Chapter 26 - A kiss. A wind.

21.2K 602 46
                                    

Chapter 26 – A kiss. A wind.

 

HALOS after 8 hours nakarating din kaming Bicol. I enjoyed the drive. Syempre, kung si Lyrron ang kasama mo bakit ka nga naman ma-boboring? Besides, ang ganda ng tanawin habang nagba-biyahe ka. Rice fields, hills on the side of the road, high bridges, and creaks.

Lyrron told me that Iriga City was her mother’s hometown. Bihira lang daw siya makapunta rito at first time niya raw ulit ‘to after he graduated from high school.

I can’t seem to compare this City to Manila. Masyadong maingay sa Manila. Puro matataas na gusali ang makikita mo doon samantalang dito 5 storey building na ata ang pinakamataas.

Sa isang lumang bahay nakatira ang family ni Lyrron. It serves as their ancestral house. Parang bahay sa Vigan. The only difference is that, preserved ang bahay nila at malawak ang lote. Maraming kahoy at topiaries and oh, madami silang maid. The usual kastila house at kulang na lang magsuot ng baro’t saya at masasabi mong nasa panahon ka ni Rizal.

“Nasaan ang mga guwardiya sibil?” bulong ko sakanya habang naglalakad kami papasok sa entrance ng bahay. Tumawa lang siya sa akin saka ako inakbayan.

“Patay na sila. Hundred years ago. Mga maid na lang ang natira.” He said amused.

“Seriously?”

“My family in the mother side is pure Spanish. My father is half American and half Filipino. Kaya nga ang gwapo ko diba?” nakangisi niyang sabi.

“Hindi ka pa rin nakaka move on sa ka-gwapuhan mo eh ‘no?” kunwari irita kong sabi sakanya.

“Syempre hindi. Pag gising ko etong magandang mukha na ‘to ang tatambad sa akin, paano naman ako makaka move on noon?”

Napailing na lang ako sakanya. Kailangan ko ata lagi ng suporta kapag kasama ko ang lalaking ‘to dahil baka mamaya ilipad na lang ako sa sobrang lakas ng hangin niya.

Pumasok kami sa bahay at kung gaano kaganda sa labas ay ganoon din sa loob. Puro antics ang nakikita ko. Mga malalaking portrait na naka sepia and black and white ang photos. ‘Yung mga furniture naman ay masasabi mong mas matanda pa sa’yo dahi na rin sa istilo nito.

“Grabe, bahay talaga ng matanda. Ang presko dito ah. Hindi na kailangan ng aircon.” Tapos tumingin ako sakanya. “Oh baka dahil sa’yo ‘yon kaya lumamig ang paligid.”

“Hahaha, cheeky! Tara, ipapakilala kita sa Lola ko.”

Nilampasan namin ang living room. May two grand staircase naman kaming nadaanan papunta sa second floor at doon ko nakita ang chandelier na feeling ko panahon pa ni kopong-kopong.

Lamabas kami sa isang veranda at tumambad sa akin ang malawak na back yard. There’s an old woman and a middles aged man talking in the patio. Naka upo sa wheel chair ang matanda which I guess is Lyrron’s grandmother.

Naglakad kami papunta sa direksyon nila at kasabay namin ay may lumapit na nurse na may dalang tray of medicines.

“Abuela!” bulalas ni Lyrron. And I’m not dumb not to realize what he means.

Bigla namang nagliwanag ang mukha nang matanda pagkakita kay Lyrron. Kung hindi siguro dahil sa wheelchair niya hindi ko iisipin na may sakit siya. I mean, she’s a perfect epitome of Gloria Romero. Meztiza and very powerful looking kind of woman.

“Nandito ka na pala, Ly.” Sabi naman ng lalaki.

Napatingin naman sa akin ang dalawa at biglang lumuwang ang ngiti ng matanda nang magtama ang mata namin.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon