Chapter 5 - Party and Ballsheet

30.5K 785 22
                                    

Chapter 5 – Party and Ballsheet

 

I HEARD a soft knock on my door saka ito bumukas. Dalawang oras na rin akong nakahiga sa kama after kong umaykat kanina at wala akong balak bumangon dahil ang gulo-gulo ng isip ko. I think I badly hit my head dahil kung ano-anu na lang ang naiimagine ko.

“Babe, ibinili kita ng dinner.” Sabi ni Ivo na nakasilip ang ulo sa pintuan. Mas lalo akong kinilabutan. Ang dami niyang endearments sa akin.

“I’m not hungry,” I mutter saka ko tinakpan ng unan ang mukha ko.

Nagulat na lang ako at napasigaw nang maramdaman kong tumalbog kama at nang tingnan ko ‘to at prenteng nakahiga si Ivo sa tabi ko.

“Ivo!” I whined. Hinampas ko siya ng unan pero tumawa lang siya ng malakas. “Alis na!”

“Ang lambot pala ng kamang ‘to. Sa limang taon kong pagtira rito hindi man lang ako nahiga rito.” He said amused.

“And now that you’ve experience it, can you please get out of my bed?” pagtataray kong sabi sakanya.

“No. I think I should savor this moment.” Tumihaya siya at ginawang unan ang dalawang kamay habang nakangiti.

Wala akong magawa kundi ang tingnan lang siya. Bagay na bagay sakanya ang kanyang messy hair na parang bagong gising at para siyang model ng Calvein Klein sa kanyang suot na white v-neck shirt at…at…

“Primotivo!” I shrieked at saka ko siya pinagtatapunan ng mga unan.

He laughed wholeheartedly habang sinasangga ang mga unan na binabato ko.

“Bakit ka naka boxer’s short lang!” I keep on striking him with the white fluffy pillow.

“Eh nasa loob lang naman kasi ako at—“

“Babae ako! ‘Di mo na ako ginalang!” pinamaywangan ko siya as I watched him laughing as if he was dying. Tama ‘yan mamatay na siya.

“Ah! Babae ka at natutukso rin.” He laugh playfully. I stared at him deadly.

“Get out or I’ll stab you in your heart!” I growl.

“Woah! Mana ka kay Mr. Aragon, ah?” he bluntly said saka patamad na bumangon sa kama. Nakatingin lang ako sa mukha niya at iniiwasan na mapatingin down there. Tsk!

“Anong pagkain ba binili mo?!” I scowled trying to hide the awkwardness that I’m feeling.

“Hmm, Buffalo wings. Are you okay with that?”

“Yeah.” Tumayo ako sa kama at laking gulat ko nang matanggal ang nakatapis na kumot sa katawan ko.

“Witwew!”

“Fvck!” I cussed at nagmamadaling kinuha ang kumot at tinapis sa katawan. Sh*t! How can I forget na nagpalit pala ako ng satin sando and cotton shorts. Ugh!

“See-through, babe!” pang-aasar niya. Kinuha ko ang pinakamalaking unan at buong lakas na binato ko ‘to sakanya.

“Bastos!”

Para siyang baliw na nakahawak sa tiyan niya habang tumatawa. Sana nga mabaliw na siya! Nakakaasar!

“I’ll be... hahahaha… down stairs… hahahaha… Okay, babe?”

Bago ko pa siya mabato ulit ng unan ay agad siyang kumaripas ng takbo. Hinihingal na napahiga ako sa kama. Sumasakit ulo ko sakanya, god!

Pinatungan ko lang ng robe ang katawan ko at tinatamad akong magbihis saka ako bumaba. Nadatnan ko si Ivo na nakaupo sa couch habang nag-s-scan ng channels sa LED TV niya. Dumeretso naman ako sa kitchen at nakita ko ang Buffalo wings na sinasabi niya na nakalagay pa sa take out box.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon