Chapter 7

148 4 2
                                    

Chapter 7
Worried

"Uuwi na ako." Sabi ko matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Don't move. I'll be back." Sabi niya at umahon sa tubig.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong nakikarera sa sobrang bilis. Hinawakan ko ang labi ko. Ramdam ko pa rin ang mainit na halik na pinagsaluhan namin.

"Wear this." Hinihingal pa siya pagbalik niya na kung hindi ako nagkakamali,tumakbo siya.

May dala siyang malaking damit na hindi ko naman alam kung saan niya kinuha at tinulungan niya pa akong maisuot iyon. Naamoy ko ang panlalaking pabango na nanuot ang mabangong amoy no'n sa aking ilong.

"Kaya kong maglakad." Sinubukan niyang buhatin ulit ako nang umamba akong tatayo. Hindi siya nakinig saakin at tuluyan niya na akong nabuhat. "Put me down, Cross." Utos ko sa kanya.

"Wala kang karapatang utusan ako. So shut up and stop wriggling,you might fall." Sabi niya.

Whoah! What did he say? Wala akong karapatang utusan siya? Bakit? Inutusan o inobliga ko ba siya na buhatin ako? This man is really...argh! Ayoko ng makipagtalo.

Mahaba ang nilakad namin palabas. Madilim na at buti nalang hindi siya natatalisod,parang kuwago,ang linaw ng mata. Nakakapit ang kaliwang braso ko sa leeg niya, baka mahulog ako.

"May motor akong dala, doon mo nalang ako iwan."

"Motor na hindi naman sayo?" He pointed out.

"Sinasabi mo bang ninakaw ko?" Iritadong bulyaw ko sa kanya.

"I didn't say that." Then I heard his chuckles. Naku! Kung hindi lang mahina ang katawan ko ngayon baka nasuntok ko na siya.

"Ihahatid na kita. Nag-aalala sayo si Nanay Wilma." Ibinaba niya ako sa pick up niya na nakaparada sa labas ng gubat. Agad niyang isinara ang pinto sa pag-aakalang lalabas ako at mabilis siyang umikot papunta sa driver's seat.

Alam ba ni Nanay Wilma? Teka, hindi ako pwedeng magpakita sa kanya na ganito ang ayos. Baka kutusan nanaman ako no'n!

"Alam na niya ang nangyari. She's worried about you because she knew that it was you who helped those people." Sabi niya na akala mo nabasa ang isip ko. Am I too transparent?

"Did she tell you that it was me?"

"No."

"Then, how did you know?"

Sumulyap siyang muli saakin bago bumaling sa daan. "I just know."

Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Bago pa man ako makalabas ay nasa harapan ko na siya at binuhat ulit ako papasok sa bahay.

"Rielle! Jusko! Salamat naman at maayos ka!" Si Nanay na nataranta. "Salamat Se—" Hindi na natapos ni Nanay ang sasabihin niya dahil inunahan na siya ni Cross.

"Saan po ang kwarto niya?"

Tinuro naman ni Nanay. Nilapag niya ako sa kama at tiningnan ng mabuti. "Rest, Rielle." He whispered on my ears before stepping out on my room with Nanay.

Hindi ko na narinig ang boses ni Cross, baka umalis na. Si Nanay naman, bumalik sa kwarto at kinausap ako.

"Nay—"

"Magpahinga ka na, Rielle. Bukas na tayo mag-uusap." Galit na sabi niya saakin.

"Nay, hindi naman po pwedeng panoorin ko nalang sila." Paliwanag ko. "May bata po doon at—"

"Bugbog sarado ka na, Rielle. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Dahil ako, awang-awa na sayo!" Narinig ko ang iyak niya. Nakatayo pa rin siya sa hamba ng pintuan. "Nagrerebelde ka na! Pwede bang umiwas ka na sa gulo? Paano kung napatay ka ng mga holdapper na iyon?huh, Rielle?!"

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon