Chapter 31 - Abduct

19.8K 611 45
                                    

Chapter 31 - Abduct

Sandy's POV

"Sobra na kaming nag-aalala sakanya, Sandy! Dalawang araw na siyang nawawala and her car was found crashed!" seryosong sabi ni Tito Martin sa akin. Nandito ako ngayon sa office niya. Kasama ko si Lyrron na tahimik lang sa tabi ko. I know he's also worried-pati rin naman ako. Kung naaksidente si Cassey, bakit wala siya sa kotse niya?

"Wala po kasi kaming communication ni Cassey before siya nawala. Busy din po kasi akong mag-alaga sa kuya ko kasi galing lang siyang hospital last week." I said.

"Do you think she was kidnapped, Tito?" biglang sabi ni Lyrron.

"But would do that to her?" I said.

"May stalker si Cassey, remember?" sabi naman ni Tito.

"Oh, yeah! Si Owen! He's very obsessed with Cassey!" sabi ko.

"Wrong!" pare-pareho kaming napatingin sa may pintuan at laking gulat ko na makita si Kuya Seth nakatayo at may tungkod.

"K-kuya? Ano'ng ginagawa mo rito?"

"I'm here to tell the truth why's Cassey is missing..." he said tapos napatingin siya sa akin. Napakunot noo lang ako. May kinalaman ang kuya ko? Tsaka bakit siya mai-involved ni hindi nga siya makalakad ng maayos at kahapon lang siya sinabihan ng doctor na gumamit ng tungkod. Hindi ko nga alam kung bakit din siya nawala no'ng gabing tinawagan ko si Lyrron. Umaga na siya nakauwi noon at ang dungis-dungis niya pang tingnan noon.

"Sinong may kagagawan nito, Seth?" tanong ni Tito Martin. Napabuntong hininga si Kuya. His face looks worried at parang maiiyak.

"Tell us, Kuya. Baka nanganganib na si Cassey."

Ivo's POV

"Ivo, unti-unti nang nilalamon si Cassey ng lason. Hanggang ngayon hindi pa rin umeepekto ang panglunas na binigay ng mga taga infirmary," nag-aalalang sabi sa akin ni Cindy. Siya ang kasama ko ngayon dito sa condo ko sa Vampire City dahil abala si Theyn sa pag-alaga sa anak nila ni Kent. At ayaw ko rin siyang idamay pa rito.

Hindi ako umimik. Tinabihan ko si Cassey sa kama at hinaplos ang mukha niya na namumutla. Ang ugat na palantandaan na siya ay nalason ay unti-unting kumakalat sa buong katawan niya.

Hindi ko kayang makitang siyang nagkakaganito. Alam kong kahit wala siyang malay ay nahihirapan siya. Kung puwede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman niya noon ko pa ginawa. Kung puwede ko lang ilipat ang lason niya sa akin.

"Cindy, iwan mo muna kami. Gusto kong mapag-isa kasama si Cassey." Mahina kong sabi sakanya. Hindi ko naman siya narinig na umangal. Lumabas siya sa kwarto ko ng tahimik.

Hinawakan ko ang nanlalamig na kamay ni Cassey. Ngayon pinagsisihan ko na ang lahat. Hindi ko dapat siya pinabayaan. I should have stay by her side. Hindi ko dapat siya pinagtabuyan. Sana sinabi ko na lang sakanya ang totoo kong nararamdan.

"Cassey, please wake up. Wake up, babe." Gusto kong maiyak pero alam kong walang maitutulong sa akin ang pag-iyak. Ang kailangan ko ay maging matatag. Pero paano ko 'yon magagawa kung nakaratay ang nag-iisang babae na nagbibigay sa akin ng lakas.

Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya ipagtutulakan sa akin. If I have to sacrifice my life just to protect her, I will. Ang gusto ko lang ay makabawi sakanya.

"Mahal na mahal kita, Cassey. Natutunan kong magmahal ulit dahil sa'yo. Patawarin mo ako sa ginawa ko sa'yo. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan habang pinagtatabuyan ka at paulit-ulit kang sinasaktan. Babe, please..." inilagay ko sa pingi ko ang kanang kamay niya. Pinakiramdam ko ang malamig niyang balat.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon