Chapter 18 - Date gone wrong

20.1K 592 29
                                    

Madaming error and typos! Thank you. hahaha

Chapter 18 – Date gone wrong

“Oh, kumusta naman ang operation akit mo kay Ivo?” tanong sa akin ni Sandy. Nandito kami ngayon sa mall at nag-iikot-ikot.

After work nagpasama siya sa akin para bumili ng puwedeng iregalo sa 2 years old niece niya raw.

“May date kami mamaya,” sabi ko. Kahapon after niya ako ihatid sa amin, sinabi kong magda-date kami whether he likes it or not. Siguro kaya siya pumayag na rin kasi ayaw niyang mapahiya ako. Sa totoo lang, nagbago na si Ivo after that night in the Villa. Naging malamig na siya sa akin. Pero hindi ako susuko. Kailangan kayanin ko ‘to.

“Really? Good start ‘yan. Saan kayo magde-date?”

“Hindi ko alam,” kung sa restaurant kasi kami pupunta, hindi naman siya makakakain so ang lagay papanuorin niya lang akong kumain.

“Ano? Tss. Eh paano kayo magde-date?”

“May maisa-suggest ka bang place?” tanong ko.

“Wala, eh. You know me naman, bar ang restaurants lang ang alam.” She said kaya napangiti na lang ako.

After some strolling, we part ways at umuwi ako sa amin. Ivo will pick me at 7 and I have less than one hour to prepare.

I just took a very quick shower saka nagbihis. Isang plain red dress with gold sequin sa colar ang sinuot ko. I matched it maroon stiletto.

I heard a soft knock on my door kaya napalingon ako sa nakasarang pintuan.

“Ma’am Cassey, nasa baba po si Sir Ivo.” Said the maid so I immediately grab my purse saka dali-daling bumaba.

I walk down to our grand stair case at nakita ko si Ivo nakatayo sa hindi kalayuan. Napatingin siya sa akin when he heard my footsteps.

I was expecting him to smile or to call my name. Pero hindi kagaya noon sa pent house niya, this time—he was very cold. Cold as ice and his face were hard as rock.

Unti-unti bumibigat ang dibdib ko papalapit sakanya. Hindi ko dapat ‘to nararamdaman. Kailangan kong tatagan ang sarili ko kung gusto ko siyang maging akin. I need him—desperately.

“Hi,” pinilit kong maging casual. I gave him my warmest smile that seemed can’t melt his coldness.

“Let’s go,” nauna siyang tumalikod sa akin and I have never been felt hurt like this before.

Pinigilan ko ang mga luhang pilit na kumakawala sa mata. Hindi ito ang oras para umiyak. Kaya ko ‘to. I can do this!

Nakangiti ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Atleast gentleman pa naman siya.

“Uhm, where are we going?” I asked while he was driving.

“Have you eaten?” he said nonchalantly.

“No. Pero ayaw ko naman na—“

“Then restaurant it is.” ‘yon lang sabi niya that made me shut up.

Tiningnan ko siya. Nasaan na ang Ivo ko. Gusto ko siyang alugin at para matauhan siya. Dinaig niya pa ang nagka amnesia. Kasi sa pagkakaalala ko, hindi ganito makitungo sa akin si Ivo. Kahit vampira siya, he was always gentle and warm.

Hindi kaya na-turn off siya sa akin dahil sa ginagawa ko? Mali ba ‘tong ginagawa ko? Do I need to give up?

Huminto kami sa isang restaurant. We talked a bit. I ate. Then we talked again. Pero very minimal na. Hindi kagaya noon na halos we talked about everything even silly things.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon