Chapter 47 - Revenge

16.3K 452 23
                                    

Chapter 47 - Revenge

3 months later...

Cassey's POV

I aimed my gun to the eye and clicked my fingers. Bang! Bullseye!

Napangiti ako ng mapait nang makita kong naasinta ko ng tama ang bala. Inilapag ko ang baril sa mesa na puno ng armas at kinuha ko ang espada. I swayed and slash it to thin air.

Ilan buwan din akong nagsanay para sa araw ng paniningil. Ilang buwan ang tiniis kong sakit para makamit ang gusto ko. Revenge is everything to me. Hindi ako matatahimik hanggang sa alam kong ang lalaking pumatay sa pinakamamahal ko ay buhay at humihinga.

Pinatay ko ang ilaw sa basement saka ako umakyat sa bahay. Dito ako namalagi sa bahay namin ni Ivo. I used my money to buy weapon from the black market. Pinalakas ko ang sarili ko. I trained myself for combat whether it is a fist fight, long ranged sword, or gun.

Handang-handa na ako. And no one can stop me.

I strip off my clothes and took a long bathe. Napapapikit ako kapag naalala ko kung paano namatay si Ivo. Kung hindi alam sa mundo ng mga tao ang pagkamatay niya, dito sa Vampire City ay halos alam nila kung paano at kung saan siya namatay.

They mourned kasi kauri nila ang namatay. I had to fight my urge to break down. There's no space for pain, only hatred. There's no space for being weak, only power. My only consolation is the blood I had been drinking for the past three months. It made me strong physically. It made me more alert and I already surpassed my limit.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis ako tapos nagpatuyo. Madilim na at ngayon ko balak umalis.

Napatingin naman ako sa computer ko nang marinig kong tumunog ang tracking device ko. He's moving from place to place. Hindi ko alam kung saan siya ngayon pupunta pero kahit saan siya magpunta, I can always track him.

"Enjoy your last day, Seth. Breathe all you want because you'll beg me for one once I start to punish you!" I sternly said.

Umaga ako umalis sa vampire city. I drive my new car dala-dala ang mga gagamitin ko. Pumunta ako sa pantalan kung saan namatay si Ivo. There's no trace of anything. Wala na ang barkong sumabog.

This is where he died. At parang ang hirap tanggapin kung paano siya nawala. How could someone be so cruel? That he has to make an effort just to kill a man, only because he's not ordinary? Sukdulan na ang kasamaan ni Seth. At hindi na magbabago ang plano ko. Ako ang tatapos sa buhay niya.

Umalis ako sa pantalan at pumunta sa penthouse ni Ivo. Ang lugar kung saan nabuo ang nararamdaman ko para sa kanya. Walang nabago sa loob per madilim dito. Iginala ko ang tingin ko at wala akong ibang makita kundi ang mga alaala namin dito.

Agad kong naipilig ang ulo ko. Hindi ko na dapat 'yon iniisip. It was all in the past now. It's painful but I have to move on. Makaganti man ako ay hindi mawawala ang pangungulila sa puso ko. Alam kong hindi na mapapalitan sa puso ko si Ivo. 'Yong pagmamahal na mayro'n ako ay ibinigay ko na lahat kay Ivo.

Umakyat ako sa dati kong kuwarto. Inilapag ko doon ang mga gamit ko. Hindi na ako nag-aksaya na buhayin ang ilaw dahil ayaw kong may makaalam na nandito ako. I want to give Seth a surprise he will never forget.

Isa-isa kong inilapag ang mga armas sa mesa kasama ng tracking device ko. I made sure that my gun cartridges are loaded. Pinunasan ko rin ang sword ko na nangingintab ang talim.

Tinanaw ko ang over-looking window sa kuwarto ko. Malakas ang ulan at animo'y bumabagyo. Malapit na rin magdilim.

"It's time," mahinang sabi ko.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon