Chapter 22 - Love and Hate

21.5K 598 23
                                    

"The biggest coward is a man who awakens a woman's love with no intention of loving her." -Bob Marley

(Kindly listen to Love me by Yurima or simply play the video in the multimedia part. Para mas feel niyo ang pagbabasa. Maganda 'yan promise! :) 

Chapter 22 – Love and Hate

“Uy, Cassey. Sorry daw sabi ni kuya kung natakot ka niya kagabi. Medyo nakainom daw kasi siya that time.” Sabi ni Sandy sa kabilang linya. Nasa office ako at naghahanda ng paalis kasi may usapan kami ni Ivo na magkikita.

“Okay lang,” tipid kong sagot kahit sa totoo lang ay hindi. Kung hindi lang ako nagmamadali sa pag-aayos nitong gamit ko baka sinabi ko na sakanya ang totoong nararamdaman ko towards her kuya.

“Teka, mukhang may ginagawa ka. Naistorbo ba kita?” she asked.

“No! I mean medyo. Magkikita kasi kami ngayon ni Ivo, eh.” I said. I bit my lower lip sa sobrang anticipation. Excited na akong makita siya.

“Oh okay. Enjoy sa date niyo!” sabi niya saka natawa.

“I-it’s not a date!” agap ko sakanya pero tinawanan niya lang ako.

“Deny ka pa. Oh siya magpaganda ka na para tuluyan na sa’yong ma-in love si Primotivo mo.”

Inayos ko lang handbag ko saka gumayak. Actually mag-a-undertime ako. 30 minutes pa kasi before out pero hindi na ako makapag hintay kaya tinext ko agad si Ivo na magkita na kami. He said he will fetch me so I am execting him infront on the building.

And I was right. His car were parked infront at naghihintay siya sa labas. Kumaway ako sakanya nang magtama ang mga mata namin but he just beamed at me. Ipinagbukas niya ako ng door saka ako sumakay.

He’s already driving and I am dying to ask where will he’ll take me pero mas pinili kong manahimik kasi feeling ko wala rin siyang balak magsalita. Ang tahimik niya.

Akala ko kung saan ako dadalhin ni Ivo pero nagulat ako kasi nasa harap na kami ng mansion namin. Nasa labas lang naman siya ng gate nag-park.

He stops the engine saka bumaling sa akin. Kinabahan ako sa ikinikilos niya. Gusto ko mang ihanda ang sarili ko sa maari niyang sabihin, hindi ko pa rin magawang mag-relax. I know something is bothering him at sana mali ang hinala ko.

“Cassey…” panimula niya. I’ve never been this nervous in my entire life. Pakiramdam ko isang death sentence ang pagbanggit niya sa pangalan ko.

“Akala ko ba… bakit nandito tayo sa amin? Iuuwi mo na agad ako?” I asked him innocently. Ayaw kong mag-isip ng negative.

“Cassey, gusto kong makinig ka sa sasabihin ko dahil hindi ko na ‘to uulitin pa. At sana maintindihan mo na iton decision kong ‘to ay hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa’yo.” Sabi niya.

Mas lalong lumakas ang tambol sa puso ko. Eto na ba ‘yon? Tuluyan na ba siyang mawawala sa akin?

“I-Ivo…” my eyes is starting to get teary. Ayaw kong ituloy niya ang sasabihin niya. Masasaktan ako. Alam kong masasaktan ako.

“Eto na ang huli nating pagkikita, Cassey.” He said without any emotions. Tiningnan ko siya at halos gumuho ang mundo ko sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya.

Naiiyak ako pero parang walang bumabagsak na luha sa pisngi ko. Nanlalamig ang buong pagkatao ko. Marami akong gustong sabihin sakanya. Gusto kong magmakaawa sakanya na masaya na akong kaibigan lang. Na masaya ako sa kung anong mayro’n kami ngayon pero para namang may bumabara sa lalamunan ko.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon