Chapter 32 - More than you ever know

20.1K 684 33
                                    

Chapter 32 - More than you ever know

"Babe!"

Huh? Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Biglang lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita si Ivo na tumatakbo palapit sa akin. Miss na miss ko na siya.

Tatakbo rin sana ako palapit sakanya pero biglang may humawak sa kamay. Pinagsalop nito ang kamay namin kaya napatingin ako sakanya.

"Lyrron?" nakangiti siya sa akin. Puno ng pagmamahal na hinawakan niya ang pisngi ko.

"Balik na tayo sa atin, Cassey?" he said.

"Sige, pero teka lang." napalingon naman ako kay Ivo pero nakatayo na lang siya meters away from me. Dumako ang tingin niya sa kamay ko na hawak-hawak ni Lyrron saka siya napakunot noo.

Mabilis siyang naglakad papunta sa akin at pinaghiwalay niya ang kamay ko at kamay ni Lyrron.

"Tara na, babe." He gritted his teeth and glared at Lyrron.

"And where will you take her?" nagbabantang sabi ni Lyrron at kinuha ulit ang kamay ko.

"Binabawi ko na siya sa'yo!"

Lyrron scoffs and laugh sarcastically, "Hindi bagay si Cassey para baliwalain mo at kukunin mo kung kailan mo gusto!"

"She loves me at 'yon ang importante!"

"But you hurt her!"

"I did that to protect her!"

"But where did that lead you?! Mas lalo siyang napahamak dahil sa'yo!"

Natahimik si Ivo dahil sa sinabi ni Lyrron. Dahil sa sinabi ni Lyrron at Ivo pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit. 'Yung mga masasayang alaala namin ni Ivo na napalitan ng kalungkutan dahil sa pang-iiwan niya sa akin.

Napabitaw ako kay Ivo at Lyrron at napahawak sa dibdib ko. I can feel my chest is aching with pain. Pauli-ulit na nakikita ko sarili ko na nasasaktan at nahihirapan. I wanted to cry pero walang luhang lumabalabas sa mata ko. Parang binalot ng yelo ang buo kong katawan at hindi na ako makaramdam ng ano mang emosyon.

Naririnig ko ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko sila pinapakinggan. Kusa na akong lumalayo sakanila.

"Babe..."

"Cassey..."

I feel numb but it felt good. I like this feeling. Cold and emotionless...

Parang may liwanag na humahatak sa akin papunta sa kung saan. Hinayaan ko ang sarili ko na madala ng hangin at pinikit ko ang mga mata ko.

Isang katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Minulat ko muli ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa isang kama. Nasa gitna ako ng kama at maayos akong nakahiga. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa tiyan ko. Isang panaginip? It felt so real!

Madilim ang silid. Hindi rin pamilyar kung saan ako. Dahan-dahan akong bumangon at inapak ko ang paa ko sa malamig na sahig. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nasa ibang nakatauhan.

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa bintana at nakasuot ako ng putting bestida hanggang tuhod. Napansin ko rin ang nagniningning kong mga mata.

Bakit ganito na ang kulay ng mga mata ko? Parang...parang kagaya kay Ivo.

Natigilan ako sa naisip ko. Ivo!

Parang sa isang iglap bumalik sa akin ang lahat nang alaala. Ang mabilis na tumatakbong kotse na minamaneho. Ang pagkakabangga ko sa isang truck at... dumating si Ivo. Niligtas niya ako.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon