakapag-review ka na ba sa Philippine Literature? May quiz tayo ngayon."

Shit!

Nang hindi siya nakakuha ng sagot mula sa akin, nag-angat siya ng tingin. Inabot sa akin ang libro at notebook niya.

Binuklat ko agad ang mga iyon at mabilis na nagbasa. May oras pa naman. Hindi ko naman kasi alam na magbibigay pala ngayon ng quiz ang matandang hukluban naming professor.

I am a fast learner but I don't think I will get a passing score for today's quiz pero alam ko naman na hindi ako babagsak dito.

Hindi nagtagal, dumating na rin ang professor namin at binalik ko kaagad ang mga gamit ni Kevin sa kanya at nagpasalamat. Isang matamis na ngiti lang ang isinukli niya sa akin.

20 items lang ang ibinigay sa amin at lahat iyon, identification. May iilang items akong hindi nasagutan pero ipinasa ko na rin lang. Wala naman akong magagawa kung hindi ko naman talaga alam ang sagot. At least, nakapagsagot naman ako kahit papaano.

"You got a perfect score,Sofia. As usual. Congratulations." Sabi ng prof namin.

Pinalakpakan nila si Sofia at itong babae naman na 'to, tumayo pa at nagpasalamat. Tumaas lang ang kilay ko at kinagat ang ballpen na hawak.

May mga pangalan pang binaggit. Hindi naman na ako umasa pang isa ako doon sa mga pumasa.

"Miss Sereno? Where are you?" Tawag sa akin.

Tumayo naman ako para magpakita sa kanya. Alam kong mababa ang nakuha ko, hindi na niya kailangan pang sabihin. Hindi na niya kailangan pa akong ipahiya sa buong klase.

"Congratulations. Hindi ka man nakakuha ng perfect score,bstill, you passed. You got 13 out of 20. Keep it up." Nakangiting sabi niya. Nagulat ako, hindi makapaniwala. "And I'm glad dahil sa wakas, you're on your proper uniform. That's good." Dagdag pa nito.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now