Kabanata 27

210 36 16
                                    

Kinabukasan, tanging tunog mula sa mga kubyertos at mga plato lamang ang maririnig sa buong hapagkainan. Sabay silang nag-agahan dahil bukas na nang madaling araw ang alis ng barko nila ni Dominic patungong Cagayan at Davao. Buong gabing hindi nakatulog si Alena nang malaman niyang siya lamang ang makakasama dahil iyon daw ang sinabi ni Vice kay Dominic. Nakadagdag rin sa gumugulo sa isipan ng sang'gre ang sagutan sa pagitan nila ni Vice kahapon.

"Are you still feeling a bit woozy?" napatingin ang lahat kay Lia nang tanungin siya ni Dominic. Sa pagkakataong iyon ay napayuko na lamang si Alena habang palihim naman siyang pinagmasdan ni Vice.

"On the contrary, I'm feeling so much fine. So much better even. Pero hindi ko pa rin talaga maalala kung bakit ako biglang nawalan ng malay kahapon," napakagat ng labi si Lia at pilit na binabalikan kung ano nga ba ang nangyari sa kanya sa dalampisgan. Buti na lang at naabutan siya doon ni Dominic kung kaya't wala ring nangyari masama sa kanya.

Kunot-noo namang tinignan ni Vice ang kanyang kaharap at napaisip siya kung may taglay na kakayahan ba ang mga sang'gre na magbura ng mga alaala. Dahil doon, hindi rin maiwasan ni Vice na balikan ang hindi inaasahang sagutan na namagitan sa kanila ni Alena sa tabing-dagat kahapon.

Napapikit na si Vice dahil ayaw niyang makita ang pagluha ng kanyang kaharap. Hindi niya nais na makitang nasasaktan ito ngayon ng dahil sa kanya. Bawat segundo ay tila ba dumagdag sa kakaibang tensiyon na nararamdaman nila sa isa't-isa. Sabay silang napahinga ng malalim at kapwang lumuluha habang mataman na nagkakatitigan.

"Umiiwas ako dahil nagseselos ako kay Dominic!"

"Nagagalit ako dahil nagseselos ako kay Lia!"

Pareho silang napahinto ni Alena at natuod sa kanilang kinatatayuan nang sabay nilang binitawan ang mga katagang iyon. Sa isang iglap ay para bang tumigil ang pagwala ng malakas na hangin mula sa dagat at kumawala naman ang mga damdaming matagal na nilang kinukubli at pinipigilan para sa isat-isa.

"M-Medyo nakakatampo lang na parang mas masaya ka sa tuwing kasama mo si Dominic kesa sa akin, I mean, sa amin nina Anne at ni Vhong. Eh kami naman tong mas matagal mo ng kilala," nauutal na palusot ni Vice nang mapagtanto ang kanyang sinabi. Napasimangot naman dito si Alena at tila bumalik ang pagka-inis.

"Ikaw na ang nagsabi na mas matagal tayong magkakilala ngunit bakit mas tila mabilis kang naging komportable kay Lia? Palagi mo nalang siyang pinapatawa at nginingitian. At higit sa lahat, nagagawa mo pa siyang yakapin na para bang kilalang-kilala niyo na ang isa't-isa!"

"Niyakap ko siya kanina dahil nadala lang ako sa pinag-usapan namin. Hindi naman tulad yon ng pagkiss sayo ni Dominic sa pisngi noong isang gabi. Ilang oras pa nga lang kayong nagkakilala pero hinayaan mo lang siyang gawin yon sa'yo! Tapos palagi pa kayong magkasama!"

"Hindi ba't ikaw naman itong panay tulak sa akin palayo? At kung talaga nagtatampo ka sa tuwing magkasama kami ni Dominic, bakit pilit mo naman akong nilalapit sa kanya?!"

"Dahil sa kanya tumitibok ang puso mo at yon ang nakikita kong nararapat!" natigilan si Alena dahil sa naging sagot ni Vice sa kanya. Maging siya ay napaisip kung tama nga ang mga sinabi nito.

"At dahil diyan, sa tingin mo, nararapat ding ipaubaya mo nalang ako sa kanya? Ganon ba yon? Hahayaan mo akong umalis dito na siya ang kasama, sa halip na ikaw?! Ikaw na nangakong hindi ako iiwan hangga't hindi ko naibabalik ang brilyante!" naluluhang sigaw ni Alena nang maalala ang pinag-usapan nila ni Dominic bago pa siya makarating kanina sa dalampasigan.

Ang Mahiwagang Pusoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن