Chapter 12 -Fall Deeper

22.1K 697 19
                                    

Chapter 12 –Fall Deeper

 

“Cassey, umuwi na tayo. For sure hinahanap ka na ng daddy mo.” Rinig kong sabi ni Ivo pero hindi ko siya pinakinggan. Nagpangalumbaba ako sa pavement ng isang bar habang nakasimangot. Ayaw kasi akong payagan ni Ivo na pumasok sa bar. Ang KJ lang!

“Gusto ko uminom! Kung ayaw mo akong samahan eh di iwan mo na ‘ko!” singhal ko sakanya. After I ate my dinner ay pinilit ko si Ivo na ako mag-drive kaya sa isang bar kami nakaderetso.

“May nagtatangka sa buhay mo pero naiisip mo pang mag-party? Lahat kaming nasa paligid mo concern sa’yo pero ikaw binabalewala mo lang. Ano, kasi kampante ka na nandito ako at ililigtas kita lagi kaya ganyan ka?” he said.

Para namang napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Napatayo ako at pinameywangan siya.

“Ah! So nagsasawa ka na kakaligtas sa akin?! Fine then! Starting tonight, ‘wag mo ng pakialaman! I will tell daddy na nakipag break ako sa’yo para hindi siya magalit sa’yo! Uso naman ang break up diba?” pumunta ako sa kotse niya at kinuha ko ang bag ko. Tiningnan ko muna siya ng masama bago ko siya tinalikuran.

Hindi pa man din sinasaktan na niya agad ako. Leche siya!

Pumasok ako sa bar at pinakita ko lang ID ko. Alak at sigarilyo agad ang naamoy ko pag-apak ko sa loob. I was used to this kind of thing but I still cringe my nose.

Crowded agad ang dance floor kaya agad akong dumeretso sa bar counter at naupo sa stool. May lumapit na bartender sa akin.

“Margarita on the rocks, please!” malakas kong sigaw. Nakangiting tumango sa akin ang bartender.

Dati sa Colorado, kahit mag-isa akong pupunta sa bar pero pagdating ko madami agad akong acquaintance kaya hindi nagiging boring ang party. Wala akong pakialam kung magkalat pa ako sa bar kasi wala naman sa aking nakakakilala personally. I guess Colorado is way different from Philippines. Sa totoo lang, walang ka-thrill thrill ang party dito.

The bartender gave me my 9th margarita at sinasabayan ko na rin ng tequila alone. I’m a bit slurred pero alam ko pa naman ginagawa ko. Malinaw pa ang paningin ko at makakausap pa naman ako ng matino.

Wala namang nagtatangkang lumapit sa aking mga lalaki kaya feeling ko safe ako kahit ilan ang inumin ko. Pakiramdam ko nga walang mangyayaring masama sa akin. Parang may mga body guards ako sa paligid ko.

“Isa paaaa~” sabi ko nang ilapag ko ang baso sa bar counter.

“Sigurado po kayo?” parang natatakot na sabi nang bartender. What the hell is his problem? Babayaran ko naman siya, ah!

“Sure na sure! Now give me a bottle of that ghadamn tequila!” I said out loud at walang pakialam sa paligid.

“B-but ma’am—“

“Shuttap! Customer ako at wala kang pakialam kung malasing ako! Okay?!” I glared at him dahil parang wala siyang balak sundin ako. Tumitingin-tingin pa siya sa likod ko tapos sa akin.

“S-sige po, Ma’am. Pero last na ‘to.” tapos tumingin ulit siya sa likod ko.

“Whatever! I’m paying you kaya give me what I want!”

Hindi ko pa man nahahati ang isang bote ng kinuha kong tequila ay nararamdaman ko na na parang umiikot ang paligid ko. Foggy na rin ang paningin ko at parang nanghihina na ang tuhod ko.

Bumaba ako sa stool at halos mapaluhod ako sa sahig sa panghihina. Buti na lang napahawak ako sa bar counter.

“Hahahaha. Clumsy me!” natatawa ko pang sabi.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon