Chapter 6 - Knight

26.9K 807 52
                                    

Chapter 6 – Knight

 

“Here, drink this.” Inabot sa akin ni Ivo ang mug na may chocolate drink. Makakatulong daw ‘yon sa akin para mawala ang panginginig ko.

“Thank you,” tipid kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin. Pinatong niya comforter sa katawan ko at pumunta sa electric fire place at ni-on ang heater. Bukod kasi sa hindi matanggal ang panginginig ko, sobrang lamig lagi dito sa pent house kapag gabi with or without aircon.

Tumabi siya sa akin at sinandal ang ulo sa back rest ng couch. Wala sa aming nagsasalita. Parehong pinapakiramdaman ang isa’t-isa.

“Gusto mo na bang bumalik sa inyo?” basag niya sa katahimikan. Dahan-dahan naman akong lumingon sakanya.

“Ayaw ko pa. D-dito lang muna ako,” nakita ko naman siyang ngumiti.

“Don’t worry, hindi na ulit mangyayari sa’yo ‘yung kanina. Po-protektahan na kita.” Tumingin siya sa akin at pareho naming nginitian ang isa’t-isa. Isiniksik ko naman ang sarili ko sakanya at amoy na amoy ko ang masculine perfume niya. Sobrang swabe niya sa ilong at parang gusto ko siyang singot-singotin.

“Ang bango mo!” wala sa sarili kong sabi. Bigla naman siyang humalakhak.

“Panira ka ng moment, babe.”

“Bakit ba kung ano-anu na lang ang tawag mo sa akin? Ganyan ka ba sa lahat?”

“Sa’yo lang, grabe ka.” Hindi ako makapaniwalang ngumuso siya at parang batang nagtatampo. Another side nanaman ba ‘to ni Ivo? Parang bata. Pero cute.

“Puwede mo naman kasi akong tawagin ng Cassey, eh. Kaya naman people were thinking na tayo.” Inilapag ko ang mug sa center table nang maubos ko ‘to.

“Hindi ako sanay.” Sabi niya. Magsasalita pa sana ako kasi naunahan ako ng paghikab. I took a quick glance on the wall clock at nakita kong almost 2 in the morning na pala. Wala man lang akong maayos na tulog simula nang umuwi ako

“Matulog ka na,” sabi niya. Tumango naman ako sakanya saka tumayo. Dala-dala ko pa  comforter na nakapatong sa balikat ko.

Paakyat na ako sa hagdan nang lingunin ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. I beamed at him. “Good night, Ivo.”

“Good night, Cassey.”

Tinago ko ang ngiting gustong sumilay sa bibig ko. Mas gusto ko kapag tinatawag niya ako sa pangalan.

-=-

Naging ako dahil sa paulit-ulit na doorbell sa baba. Inaantok na tiningnan ko ang digital clock sa bedside table ko at nakita kong 11 in the morning na.

Paulit-ulit lang ang buzzer kaya mas lalo akong nairita. Nasaan kaya si Ivo? Bakit hindi na lang siya ang magbukas ng door?

Agad kong binuksan ang front door at tiningnan ng masama ang nilalang na umistorbo sa pagtulog ka.

“What the hell is your problem, Leni?!” it was my secretary slash assistant. Halos ma-stress ako sa hitsura niya. May dala siyang suit case, folders, at shoulder bag na halatang imitation sa Nine West. Tinalikuran ko siya at naramdaman kong sumunod siya. Hinayaan ko siyang sarhan ang door at pinasunod ko siya sa living room.

“Ms. Cassey, kanina pa po ako tumatawag sa inyo.” Nag-aalala niyang sabi.

“I’m asleep! At kung hindi pa obvious, sinira mo ang magandang tulog ko!” nakakairita talaga ‘tong babaeng ‘to! Kung hindi lang talaga si daddy ang nag hire sakanya baka noon ko pa ‘to sinesante.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon