Kabanata 22

178 28 11
                                    

Maaliwas ang panahon at tila marami ang taong nag-aabang sa daungan ng Batangas. Abala ang iilan sa pag-asikaso ng kanilang mga maleta at kagamitan habang ang iba naman ay abala sa pakikipag-usap. Masayang naglalaro ang ilang mga bata sa tabi ng kanilang mga magulang habang hinihintay ang pagdating ng pampasaherong barkong sasakyan nila tungo sa kani-kanilang pupuntahan.

Sa isang malaking bato sa hindi kalayuan ay tahimik lamang na nakatanaw sa kanila si Alena. Madalas niya itong ginagawa sa tuwing nalulungkot siya sa ilalim ng karagatan o sa tuwing hindi siya nakakabisita sa kaharian ng kanilang Inang Minea. Rinig mula sa kanyang pinagtataguan ang tawa at hagikhik ng mga batang naglalaro ng habulan.

"Ano kaya ang pakiramdam na makasalamuha silang muli? Tila nakalimutan ko na yata iyon sa paglipas ng mga taon," pagkausap niya sa sarili at pilit na winaksi ang namumuong ideya sa kanyang isipan. Hindi siya maaaring pumunta sa lupa o makipagsalamuha sa mga tao dahil tiyak malalaman ito ng kanyang mga nakakatandang kapatid, at lalong-lalo na ng kanilang ina.

"Ano sa tingin mo, aking kaibigan? Dapat ko bang gawin ang aking binabalak?" pilyang tanong ni Alena sa pagong na tumabi sa kaniya. Ngunit hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglangoy.

Sa pagkakataong iyon, hindi niya maiwasang makaramdam ng lumbay habang pinagmamasdan ang isang masayang pamilyang naghihintay sa tapat ng daungan. Hindi malinaw ang kanilang mga mukha dahil may kalayuan sila mula kay Alena ngunit ramdam ng sang'gre ang saya ng batang lalaki habang hawak ang mga kamay ng kanyang mga magulang. Hinalikan pa ang batang iyon ng kanyang ama at ina sa magkabilang pisngi na ikinatuwa nito lalo.

Natunghayan rin ni Alena kung paano kulitin ng batang lalaki ang kanyang mga magulang na sila naman ang magbigay ng halik sa isa't-isa. Napahagikhik ang batang iyon ng sundin siya ng kanyang ama at ina.

Nakangiti naman silang pinagmasdan ng sang'gre dahil ramdam niya ang wagas na pagmamahalan ng mag-asawa, "Sana dumating ang panahon na maranasan ko rin ang walang kapantay na pag-ibig tulad ng sa kanila," sambit niya ng puno ng pag-asang makakahanap rin siya ng nilalang na magbibigay sa kanyang puso ng walang hanggang kasiyahan at pagmamahal.

Unti-unting iminulat ni Alena ang kanyang mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa araw. Nakabukas kasi ang malalaking bintana ng silid na iyon kaya malaya itong nakakapasok.

Dahan-dahan niyang ipinasada ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kwartong hindi pamilyar sa kanya. Hindi makakaila na may kalakihan ito at napupuno ng mga muwebles na yari sa kahoy.

Pilit na pinaupo ni Alena ang kanyang sarili kahit pa bahagyang kumikirot ang natamo niyang sugat. Nagtataka niya itong pinagmasdan dahil tila may kung sino ng naglinis at gumamot nito. Inisip na lamang niya na baka sina Vice ang may gawa non, at sila rin ang dahilan kung bakit nandon siya sa magarang silid na iyon.

Tanaw mula sa kanyang higaan ang berdeng damuhan at ang asul na dagat sa labas. Bahagya siyang napangiti dahil tila gumaganda na ulit ang panahon at maari na silang bumiyaheng apat.

Ilang sandali pa ay napalingon si Alena sa pintuan ng silid nang bigla itong bumukas. Tumambad sa kanya ang babaeng tila may katandaan na at may dalang gamot at telang pamalit sa kanyang sugat. "Naku, hija. Gising ka na pala. Sandali lang at tatawagin ko si Ser," nagmamadali nitong turan at inilapag sa mesa ang kanyang mga dala.

Akmang tatanungin pa sana ni Alena ang matanda nang tuluyan na itong lumabas ng silid. Kusa namang inayos ng sang'gre ang kanyang pagkaupo sa higaan at maging ang kanyang mahabang buhok sa pag-aakalang si Vice ang tinutukoy nito. Inayos niya rin ang suot niyang puting bestida na napagtanto niyang yari sa mamahaling tela.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now