Chapter 45 - Better off dead

14K 432 8
                                    


Chapter 45 – Better off dead

Cassey's POV

ONE week had passed. Sinunod ko ang sinabi ni Theyn. Though alam kong nararamdaman ni Cindy na napipilitan lang ako sa mga pinapakita ko ay hindi siya umiimik. Sinabihan ko rin siya na kung gusto niya ay puwede na siyang bumalik sa vampire city but she insisted na samahan ako. Siguro iniisip niya na baka suicidal ako. Well that won't happen hanggang sa hindi ko naipaghihiganti si Ivo.

It was afternoon nang sinamahan ni Cindy si Daddy sa labas ng bahay para raw maramdaman ang snow. Actually, sa akin nagpapasama si Daddy pero si Cindy ang nag prisinta. Alam ko naman na iniiwas niya akong ma-interogate ni Daddy, eh. And I'm grateful for that, really.

Pumunta ako sa study room para sana kunin 'yong laptop ko nang makita ko si Lyrron na nakaupo sa swivel chair. Seryoso siyang nakatingin sa screen ng laptop niya. Tapos tumingin siya sa akin. Napaka seryoso at hindi ko alam kung galit ba siya.

"What is this, Cass?" seryoso niyang sabi. Iniharap niya ang laptop sa akin at isang article sa isang News archive ang pinakita niya. Nagulat ako kasi nakita ko ang picture ni Cindy. Ito 'yong balita noong pagkamatay niya. Damn it!

"Baka ibang tao? Kamukha niya nga," I said casually. Napaigtad ako nang ihampas niya ang kamay niya sa mesa. I guess, wala talagang sikreto ang hindi nabubunyag.

"Tell me the truth, Cass. Ang Cindy ba na nasa article at ang Cindy na kasama natin ay iisa?" puno ng pagdududang tanong niya. Hindi ko alam kung magsisinungaling ako. I could just tell him na si Cindy nga 'yon pero hindi talaga siya patay at nagtatago lang kasi may atraso siya so she faked her death. It was a perfect lie. Pero alam kong nakakahalata na rin 'to si Lyrron, eh. Alam kong gusto niya lang na sa akin manggaling ang hinala niya.

"It was her," sabi ko saka napapikit.

"Bakit siya buhay pa? I want the truth," he demanded. I don't know why he is so adamant about this.

"Why d'you want to know the truth, Ly? Ano ba sa'yo si Cindy," I said narrowing my eyes on him. He didn't answer and diverted his gaze somewhere.

"I'm just curious about her. Pati sa'yo at sa mga kaibigan mo. You guys, don't eat. Isang beses lang kitang nakita kumain no'ng nasa hospital tayo. Pero dito sa bahay, ang dami niyong dahilan para hindi kumain. Mga tao ba talaga kayo?" he said joking.

"What if we're not, Ly? What if we're not really that kind of human?" I said in a challenging tone.

"What are you talking about? Ang gusto ko lang malaman ay kung safe ba tayo na kasama si Cindy. May tinatakasan ba siya? May ginawa ba siyang mali kaya siya pinatay," I studied his face. He's really curious. At alam kong hindi sa akin, he was just generalizing para pagtakpan ang gusto niya talagang malaman.

Slowly, I formed a slight grin.

"You won't get an answer from me, Ly. It seems here that you're curious about Cindy because you're interested on her. Am I right?"

"W-what are you—"

"Gusto mo siyang mas makilala pa so you researched about her. But I'm sorry, Ly. We're friends pero wala ako sa posisyon para sabihin kung ano man ang sikreto ni Cindy. It wa her story to tell after all," I said. Pasalamat na lang akong ang pagkatao pala ni Cindy ang pinagdududuhan niya at hindi kung anong klaseng tao kami.

I heard him sigh and desperately eyed me.

"I like her. And I am so guilty kasi alam ko sa sarili ko na gusto pa rin kita hanggang ngayon. I know she's a very loud woman at nakakairita siyang kasama but I'm growing frond on her. That's why I researched about her kasi gusto kong makahanap ng dahilan para mas lalo akong ma-turn off." Napangiti lang ako sa sinabi niya.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon