Kabanata 7

556 42 14
                                    

Maghahating-gabi na nang magdesisyon ang dalawa na lisanin ang Luneta Park. Nagsi-uwian na rin ang mga batang nakasama nila sa kanilang sariling mga pamilya.

Dahil sa di-inaakalang pagsama ni Alena kay Vice ay nagkaroon siya ng pagkakataong maranasan ang pagiging bata. Pinilit kasi siya nitong maglaro sa damuhan, at sa tulong ng mga bata ay wala siyang nagawa kundi ang maglaro kasama nila.

Mukhang hindi naman siya nagsisi dahil bakas sa kanyang mukha na nasiyahan siya sa paglalaro ng habulan, tumbang-preso, at luksong baka.

Dahil sa angking kakayanan at kakaibang kapangyarihan, ay nagpakitang gilas si Alena sa mga larong ito. Muntik na nga niyang mabalian si Vice nang hindi nahahalata ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Pero kahit ganun pa man, hindi mawala ang ngiti sa mukha ng huli habang nagmamaneho. Kung tutuusin, isa ng achievement para sa kanya ang mapapayag si Alena na gawin ang lahat ng iyon kanina. Lalo na't mailap ang mahal na sang'gre sa paglapit sa mga mortal na katulad niya.

Ilang sandali pa ay napahinto ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na tindahan. Makulay ang desinyo nito mula sa labas.

Napatingin naman si Alena kay Vice na parang tinatanong kung bakit sila huminto, ngunit hindi sumagot ang huli at una ng bumaba ng sasakyan.

Akmang papasok na si Vice sa tindahan nang mapansin niyang hindi nakasunod sa kanya si Alena, kaya binuksan niya ang pinto ng sasakyan.

"Anong ginagawa natin dito? Bakit tayo huminto?" nagtatakang tanong ni Alena habang bumababa at napalingon sa paligid.

"May bibilhin lang tayo. Tara na, kamahalan," nakangiting giit ni Vice at walang pasintabing hinawakan ang kamay ng sang'gre.

Napatingin naman si Alena sa magkahawak nilang kamay habang naglalakad tungo sa tindahan. Walang emosyon niya itong tinititigan ngunit hindi niya maipaliwanag ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

Napabalik nalang siya sa ulirat nang masagi ng pinto ang chimes na nakasabit sa loob at gumawa ito ng bahagyang malakas na tunog.

"O, kamahalan. Pumili ka na ng kahit anong flavor na gusto mo diyan. Libre ko," pagbibida ni Vice pero kunot-noo siyang tinignan ni Alena.

"A-Ano ba ito?" naiilang niyang tanong dahil hindi pa rin binibitawan ni Vice ang kanyang kamay.

"Ice cream ang tawag dito. Hindi ka pa ba nakakatikim nito?" tanong ni Vice at umiling naman si Alena.

"Ay oo nga pala. Hindi ka pala taga-rito. Sige, kamahalan, dahil first time mo, ako nalang ang pipili para sa'yo," dagdag ni Vice at pinili ang pinakapaborito niyang flavor ng ice cream.

Nagtungo sila sa counter upang magbayad nang magkahawak pa rin ang kamay. Tila hindi naman ito napapansin ni Vice dahil hindi manlang siya naiilang, kahit pa pinagtitinginan na sila ng ibang nandoon na parang kinikilig.

Nang makalabas sila ng tindahan ay don lamang binatawan ni Vice ang kamay ni Alena dahil kailangan nitong magmaneho.

Maya-maya ay napahinto ulit sila sa gilid ng kalsada. Bitbit ang supot na naglalaman ng ice cream ay bumaba si Vice at ganun din si Alena. Napatingin siya sa paligid at napagtanto niyang malapit sila sa dagat.

Biglang guminhawa ang kanyang pakiramdam nang marinig ang paghampas ng alon na tila nasasabik sa kanyang presensiya.

"Namimiss mo na, no?" tanong ni Vice nang mapansin ang pagbago ng kislap ng mga mata ni Alena nang makita ang dagat.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now