Chapter 7 - TLC

28.1K 737 25
                                    

Chapter 7 – TLC

“Are you okay? Sinaktan ka ba niya? May masakit ba sa’yo? Just tell me at babalikan ko ang gagong ‘yon!” nag-aalala niyang sabi. Nasa loob ako ng sasakyan niya. Hindi ko na nga natanong kung paano niyang nakuha ulit ‘tong kotse niya na iniwan namin kagabi sa daan. Pero nakalimutan kong wala nga palang imposible kay Ivo.

“Okay lang ako, Ivo.” Paninigurado ko sakanya. Pero hindi naman siya naniwala sa akin at tumingin sa braso ko. Napakunot niya nang makita ang namarkang kulay pula sa wrist ko. Medyo masakit nga siya dahil sa higpit ng paghawak kanina ni Owen.

Ivo gently grab my wrist at tiningnan ito. Parang hinihilot hilot niya pa ‘to. I flinched nang madiin niya ng konti ang paghawak niya.

“Sorry!” binawi ko naman ang braso ko sakanya.

“Lalagyan ko na lang ng ointment mamaya. Sana mawala agad.” Sabi ko sakanya.

“Sige, ibibili kita.” Sabi niya tapos nagsimula ng mag-drive.

Dumaan muna kami sa drugstore bago dumeretso sa pent house. Naiisip ko lang, lagi na lang bang ganito? Mapapahamak ako tapos ililigtas ni Ivo? Kailan pa ako naging damsel in distress? Mali atang masanay akong laging nandiyan siya sa tabi ko.

“Nakausap ko kanina si Tito Martin,” sabi niya nang makapag-park sa basement.

“Tito na ngayon ang tawag sakanya, ah?” natatawa kong sabi.

Ngumiti naman siya sa akin, “He insisted. Magiging manugang na niya raw kasi ako.”

“Hay naku, si daddy talaga.” Napapailing ko na lang na sabi.

“At alam mo ba kung ano pa ang sinabi niya?” parang aliw na aliw pa niyang sabi.

“Mmm?”

“Alagaan daw kita. Pero huwag munang bubuntisin kasi ikaw daw ang bagong Chief operating officer ng company niyo.”

“What?! Sinabi ‘yon ni daddy?!” pakiramdam ko pinamulahan ako ng pisngi. Dad is so despicable!

“Syempre ‘yon ang iisipin niya since nag-sasama tayo sa isang bubong.” Natatawa niya pang sabi. Mukha naman siyang enjoy na enjoy sa mga nangyayari. Kung hindi lang niya ako niligtas baka natarayan ko na siya. But I guess Ivo don’t deserve my bitchy treatment so as for now, magiging mabait ako sakanya.

“Kahit na! Geez nakakahiya!”

“Pero tototohanin ko ‘yon.” He simply said. My eyes widened at napa-deretso ako ng upo.

“A-alin ang tototohanin mo?” kinakabahan kong tanong.

“Na aalagaan kita.” Casual niyang sabi. Napatango-tango naman ako. Akala ko kung ano ang tototohanin niya. Pew!

As usual, dahil likas na tamad si Ivo na gumamit ng elevator, nagteleport nanaman kami from car to pent house. Nakakahalata na nga ako, eh. Gusto niya lang ata akong laging i-hug, eh!

Saktong nasa loob na kami ng pent house nang mag-ring ang landline. At dahil pad naman ‘to ni Ivo kaya hinayaan ko siyang sumagot ng tawag.

Paakyat na sana ako papuntang kwarto nang tawagin niya ako.

“Nasa baba raw ‘yung mga pinang-shopping mo,” sabi niya.

“Ah oo nga pala. I almost forgot.”

“Magbihis ka na. Ako na kukuha no’n.” napatango lang ako sakanya saka ako dumeretso sa kwarto.

I went to CR saka nag-shower. Nagpalit lang ako ng pajama kahit gusto kong mag-short lang. Nakakahiya naman kasi kay Ivo, ‘no! Pahiga na sana ako sa kama nang maring kong may kumakatok sa pinto.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon