Chapter 9 - Assailant

22.3K 692 73
                                    

Chapter 9 – Assailant


Ilang linggo na rin simula nang umuwi ako dito sa Pilipinas. At sa isang linggo na 'yan sobrang dami na agad na nangyari.

Katulad na lang ngayon, halos iuwi ko na ang trabaho sa office dito sa penthouse. 'Buti na lang talaga at maasahan si Leni at siya ang umaayos ng mga loopholes ko sa new project namin. May ila-launch kasi akong bagong designs for Rings for the first quarter of the year at ayaw kong ma-disappoint si daddy. Sobrang taas ng expectation niya sa akin, eh. So there's no room for a small mistake.

Nandito ko ngayon sa dance studio ko na dating maid's quarter. I wanted to release my stress at wala akong ibang magawa kundi sumayaw dahil tamad akong mag-gym.

I turned my stereo on with a maximum volumn. When was the last time dance like this? Sa Colorado pa ata, eh. naka-off din ang aircon para madali akong pagpawisan. Usually sexy dance ang sinasayaw ko. Feeling ko kasi I am being me kapag sumasayaw ako. Walang pretensions, walang judgement. Just me.

I was so absorbed with my dancing when the music stops. Naikot ko tingin ko sa buong silid na halos puro mirrors at isang glass cabinet na naglalaman ng aking stereo ang CD's. Nakita ko ang remote na nakalapag sa sahig so ibig sabihin walang nag-off. Imposible namang walang kuryente kasi may ilaw.

I thought of Ivo at baka pinagtitripan ako pero naalala kong wala pala siya at pumunta sa Vampire City since Saturday ngayon at hanggang Sunday daw siya do'n. So bukas pa siya uuwi.

Kinuha ko ang towel ko at pinunas sa leeg ko.

"Naku, kapag nalaman kong pinagtitripan ko ni Ivo at makakatikim siya sa akin," I murmur habang papalapit sa pinto.

I was about to open the door nang biglang mag-play ulit ang stereo. My forehead creased kaya dali-dali kong nilapitan ang stereo ko. I turned it off saka ko tinanggal ang nakasalang na CD.

"What the hell is happening to this player." Nasabi ko sa sarili ko. Hindi kaya sira na dahil limang taon ko rin siyang nagamit?

Tuluyan na akong nakalabas sa dance studio at ni-lock ko na rin 'to. Napatingin ako sa orasan at alas nuwebe na pala ng gabi. Pumunta muna ako sa kitchen para kumuha ng maiinom. Good thing at nag-dinner kami ni daddy bago umuwi. Maliligo na lang ako then matutulog. Sana nga umuwi agad si Ivo, eh.

I took a quick shower saka nagsuot ng night gown. Finally, I can use my nighties kasi wala si Ivo. Nagpatuyo lang ako ng buhok saka ko kinuha ang librong binigay sa akin ni Ivo last week. About daw sa Vampire City. History daw ng lahi nila at iba pang mga contemporary novels na love story ng mga rulers nila. Sa totoo lang wala naman akong balak basahin kaso nakaka excite rin isipin na ang myth na inaakala ko ay totoo pala and only few knew Vampires existed. At isa ako sa mga mase-swerteng 'yon.

Nasa part na ako kung saan naging human ang isang vampire tapos hiniling niyang ibalik siya sa dati para iligtas ang babaeng mahal niya. I mean, this is pathetic. Isa ka ng tao tapos babalik ka sa pagka-vampira. Parang laro-laro lang.

Agad kong kinuha phone ko saka ako nag-compose ng text for Ivo—with my new number. At nitong araw ko lang nalaman na may ibig sabihin pala ang number ko. 09**ivobabe pala 'yon. Kaasar na vampira!

To Ivo:

Ang panget ng love story ni Hansel at Ingrid!

For sure maasar 'to. Hahahah. Lagi niya sa aking ibinibida ang kwento nila, eh.

Nagulat ako nang biglang tumatawag siya. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag.

"Hello—"

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon