Chapter 50 - Everything

22.6K 562 71
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Being together with the one you love is not a happily ever after. It was just a start of the real thing. Marami man kaming pinagdaanan ni Ivo, alam kong mas napatatag nito ang pagsasama namin.

Matapos siyang magpakita sa akin sa New York at umuwi na kaming Pilipinas kasama sina Daddy. Doon ko rin nalaman na matagal na siyang nagising. Inasikaso niya raw kasi ang pagbawi sa kumpanya at ilang mga bagay.

Bumalik na rin ako sa kumpanya as the new CEO. Bumalik na rin si Ivo sa kumpanya niya. Siguro saka na lang namin po-problemahin kung may magdududa man sa hitsura namin. Ang mahalaga ay naayos namin ang mga problema and of course, we have each other.

Si Leni naman, well, she's still my secretary. Wala na akong mapapagkatiwalaan na assistant kundi siya lang. I hate to admit it but I actually missed the lady.

Si Seth naman ay normal na namumuhay. Believe it or not, wala siyang maalala tungkol sa mga ginawa niya. He was like, the saint version of Seth. Kasama niya si Sandy at sila na ang nagma-manage ng business ng parents nila. Sandy is still my bestfriend, of course. Nagkikita pa naman kami lalo na't kinausap ko siya na inuurong ko na ang kahit na anong kaso laban sa kapatid niya.

Sabi ni Daddy ay aampunin na niya talaga si Cindy. Dahil ayaw kong isipin ni Daddy na ayaw ko kasi may kaagaw ako sa kanya, I suggested na ibahin ang identity ni Cindy. Lawyer ni Dad ang mag-aasikaso ng papers kaya maghihintay pa kami.

"Ma'am Cassey, nandito po si Sir Ivo sa labas. Papasukin ko po ba?" sabi sa akin ni Leni sa intercom.

"Yes," agad kong sagot.

The door slowly opened and I can feel my heart skipped a beat. Ang nag-iisang lalaki na may kakayanang gawing abnormal ang tibok ng puso ko.

"Hi!" bati niya nang makapasok siya sa office ko. Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa swivel chair at sinalubong ko siya.

"Why are you here? I thought you have a meeting kaya hindi mo ako masusundo?" I said as I encircled my arms around his neck.

"Tinapos ko agad. Namiss kasi agad kita," he said that made me chuckled.

"Kasama mo naman ako kanina, ah," I said feining an innocent look.

Sa penthouse niya uli ako tumitira kagay no'n. Hindi pa naman kami kasal pero gusto kong bawiin 'yong mga araw na hindi ko siya kasama. Mabuti nga at okay lang kay Daddy. Sa dami ba namang nangyari sa buhay namin, ngayon pa ba kami mag-iinarte? Natuto na ako. Hindi na muli ako magsasayang ng oras para iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"Kung puwede ngang 24/7 every month of the year, and a decade, and a century na kasama kita, eh," sabi niya at hindi ko mapigilang hindi kiligin. Haay naku, Ivo.

"You mean to say, forever?"

"Yes, babe. Forever. And curse those who don't believe that forever exist,"

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon