Chapter 46 - Peculiar

14K 446 7
                                    

Chapter 46 – Peculiar

Cindy's POV

NATATAKOT ako sa maaring gawin ni Cassey lalo na't nalaman niyang si Seth ang pumatay kay Ivo. That night when I talked to her, parang hindi si Cassey 'yong kaharap ko. Para bang nag-iba bigla ang katauhan niya and it creeps me out.

"Wala na si Ivo at pinatay siya ni Seth. 'Yon lang ang alam ko, Cindy," seryoso niyang sabi tapos bigla siyang ngumiti. Mayroon sa mga ngiti niya dahilan para matakot ako.

Two days had passed at mas lalong naging tahimik si Cassey. Hindi siya kikibo kung hindi siya kakausapin ni Tito Martin. Madalas nasa loob siya ng kanyang kwarto. Gustong-gusto ko siyang kausapin dahil sobra na akong nag-aalala sa mga kinikilos niya pero natatakot naman akong baka itaboy niya ako.

"She's acting weird," bulong sa akin ni Lyrron habang pinagmamasdan namin si Cassey na lumalangoy sa pool. Kung normal kang tao, baka kanina ka pa na-frozen sa sobrang lamig ng tubig.

"Baka tino-topak na naman 'yan," I said trying to divert the mood. Pati si Lyrron nakakahalata na.

Umahon si Cassey tapos pumasok sa backdoor. Pa-simple ko siyang sinundan hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya. After ilang oras ay lumabas siya and she's wearing black tights, fitted razor back blouse, a hooded jacket, and a sneakers. Nasalubong niya si Lyrron sa may hagdan at nagpaalam siyang mag-gi-gym.

Nang makaalis siya ay agad akong pumasok sa kwarto ko at tinawagan si Theyn.

"Cindy, may problema ba?" she said on the other line.

"Cassey's acting weird simula nang malaman niya ang totoo," I said.

"Define weird, Cindy," sabi niya kaya in-explain ko sakanya ang lahat. Pati 'yong pag punta niya sa gym.

"Baka gano'n lang siya mag cope up? Cindy, ano ba talaga ang inaalala mo?"

"Hindi ko rin alam. Natatakot lang ako sa mga ikinikilos niya. 'Yon bang parang may masamang balak?"

"Don't over think. Cassey is a strong woman," sabi niya. Nasasabi niya 'yan kasi hindi niya nakikita. Pinutol ko na ang call kasi parang wala namang maitutulong si Theyn.

My god, kapag naaalala ko ang ngiti niya noong gabing 'yon. Ang creepy talaga. Parang anytime papatay.

Hindi kaya...

Agad kong iniling ang ulo ko. She wouldn't do that.

Gabi na nang umuwi si Cassey. May mga dala siya pero sa kwarto siya dumeretso. Baka nagshopping? 'Yon naman talaga ang hilig niya noon, 'di ba?

Hating gabi at nasa harap ako ng kwarto niya. I knocked three times pero hindi siya sumagot. Pinihit ko ang door knob and luckily it's not locked. Sumilip ako at agad ko siyang nakita sa may balcony. Nakatalikod siya at dinadala ng hangin ang buhok niya. Hindi ko alam kung alam niyang tinitingnan ko siya o talagang malalim lang ang iniisip niya.

"Cindy," sambit niya kaya halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko.

"Sorry, naistorbo ba kita? I was just checking on you and the door is not locked and—"

"Pasok ka," lumingon siya sa akin. Napaka-kalmado ng mukha niya. Gone is the creepy grin. Pumasok ako sa silid niya at pinuntahan siya sa balcony. Doon ko nakita how distant her eyes were. Ang lungkot-lungkot nito at parang walang buhay.

"Ang tahimik mo lately," I said to her pero ngumiti lang siya ng tipid.

"Marami lang akong iniisip but I'm okay now," sabi niya pero alam kong hindi 'yon totoo. She's far from okay.

