Kabanata 9

456 44 15
                                    

Tirik na ang araw nang makarating ang bangkang sinasakyan nila sa isla ng Sabtang. Katulad ng nasa bayan, ay gawa rin sa bato ang mga bahay. Ngunit mas malayo-layo lang ang agwat ng mga kabahayan dahil kakaunti lamang ang mga naninirahan doon.

Unti-unting bumaba ang mga pasahero ng bangka dala-dala ang mga gamit nila. Dahil nakaupo sa bandang likuran ay huling nakababa sina Vice at Alena na kapwa tahimik at walang imik.

Pagkatapos kasi ng hindi inaasahang pangyayari kanina ay wala ni isa sa kanila ang nag-atubiling magsalita pa.

"Mas maigi siguro kung maghiwa-hiwalay muna tayo," suhestiyon ni Anne at sumang-ayon naman agad si Vhong.

"Tama, para mas mapadali at mabilis yung paghahanap natin. Kami nalang ni Anne ang magtatanong sa banda don, habang kayo naman—" hindi na natapos pa ni Vhong ang kanyang dapat na sasabihin nang agad na umalma si Vice.

"Gusto ko rin si Anning yung kasama ko sa paghahanap," diretsong giit nito at hinablot ang kamay ng kaibigan.

"Eh sino naman yung kasama ng mahal na sang'gre?" tanong ni Anne ngunit nagkunwari lang si Vice na wala siyang narinig.

"Kaya kong maghanap mag-isa. Kabisado ko naman na ang mukha ng lalaking ipinakita niyo sa litrato," malamig na sagot ni Alena.

Hindi naman maintindihan ni Anne ang nangyayari sa pagitan nina Vice at Alena. Halata kasing iniiwasan nila ang isa't isa, at hindi na nagpapansinan. Inisip nalang niyang hindi pa tapos ang bangayan ng dalawa kanina sa bangka.

"Ako nalang ang sasama sa kanya. Baka mapahamak pa to eh," sambit ni Vhong dahilan para tignan siya ni Vice.

Alam ni Vice na si Anne ang talagang napupusuan ni Vhong ngunit minsan talaga ay kakaiba ang pakikitungo nito kay Alena.

"Hindi na kailangan. Kaya ko na ang aking sarili. Magkita nalang tayong lahat dito mamaya," walang emosyong giit ni Alena at nagsimula nang maglakad palayo sa kanilang tatlo.

Agad namang sinamaan ng tingin ni Anne si Vice dahil ramdam niyang may ginawa na naman ito, "Waks, ano naman bang pinag-awayan niyong dalawa? Bakit parang nagtatampo yon?"

Hindi naman matignan ni Vice si Alena habang naglalakad ito palayo. "Ewan ko. Tara na nga. Kaya naman daw niya yung sarili niya."

"Sundan ko nalang kaya?" pahabol na turan ni Vhong at tinignan si Anne bago si Vice na agad nagtaas ng kilay.

"Hindi mo ba narinig? Kaya na nga daw niya yung sarili niya, diba?" masungit na giit ni Vice at akmang maglalakad na ulit.

"Pero baka kasi hindi pa maayos yung pakiramdam nun. Diba nahimatay siya kahapon? Paano kung mangyari ulit yon? Tapos ngayon wala pa siyang kasama," sagot ni Vhong, sa pag-aakalang tulad nila ay normal na nilalang lang din si Alena at kakaiba lang talaga ang tawag sa kanya ng kanyang mga kasamahan.

Nagkatinginan naman ang dalawang magkaibigan. Bahagya ring napaisip si Vice dahil tila nakalimutan niya ang kakaibang nangyari kay Alena kahapon.












Mag-isang naglalakad si Alena, habang pinagmamasdan ang mga taong kanyang nasasalubong. Nagagawa niya ring magtanong sa mga ito kung may kilala ba silang Virgilio, ngunit lahat sa kanila ay hindi ang sagot.

Pilit niya ring pinapakiramdaman ang kanyang paligid para mahanap ang nawawala niyang brilyante. At kung talaga ngang nandoon lang sa islang iyon ang lalaking kumuha nito, ay malaki ang pagkakataong maramdaman niya ang presensiya ng brilyante sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Ngunit kahit anong gawin niyang pagtawag sa gabay diwa ng brilyante ng tubig ay hindi ito sumasagot, dahil na rin siguro hindi buo ang kanyang konsentrasyon.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now