Kabanata 15

228 26 10
                                    

Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa loob ng simbahan at tumayo lamang sa bandang likuran. Lihim na napangiti si Vice nang makita ang reaksiyon ni Alena habang nililibot nito ang kanyang paningin sa kabuuan ng simbahan.

Kahit hindi sabihin ni Alena ay bakas sa mukha nito na namamangha siya sa mga disenyong nakaukit sa kisame at sa mismong altar. Maging ang mga taong nagdadasal sa loob ay mapanuri niyang pinagmasdan. "Ano sa tingin mo ang laman ng kanilang mga panalangin?" biglang tanong ni Alena dahilan para matauhan si Vice. Bahagya siyang nailang dahil hindi niya namalayang kanina pa pala niya tinititigan ang sang'gre.

Mahina siyang napatikhim at pinagmasdan din ang mga tao sa kanilang palibot. "Marami. Maaring pera, bahay, trabaho, sasakyan, pamilya, o makakasama sa panghabang-buhay."

"Makakasama sa panghabang-buhay?" muling tanong ni Alena at napatingin ito sa kanya. "Maging iyon ay pinapanalangin ninyong mga taga lupa, kahit pa alam ninyong lahat ng bagay sa mundo ay mayroong hangganan?"

Sandali namang natigilan si Vice at tinanong rin ang kanyang sarili. Nang makaisip ng maisasagot ay napatango siya at tumingin sa harapan ng altar. "Di makakaila na may mga tao talagang hinihiling iyon kahit pa alam nilang imposible," panimula niya at sandaling sinulyapan muli si Alena. "At isa pa, kamahalan, hindi naman yata literal na panghabang buhay ang kanilang pinapanalangin," ngiti ni Vice sa kanyang sarili.

"At ano ang iyong ibig sabihin?" tanong ulit ni Alena at napaharap na rin sa tapat ng altar.

"Madalas, may mga tao tayong gustong nating makasama kahit sa kabilang buhay. Mga taong handa tayong hintayin sa kabila upang ipagpatuloy ang anumang naudlot na pagsasamahan noong nabubuhay pa," pagpapaliwanag ni Vice sa katabi na para bang silang dalawa lamang ang naroroon.

Habang nagsasalita ay naramdaman ni Vice na napapaisip din ang sang'gre sa kanyang mga sinasabi. Pinagmasdan niyang mabuti si Alena na napatingin rin sa kanilang paligid. Patuloy lang siya sa pagpapaliwanag at pagtitig sa sang'gre nang madako rin ang mga mata nito sa kanya. Dahil dito ay bahagya siyang umiwas at nagkunwaring sa harapan lamang ang kanyang atensiyon, "Kaya sa tingin ko, ang pinapanalangin nilang makakasama sa panghabangbuhay ay katumbas sa panalanging magkaroon ng pag-ibig na magpapatuloy pa rin hanggang sa kamatayan —" hindi natapos ni Vice ang kanyang mga sinasabi nang biglang magsalita si Alena nang hindi niya inaasahan.

"At pagmamahalang maituturing na walang hangganan," giit nito habang pinagmamasdan ang mga taong nagdarasal. Hindi naman agad nakasagot si Vice dahil sa kanyang narinig. Sandali niyang tinitigang muli si Alena. Mula sa mapupungaw nitong mga mata, matangos na ilong, at mapulala nitong labi.

Sa pagkakataong iyon ay biglang bumalik kay Vice ang mga sinabi sa kanya noon ng kaibigang si Anne patungkol sa kung paano umibig ang mga nilalang na katulad ni Alena. Batid niyang isang beses lamang kung magmahal ang mga ito at ang taong kanilang mamahalin ay maituturing na na panghabangbuhay.

"Masasabi ko na sobrang swerte ng lalaking mahal mo, dahil maging sinuman ay walang ibang hagad kundi ang ibigin ng taong mahal nila ng lubos at walang hanggan," isip ni Vice habang nakatingin lamang sa kanyang katabi. "At isa na ako don."



















Bigla namang natauhan si Vice nang muling pumalakpak ang mga tao sa kanilang paligid. Agad siyang napalingon sa maliit na entablado at nakitang nakatayo na si Mr. Albert Kim sa harap ng mikropono. Maging si Alena ay nakatuon na rin ang mga mata sa negosyanteng kanina pa nila hinihintay. Agad namang napabalik sina Vice at Alena sa kanilang upuan nang mapansing sila na lamang ang nananatiling nakatayo.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Pasensiya na dahil nahuli ako ng kaunti," panimula ni Mr. Kim, na isa pala sa mga espesyal na panauhin ng pagtitipong iyon. May katandaan na ito ngunit maayos pa rin naman ang kanyang tindig. Singkit ang kanyang mga mata at bakas sa kanya na may lahi itong Intsik. Gayunpaman ay tila bihasa siya pagsasalita sa Filipino at maging sa Ingles. "Unang-una, ako ay lubos na nagagalak na makita kayong lahat dito. I am also honored and grateful that I was given the chance to speak in front of you..."

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now