"Good. Ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan kasi hindi ako sanay," pinilit kong maging casual sakanya. Gusto kong iparamdam sakanya na hindi ako nagdududa sa mga ikinikilos niya.

"Hindi ko na hahayaan na may mawala pa sa akin. I won't let Seth hurt anyone of you," she said almost audible.

Seryosong napatingin ako sakanya. Ano ba talaga ang balak mong gawin, Cass?

---

Kinaumagahan ay maaga akong lumabas ng kwarto. Ipinagluto ko ng agahan si Tito Martin at Lyrron. Pumasok sa dining room si Tito Martin kasama si Lyrron. Mabuti nga at nakakapaglakad na siya sa tulong ng tungkod. Last week kasi nasa wheel chair siya.

"Cindy, anak, tawagin mo naman si Cassey, oh. Sabay-sabay na tayong mag-agahan," nakangiting sabi ni Tito Martin. Nakakatuwa kasi tinuturing na niya akong anak. Dahil sakanya hindi ko nararamdaman ang pangungulila sa pamilya ko.

"B-baka po tulog pa. Sabay na lang kami ni Cass mamaya para may kasabay siya," nakangiti kong sabi. Ilang beses ko na ba 'tong naging palusot at pasalamat ako at hindi naman 'yon pinagdududahan ni Tito Martin.

Nahagip naman ng tingin ko si Lyrron. He's staring at me suspiciously. Alam kong nagdududa na 'tong lalaking 'to sa akin. Inismiran ko lang siya saka ako umakyat papunta sa kwarto ni Cassey.

Bakit ba siya nagkukulong sa kwarto niya? It's not like she's sleeping or something.

I knocked on her door at kagaya kagabi ay sinubukan kong pihitin ang door knob. Hindi siya locked.

"Cass, hinahanap ka ni Tito Martin," sabi ko nang buksan ko ang pinto. Her room was clear. No sign of her. Pumunta ako sa CR pero naka bukas ang pinto at wala rin siya. Pati sa walk in closet niya. Wala naman kasing gaanong damit sa closet niya, eh.

"Nasaan ba kaya 'yon?" I said to myself. Naupo ako sa kama niya at doon ko napansin ang post-it-note sa salamin ng kanyang tukador. Agad ko 'yong nilapitan at halos manlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'to.

Cindy,

Please take good care of my Dad. Thank you for being a great friend and I know you won't leave by my side but I need to do things alone. I promise I'll be back as soon as I can. Please cover up for me on Dad. I don't want him to worry.

Always,

Cassey.

Oh, Cass. What will you do this time?

---

Cassey's POV

I took the first flight back to the Philippines. I can't just sit here and do nothing. My blood lust to kill is eating me up so I have to do something.

I closed my eyes as the plane is taking off. Face of Ivo flashed through me. I felt like crying again. I wanted to hug him, to hold him. I wanted him by my side. I missed him terribly and I wanted to hear him calls me babe. Seth will pay for his sins. He has been causing havoc in my life at kinuha niya pa sa akin ang lalaking mahal ko.

"You'll die in the most painful way, Seth Medina! Death is on your way," I murmur to myself hardheartedly.

Nakarating akong Pilipinas at agad akong lumabas sa arriving area. I've never felt so agitated before. Gustong-gusto ko ng simulan ang gagawin ko but I know time and patience is a virtue.

Itinaas ko ang hood ng jacket ko saka ako lumabas ng airport. Pumunta ako sa pinatagong lugar bago ako nagteleport papuntang Vampire City. Dumeretso ako sa bahay namin ni Ivo. A tear escaped my eyes the moment I set my foot inside. Ang daming memories sa bahay na 'to. Dito dapat kami bubuo ng pamilya. Dito rin siya nag propose. Nababalot ng kasiyahan at pagmamahalan ang bahay na 'to pero ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pangungulila.

Hindi ko rin mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Buhay pa dapat siya kung itinuloy namin ang kasal. Hindi ko dapat pinagdudahan ang pagmamahal niya sa akin. And now it's too late. He's gone and never coming back.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon