Kabanata 12

226 23 11
                                    

Agad na sinalubong ni Anne si Vice nang makabalik ito sa kanyang condo unit. Bakas sa mukha nito ang konting inis at bahagyang pag-aalala. "Saan kayo nanggaling? I've been looking all over for you."

"Diyan lang sa tabi-tabi," napakamot sa batok si Vice dahil hindi niya inakalang matatagalan sila kanina sa paglalaro. Nilibot ng kanyang paningin ang buong silid at hindi siya nabigong makitang nandoon na nga si Alena. "Ito kasi, iniwan ako eh."

Hindi naman siya pinansin ng sang'gre na seryoso na ngayong nakaupo sa harap ng malaking TV.

Palihim namang napangiti si Vice nang maalala ulit ang mga litrato nilang dalawa sa photobooth kanina. Akmang lalapitan niya at aasarin ang sang'gre nang harangan siya ng laptop ni Anne. "Ano yan?"

"Just read it," sagot ng kaibigan at inayos ang suot niyang salamin. "Buong hapon akong nagresearch para mahanap lang yan."

Dahil dito ay tinignan at binasang mabuti ni Vice ang mga nakalagay sa screen. "The twenty-fifth Chinese Business Circle Gathering — ano namang gagawin natin diyan? May balak ka bang magtayo ng negosyo?" tanong niya dahilan para taasan siya ng kilay ni Anne. "Ano nga kasi yan?"

"Just read the expected attendees."

Napairap naman agad si Vice at kinuha kay Anne ang hawak nitong laptop. Katulad ng utos nito ay sinimulan niyang basahin ang mahabang listahan. "Shaun Jianlin, Bernard Liu, Alfie Yao, Willie Gosiengfiao — teka nga, sino ba kasi tong mga to?"

"Basahin mo nalang kasi!" pagmamatigas ni Anne at mas inilapit pa ang ulo ng kaibigan sa screen.

"Jerry Chen, Dave Tan, Peter Wu, Albert Kim —" bigla namang natigilan si Vice nang mabasa ang isang pamilyar na pangalan. "Sandali. Ito ba yung Albert Kim na hinahanap natin? Yung negosyanteng pinagbentahan ni Virgilio ng brilyante?"

Napatango si Anne at kinuha ang kanyang laptop mula sa katabi. "Sa tingin mo ba may iba pang Chinese na Albert Kim sa Chinese Business Circle?"

"Aba! Malay ko ba kung ibang Albert Kim yang nakasulat diyan. Ang dami niyang kapangalan no," pagdepensa ni Vice sa kanyang sarili.

"Ewan ko sayo. Sigurado akong ito ang Albert Kim na hinahanap natin. I did a research on him all day but unfortunately, I found out nothing much about him except the fact that he seemingly keeps a very low profile. Maybe because of the rumors and various drug allegations na nalilink sa kanya. At ayon sa mga nakalap kong impormasyon kanina, Mr. Kim is a very private person at minsan lang daw dumadalo sa kahit anong events. And whenever he does, hindi ito mga ordinary events lang but mostly the highly exclusive ones."

Sa kabilang banda, ay tahimik lang silang pinapakinggan ni Alena. Hindi man nila sabihin, ramdam niyang mahihirapan na naman silang makuha ang nawawala niyang brilyante.

"Kung ganun, paano tayo makakapasok sa event na yan?" tanong ni Vice at sandaling tinitigan si Alena bago harapin ulit si Anne. "Ikaw na mismo nagsabing hindi yan isang ordinaryong pagtitipon lang. Kaya ibig sabihin, kailangan din nating magkaroon ng exclusive access sa event para makalapit tayo kay Albert Kim. Any ideas?"

"Through connections," sagot ni Anne na mukhang nakaisip na ng solusyon sa panibago nilang problema. Binigyan niya ng isang makahulugang tingin si Vice, na agad naman nitong naintindihan.

"No. Hindi pwede! Hindi ko pwedeng gamitin para dito ang kompanya ni lolo. Alam mo naman yung sitwasyon ng kompanya ngayon, diba? Ayaw kong madamay yon. Maghanap tayo ng ibang paraan."

"Pero kung iisiping mabuti, wala na tayong ibang paraan. Ito lang ang maari nating gawin para makapasok tayo sa event na'yon. Plus the fact that your lolo's company already has several Chinese shareholders. Kaya isipin mo, baks, this is obviously our easiest way in."














Ang Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon