Chapter 23 - Without him

21.3K 618 25
                                    

Soundtrack for this chapter is Something in the water by Carrie Underwood.

Chapter 23 – Without him

I slowly opened my eyes at wala akong ibang nakikita kundi kulay puti. Naibaba ko ang tingin ko at nakita ko si Sandy at daddy na nag-uusap. They were laughing at mukhang ang saya nang pinag-uusapan nila.

Masaya sila. I wish I could feel the same way. Sana nakakahawa ang kasiyahan. Because right now, I couldn’t feel anything but numb. Wala akong nararamdaman at pakiramdaam ko isa akong robot na walang emosyon. Pilit kong kinakapa ang nararamdaman ko pero wala.

Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Natigil sila sa pag-uusap at tawanan at napalitan ng galak nang makita nila akong mulat na ang mata.

“Ayan! Sabi ko naman sa inyo tito, eh! Gigising ‘yan si Cassey kasi matapang ‘yan. Diba, Cass?” walang ganang napatango lang ako sa sinabi ni Sandy.

Matapang ako sa paningin ng lahat. Nobody saw me break down infront of Primotivo. Nobody saw me begged for him to stay with me. Wala silang ideya na halos itapon ko na ang pride ko para lang mahalin ni Ivo. Kasi kilala nila ako bilang matapang babae at palaban. Pero nakakapagod din pala magpanggap na kaya mo ang lahat where in fact halos gusto mo na mag give up. I want them to comfort me. I want them to tell me that everything’s going to be fine. I want them to console me and made me feel that I can live without his love because my father’s love and Sandy’s love for me will be enough.

But I guess that won’t be easy. Mahirap baguhin ang nakasanayan. Ayaw kong isipin nila na isang lalaki o vampira lang pala ang kayang makapagpabagsak sa akin. No! I won’t let that happen. Itataas ko ang pride ko. Iaangat ko uli ang sarili ko.

“Dischrage me. I want to go back to work.” Malamig kong sabi.

“Hija, hindi ka pa puwedeng i-discharge. Kakagising mo lang at sabi nang doctor, kailangan kang i-monitor after mong magising. Let’s just wait for the doctor’s advise. Okay?” sabi ni daddy.

Gusto ko sanang tumango na lang at sumunod sa sinabi niya. Pero hindi. Ayaw ko sa ganito. Ayaw kong nakaratay lang ako rito at maging mahina. Hindi na ulit ako magiging weak. Not in a million years.

“I said discharge me, dad! Kung hindi mo ako ilalabas dito… ako mismo ang magtatanggal nitong mga nakasaksak sa akin and you won’t like that kasi babalik ako sa Colorado and I swear hindi na ako babalik!” My voice is relaxed… but threatening. In my peripheral view, nakatingin lang sa akin si Sandy at parang naguguluhan sa aking inaasal.

Napabuntong hininga si daddy saka tumango. Lumabas siya saka naman ako nilapitan ni Sandy. Nag-aalalang nakatingin siya sa akin kaya nag-iba ako ng tingin. Ayaw kong kinakawaan.

“Girl, ano bang nangyari?” she asked pero hindi ko siya pinansin. “Cassey…”

“Gusto ko munang mapag-isa, Sandy.” Mahina kong sabi.

“Pero—“

“Please. I want to be alone,” nag-aalangan na napatango siya.

Narinig kong nagbukas sarado ang pinto at doon naman tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napahikbi ako nang maalala ko ang lahat ng mga salitang binitawan sa akin ni Ivo.

Bakit gano’n? ‘Yung mga lalaking gusto ko hindi ako magawang mahalin? Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong babae. Napaka-unfair talaga ng buhay. Oo nga at lahat ng gusto ko nakukuha ko. Pero bakit hindi ang lalaking makakapag-pasaya sa akin? Bakit kung sino ‘yung lalaking abot kamay ko na, hindi ko pa makuha.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon