Kabanata 11

261 26 14
                                    

Tahimik na nakatanaw si Alena sa labas ng malaking bintana ng condo unit ni Anne habang pabalik-balik naman sa paglalakad si Vice sa sala.

Kasalukuyan nilang hinihintay ang resulta ng research ni Anne patungkol sa hinahanap nilang si Mr. Kim, ang mayamang negosyante na ipinagbentahan ni Virgilio ng brilyante.

"Okay! Ito na! I found him!" masiglang giit ni Anne dahilan para dali-dali siyang lapitan ng kaibigan. Nanatili namang nakatayo lang si Alena at naghintay nalang sa mga sasabihin nito. "The businessman Virgilio was referring to is Mr. Albert Kim."

"Albert Kim? One of the suspected drug lords here in the country? Seryoso ka ba diyan?"

Kibit-balikat namang sumagot si Anne, "Well, if we really think about it, waks. It does make sense, hindi ba? Knowing Virgilio's past background."

Napasapo naman si Vice sa kanyang noo. "Now, what do we do next? Sigurado namang hindi nun ibibigay sa atin ang brilyante ng basta-basta. And who knows kung magkano na ang presyo nun if ever ibenta niya sa atin."

"And don't forget the fact na hindi tayo basta basta makakalapit sa kanya," sagot ni Anne habang abala na ulit ngayon sa kanyang laptop.

Napabuntong hininga naman si Vice dahil sa panibago nilang problema. Bakas sa mukha nito ang inis sa sarili at pagkadismaya. "So, ano ng gagawin natin ngayon?" tanong niya sa katabing si Anne.

"Well, obviously. First things first. Kailangan nating makaisip ng paraan para makalapit kay Mr. Kim," giit ni Vice at sandaling napalingon kay Alena na kanina pa pala siya tahimik na pinagmamasdan.

















"Nandito ka lang pala," paglakad ni Vice patungo sa tabi ng sang'gre. Bahagyang humahangos siya at medyo magulo ang buhok. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng condo building ni Anne. "Kanina ka pa namin hinahanap sa baba. Akala ko kung saan ka na naman nagpunta."

"Habang tumatagal ako dito, ang dami kong napapagtanto tungkol sa inyong mga tagalupa," pagsasalita ni Alena habang nakatanaw sa malalaking gusali, sa mga sasakyan sa daan, at sa mga taong sobrang abala sa paglalakad. "Ngayon, napagtanto ko kung gaano kagulo ang mundo niyo — ang mundo mo."

Sandaling tinignan ni Alena si Vice na nakatingin rin sa kanya. Bakas sa mga mata ng sang'gre ang lungkot na kahit si Vice ay hindi maipaliwanag.

Minsan lang kasi magpakita ng kahit anong emosyon si sang'gre Alena kaya iba ang dating ng tingin nito ngayon kay Vice.

"May balita na ba patungkol sa hinahanap natin?" biglang tanong ng sang'gre dahilan para maputol ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Napabalik naman si Vice sa kanyang ulirat at mahinang napailing. "Hindi pa pero naghahanap na ngayon si Anne ng paraan para makalapit tayo kay Mr. Kim. Naghahanap rin siya ng mga taong pwede nating lapitan para magkaroon tayo ng koneksyon sa kanya. O mga events na maari nating daluhan."

"Kung ganun pala, ang tanging magagawa natin ngayon ay ang maghintay," giit ni Alena at ibinalik ang tingin sa mga gusali at sa mga sasakyan.

Sandali silang natahimik pareho hanggang sa magsalita si Vice. "Alam mo, kamahalan. Tama ka. Sobrang gulo nga talaga ng mundo naming mga tao," giit niya pero tila may naisip pang ibang sabihin. "Pero sa kabila ng kaguluhan, meron din namang magaganda. Sabi nga ni Catriona, we should always try to see complicated situations with a silver lining."

"At sino naman si Catriona?" tila hindi interesadong tanong ni Alena sa kanyang katabi.

"Yung Miss Universe 2018. Teka ha, ipapakita ko siya sayo. May picture yata ako nun dito eh," excited na sagot ni Vice at kinuha ang kanyang phone.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now