Ang Huling Kabanata

471 42 56
                                    

Pagkalipas ng anim (6) na taon...

Alas otso ng gabi nang magsimulang bumuhos ang mahinang ulan. Ngunit sa kabila nito, kapansin-pansin pa rin ang dami ng tao na abala sa paglalakad pauwi sa kani-kanilang mga tahanan. Hindi rin magkamayaw ang ingay sa kalsada dulot ng malakas na busena galing sa mga sasakyan na mabagal ang pag-usad dahil sa matinding trapiko.

Inip namang napatingin si Vice sa suot niyang relo bago muling bumusena ng mas matagal at mas malakas dahil kanina pa talaga hindi maka-usad ang kaniyang sasakyan. Kakagaling niya lang sa trabaho at nasasabik na siyang umuwi upang magpahinga.

Buong araw siyang nasa opisina upang asikasuhin ang mga bagong negosyo at investors ng kanilang kompanya. Simula kasi noong pumanaw si Don Gonzalo dahil sa katandaan, tatlong taon na ang nakakalipas, si Vice na ang sumalo ng lahat ng mga responsibilidad at mga obligasyon nito.

Kahit bahagyang labag sa kaniyang kalooban, nag-resign si Vice sa pagiging producer at mas pinili nalang niyang patakbuhin ang kanilang kompanya.

Ngunit kahit papano, naging maganda ang bunga ng naging sakripisyo ni Vice. Dahil sa kanya, muling namayagpag ang pangalan ng kompanyang lubos na pinaghirapan ng kaniyang lolo Gonzalo at ng kaniyang mga magulang.

Napatingin nalang si Vice sa bintana ng kaniyang sasakyan. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mahinang ulan kaya mas mabagal ang takbo ng trapiko. Habang bahagyang nagmamasid sa labas ay biglang dumako ang kaniyang paningin sa malaking billboard ng isang bagong pelikula habang pinapaligiran ito ng mga ilaw.

Aman Sinaya: Legend of the Ocean
only in theaters nationwide

"So, they finally made a movie adaptation of that famous play? Mabuti naman kung ganon," pagkausap ni Vice sa kaniyang sarili.

Sandali niya itong pinagmasdan at para bang may kung anong malabong alaala ang pansamantalang dumaan sa kaniyang isipan bago niya muling ibaling ang kaniyang atensiyon sa nakakaubos-pasensiyang trapiko. Akmang tatadtarin na naman sana ni Vice ang busena ng kaniyang sasakyan nang biglang tumunog ang kaniyang phone. Kaya mabilis niya itong hinanap sa maliit na compartment ng sasakyan saka sinagot.

"Now, where on earth are you? Yong ibang guests kanina pa nakauwi, tapos ikaw, anong oras na, wala pa rin? Wag mong sabihing nakalimutan mo? Because you surely know na hindi ka niya mapapatawad if you did," sunod-sunod na sambit ng babae na nasa kabilang linya ng telepono.

Agad namang napasapo si Vice sa kaniyang noo at mabilis na napalingon sa kulay berdeng kahon na nakapatong sa likurang upuan. Dahil sa sobrang pagod ay hindi niya ito agad napansin kanina nang makapasok siya sa sasakyan.

"Oh shit. I'm sorry. I really am. Please tell her na hindi ko nakalimutan. It's just that sobrang busy ko lang talaga kanina sa opisina at hindi ko na namalayan yong oras, pati na rin yong mga gagawin ko sana pagkatapos ng trabaho," litanya ni Vice at inis na napahilamos ng mukha.

Rinig naman ni Vice ang pagbuntong hininga ng babae sa kabilang linya. "Gising pa ba siya? Please let me talk to her. Ako na ang magpapaliwanag."

"Well, she's already asleep. Nakatulog nalang sa kahihintay sa'yo. Kawawang bata. Sabik na sabik pa naman sana yong makita ka ngayong araw," pangongonsensiya pa ng babaeng kausap ni Vice.

"Naku, tigil-tigilan mo ako, ngangabu ha. I'm already feeling worse dahil sa pesting traffic na'to tapos ngayon naman mas lumala pa dahil hindi ako nakapunta sa birthday ng inaanak ko. Kaya pakiusap, wag mo ng sagarin," tumawa naman si Anne sa kabilang linya dahil mukhang epektibo ang pang-aasar at pang-iinis niya sa kaniyang kaibigan.

Ang Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon