Chapter 2 -Moving on? Piece of Cake

41.4K 891 27
                                    

Chapter 2 –Moving on? Piece of Cake

“So anong oras ang party?” I asked habang naghahalungkat sa luggage ko. Kahapon napa-oo ako kay Ivo na sasamahan ko siya sa party kaya heto, para akong nag-uukay-ukay.

“Around 7PM.” He shrugs.

“Formal?” gosh wala akong makitang magandang isuot! Puro panlamig pala ‘tong dala ko.

“Semi,” he answered.

“Sh-t!” I cussed after realizing na kulang ng isang maleta ang dala ko. Hindi ko naman siya naiwan sa airport. I left it in my mansion. How stupid of me!

“Are you okay?” concern na tanong ni Ivo.

“Jackets, furry cardigans, winter coats and dress coats! ‘Yan pala ang mga nadala ko!” naiinis ako sa sobrang katangahan ko. Kumukota na ako, ah! Hindi ako ‘to.

“So?” parang walang gana niyang sabi.

“Anong so ka diyan?! Ang init-init dito sa pinas tapos ‘yan ang dala ko?!” jusko mabuti na lang may mga dala pa rin naman akong mga casual dress at mga pambahay.

“Eh mag-shopping ka. ‘Yon naman ang gusto niyong mga babae, diba? Don’t tell me nagtitipid ka na,” tumawa pa siya. Binato ko naman siya no’ng dress coat na may bakal na belt at saktong tumama sa mukha niya.

“Pffft~ ‘buti nga!” irap ko sakanya.

“Pasalamat ka hindi ako nasasaktan,” he said tapos biglang natahimik.

“Anyare sa’yo?”

“Isang babae lang ang kaya sa aking manakit. At hanggang ngayon patuloy pa rin akong nasasaktan.” Pagdadrama niya.

“What the hell Primotivo! Please lang, ha? Spare me the drama. It’s over and done at ayokong mag reminisce ng past!” sabi ko sakanya saka ko sinara ang maleta.

“Paano ka ba naka move on? Sa limang taon mo sa Colorado, ano pinag-gagawa mo para makalimot?”

“Work. Party. Get wasted at the bar. Hook up with random guys. Then voila…” still can’t move on. “naka-move on ako.”

“Kung gagawin ko ba lahat ng ‘yan makakalimutan ko na siya?”

Hindi.

“Of course!”

“Can you help me?”

No.

“Sure. Expert na ako diyan.” Tinuon ko ang attensyon ko sa pag-sara ng aking luggage. Nagsinungaling ako para sa ikabubuti ko. Ayaw kong kaawaan ako. I don’t need his pity. Besides, sino ang tutulong sakanyang mag move on kung pati ang kasama niya ay hirap din makalimot?

Tumayo akong nakapameywang, “Samahan mo ako.” It wasn’t a request. It was an order.

“Saan?”

“Shopping. I don’t have anything to wear.”

“Alright. Mag-bibihis lang ako.” He said then stood up. Lumabas siyang kwarto at ako naman kinuha ko ang casual na damit sa luggage ko.

I wear tank top and maong shorts and flip flops. Ayaw kong masyadong pumorma. As much as possible I want to keep my identity para hindi malaman ng family ko na umuwi ako. Pero alam kong sa mga oras na ‘to ay may nakarating ng news sa daddy na umalis akong Colorado. Hindi naman siya magagalit.  He would be glad actually. But I know he will force me to live in mansion and see guys he arranged to date me.

Nang makababa na ako—there I saw Ivo standing wearing a casual rugged jeans and blue shirt. He looks like an Abercrombie model but hey, there are lots of hottie in Colorado pero iba pa rin ang lahi ni Ivo—deadly. His pair of fierce eyes that can make woman’s knees tremble. His cold body physique that can make every tongs drop. And that very manly god-given face that every man wished to have.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon