Chapter 3 - Live in Partner

32.6K 882 51
                                    

Chapter 3 – Live in Partner

My toes were trembling. My hands are starting to get sweaty. Hindi ko nga alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Parang nagsa-somersault ‘tong tiyan ko. ‘Yung confidence na mayro’n ako ay parang unti-unting nawala habang papalapit kami sa venue. At ngayon na nandito na kami sa harap ng Villa Manjon, hindi ko mapigilan ang kabahan. I’m afraid to see them—him. Yet, I missed him so much.

“Are you okay?” Ivo asked. Nasa entrance na kami kung saan ginaganap ang party. Seryoso naman akong tumango sakanya. Hindi ko dapat ipahalata na apektado pa ako.

Nakakapit ang kamay ko sa braso ni Ivo. Hindi nakaligtas ang mapanuring mata ng ibang tao. They’re jealous and amazed at the same time because a goddess like me is with the most jaw dropping handsome hot guy.

Agad na iginala ko ang mata ko at hinanap siya. Sino pa ba kundi si Kent. Seems like magsisimula pa lang ang party. Sa unahan daw kami uupo sabi ni Ivo. Ibang klase talaga ‘tong si Primotivo titiisin ang sakit makita lang si Theyn.

“Ivo…” I heard a man’s voice behind me. Sabay kaming napalingon at nakita ko si Migo kasama ang secretarya niya na nakakapit sa braso niya. My eyebrows literally arch with the scene. Sila ba?

Nakita kong nagulat sila na makita ako. Pero agad din namang ngumiti sa akin si Migo.

“I’m glad to see both of you,” Migo said. Ngumiti lang ako sakanya. Pero hindi nakalagpas sa akin ang pag-irap ng secretary niya. She’s a friend of Theyn and I already hate her.

“Girlfriend mo?” I asked Migo. There’s this smug look on my face.

“Oh I forgot, babe this is Cassey, a friend of ours. Cassey, this is Florence—my fiancé.” Migo introduced. Hindi ko pinahalata na nagulat ako. Ano ba ang mayro’n sa mga secretarya at lapitin ng mayayaman?

“Do I have to be a secretary to—“ hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil siniko ako ni Ivo. Isa pa ‘to!

Humiwalay ako sandali kay Ivo at kumuha ng ladies drink sa umiikot na waiter. Kailangan ko ng lakas ng loob para harapin silang dalawa.

“Ladies and gentlemen, let’s all welcome Mr. and Mrs. Manjon!” napahinto ako sa kinatatayuan ko. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko at parang bumibigat hininga ko. Shiz! What is happening to me! Mabubuwal na sana ko sa kinatatayuan ko pero naramdaman kong may umalalay sa likod ko.

“Careful,” it was Ivo of course.

“Tsk. This party is killing me.” iritado kong sabi. Nilagay naman niya kamay niya sa pisngi ko. Iiwas sana ko pero mas lumapit siya sa akin.

“Samahan mo lang ako. ‘Wag kang aalis sa tabi ko, please?” nakatingin siya sa akin and begging. I slowly nod at him.

Hinawakan niya ako sa bewang habang naglalakad kami papuntang unahan.

My world almost stops when I saw Kent. He was talking in the middle of the flat form. Habang nakahawak siya sa bewang ng asawa niya. Nagbaba naman ang tingin ko at nakita ko ang tiyan ni Theyn. She was pregnant. Para akong binaril ng libo-libong karayom sa dibdib ko. Naramdaman kong nagpapawis ako sa noo. Nanlalamig ang sistema ko at parang gusto kong umiyak.

Masakit. Nagbunga na ang pagmamahalan nila.

Napatingin naman ako kay Ivo at nakita kong nakangiti siya. Kung hindi ko siguro alam ang katotohanan baka inisip ko na nakapag move on na siya.

Bumaba si Kent and Theyn sa platform at sinalubong siya ng mga kaibigan nila dala ang pagbati.

“I-ilang buwan na ang dinadala ni Theyn?” I asked Ivo.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon