Chapter 49 - New York

17.7K 566 19
                                    

Chapter 49 – New York

Cassey’s POV

ONE. Two. Three. Four—

“Cassey!”

Napatigil ako sa pagbibilang nang tawagin ako ni Cindy. Napasimangot na nilingon ko siya.

“What?!” I snapped.

“Bakit hindi ka pa bihis? Akala ko ba ipapasyal natin si Tito Martin?” nakahalukipkip niyang sabi.

“Nabibilang ako—“

“Hindi pa nga raw siya gising, okay? Kakatawag lang ni Kent kanina para sa update,” naiirita niyang sabi.

“But it’s been 4 weeks!” I whined desperately but Cindy just rolled her eyes heavenwards.

“I had forgotten how many times you’ve said that. It’s kinda’ annoying you know,” napapailing niyang sabi.

Napanguso lang ako at pumuntang kuwarto. I change from winter clothes. Papatunaw pa lang kasi ang snow at ayaw ko namang magtaka si Daddy kung bakit hindi ako nilalamig.

I was nearly done getting my beanie hat on my drawer when I heard a soft knock on my door.

“Coming!” I shouted. Isinuot ko ang beanie hat at saka ko patakbong binuksan ang pinto.

Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Lyrron. I am very greatful with this man dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kami iniiwan.

“Winter suits you, Cassey,” he said with his ever warming smile.

“Why, thank you, Ly. Tara na at naha-highblood na 'yon si Cindy,” sabi ko at saka kumapit sa braso niya.

“Lagi naman 'yong highblood sa akin, eh,” he murmured kaya natawa na lang ako. Hanggang ngayon at hindi pa rin nagtatapat si Ly kay Cindy kahit sobrang halata na niya.

Magkasabay kaming lumabas nang bahay at naabutan ko sina Cindy at Daddy na nakatayo sa porch. Hindi na naka wheelchair si Daddy pero mayroon na siyang tungkod. Cindy and Dad is very much close to each other and he treat her as his daughter. I am not against it, actually. But if he is planning on adopting Cindy as his legal daughter, well, that’s a different case. One, because she can’t be seen in public because as far as everyone is concern, Cindy was already dead. Second, my father may have discover her secret as well as mine. I don’t want that to happen.

“Come on, children. It’s freezing out here,” Daddy spoke in a soft voice.
Lyrron drived the SUV and I was in the front seat. Daddy and Cindy was seated at the backseat.

“Where are you taking me this time?” Daddy asked while he was fixing his beanie hat. He was wearing a turtle neck jacket and a furry gray coat.

“Time Square,” I said. I heard Cindy’s giggle.

Last week lang ay pumunta kaming Time Square. We love it there dahil maraming restaurants, boutiques, theaters, traffics, people, giant billboards, and the neon lights everynight. I felt like a normal person surrounded by crowds. And traffic here is not annoying unlike in the Philippines.
Madalas ay hapon kami pumupunta hanggang sa gumabi. And since we don’t want to rise a suspicion with Ly and Dad, Cindy and I are force to eat their food. Noong una okay lang kasi 'pag dating namin sa bahay ay agad kaming umiinom ng dugo para mawala ang thirst. Pero habang tumatagal ay parang sumasakit ang lalamunan namin. Every swallow is a torture and I was silently hoping that they won’t feel hunger this time.

Lyrron parked the car on the parking lot and we started walking down the Square. May mga Snowblower sa paligid para tanggalin ang snow sa daan. Sabi sa akin ni Cindy ay nagkaroon ng Snowstorm dito noong wala ako kaya halos ilang araw silang nakulong sa loob ng bahay.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon