Kabanata 8

461 45 17
                                    

Alas dos na ng madaling araw ngunit hindi pa rin makatulog si Vice. Maliban sa hindi siya sanay na humiga sa sahig ay gising na gising pa rin ang kanyang diwa.

Hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang kanyang natunghayan kanina. Bakit kaya ganun nalang ang reaksiyon ni Alena nang makita ang lalaking iyon? At bakit tila pamilyar kay Vice ang mukha nito?

Ilang saglit lang ay sinilip niya ang kaibigang si Anne sa kaliwang higaan na halatang mahimbing na ang tulog. Napatingin din siya sa kabilang kama kung saan nakahiga naman si Alena, nakatalikod ito sa kanya at walang imik.

"Alena!" pagtawag niya sa mahal na sang'gre dahilan para mapahinto niya ito sa paglalakad at dahan-dahang siyang nilingon.

Napatulala si Alena kay Vice habang natigilan naman ang huli. Hindi niya rin inasahang tatawagin niyang muli ang sang'gre sa kanyang pangalan.

Sa gitna ng maraming tao na tila abala sa paglalakad, tanging silang dalawa lamang ang nakahinto. At kasabay nang pagtapat ng kanilang mga mata, ang pag-ihip ng marahang hangin.

Akmang maglalakad na si Vice palapit kay Alena nang mapansin niyang nakatulala ito sa kung anumang meron sa kanyang likuran.

Unti-unti napalingon si Vice sa kung saan man nakatingin si Alena at napagtanto niyang nakatuon ang mga mata nito sa isang lalaking may kausap sa telepono ilang metro lamang ang layo sa kanila. Matipuno ang pangangatawan nito, at di makakailang may angking kagwapuhan.

Nang ibalik na ni Vice ang kanyang atensiyon kay Alena ay mabilis itong tumalikod at nagsimula ng maglakad pabalik sa kanilang hotel. Sandali siyang nanatili sa kanyang kinatatayuan na nagtataka bago patakbong sinundan ang huli.

Mabilis namang nahiga ulit si Vice at pumikit nang maaninag niyang biglang bumangon si Alena at napaupo sa kanyang higaan. Bahagyang madilim ang buong kwarto kaya hindi siya nito napansin.

Habang sumisilip sa kumot ay nakita niyang tumayo ang sang'gre at naglakad tungo sa maliit na balkonaheng malapit sa kanyang higaan. Sandaling pinagmasdan ni Vice ang huli habang nakatingala ito sa buwan at tila malalim ang iniisip.

Dahil sa kagustuhang malaman ang mga bumabagabag sa kanyang isipan ay dahan-dahan ring tumayo si Vice at akmang lalapitan si Alena nang mapalingon ito sa kanya.

"U-Uy, kamahalan. H-Hindi ka rin ba makatulog?" kinakabahang palusot ni Vice dahil mukhang naramdaman ni Alena na kanina pa siya nito pinagmamasdan.

Ngunit sa halip na sagutin si Vice ay inirapan lang siya ni Alena at ibinalik ang kanyang atensiyon sa kalangitan.

"Ay oo nga pala. Hindi ka nga pala nadadatnan ng antok," sagot rin ni Vice sa kanyang sariling tanong at bahagyang tumabi kay Alena.

Nanatili namang walang imik ang sang'gre habang nakatanaw lang sa liwanag ng buwan. Tahimik na rin ang buong paligid dahil madaling araw na at halos lahat ay tiyak natutulog na o namamahinga.

Habang pinagmamasdan si Alena ay ramdam ni Vice na katulad niya ay may bumabagabag din sa isipan nito. "A-Ang ganda rin ng buwan dito no? Pero mukhang konti lang yung mga stars ngayon, siguro uulan bukas—"

"Hindi mo na kailangan pang magsayang ng salita. Batid kong may iba kang gustong sabihin," walang emosyong giit ni Alena at hindi manlang pinatapos si Vice.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now