Chapter 30 - Resentment

18.9K 557 15
                                    

Chapter 30 – Resentment

Ivo's POV

Gulat na gulat si Cindy at Theyn nang iuwi ko si Cassey sa Vampire City. Her face were wounded at may mga bubog na tumama sa braso niya.

Nakatiimbagang na nilapag ko si Cassey sa couch ko kung saan nakaupo kanina si Cindy at Theyn.

"What happened to her?!" nag-aalalang tanong ni Theyn. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila dito sa condo ko pero nagpapasalamat na rin akong nandito sila.

"Pwede niyo bang gamutin ang sugat niya. I just have to kill someone." Tumayo ako akmang lalabas ng pinto nang pigilan ni Cindy ang braso ko.

"At saan ka pupunta?"

"I'll end this sh1t once and for all. I can't just sit here and watch that ba$$tard hurt Cassey!" anger is raging inside my chest.

"And then what? You'll kill him? What makes you think na 'yon ang tamang gawin? Kung papatayin mo siya, that will only prove him that our kind were monsters. That Seth is blinded with hatred dahil sa pagkamatay ng asawa niya. Huwag mong hayaan na magaya ka sakanya!"

Napatingin ako kay Cassey dahil sa sinabi ni Cindy. Wala siyang malay at halos mamatay na siya kanina kung hindi ko pa siya niligtas sa walang preno niyang sasakyan.

"Cindy's right, Ivo." Seryoso ring sabi ni Theyn.

Nilayuan ko si Cassey kasi akala ko 'yon ang makakabuti para sakanya. Akala ko titigilan siya ni Seth dahil ako lang naman ang habol niya. Pero hindi pala. Kasi mas nalagay sa peligro ang buhay niya.

Seth knew that Cassey is my weakness and she's using her as his bait to get me. Realizing na maaring maulit ang pangyayaring 'to infuriates the hell out of me. At hindi matatahimik ang buhay ni Cassey kung wala akong gagawin na action. At hindi ko puwedeng hayaan lang si Seth.

Nakakumos ang mga kamay ko saka ko pinikit ang mga mata ko. I have decided. Anyway, Seth already hurt Cassey, might as well to teach him some lesson.

"I'm sorry but I won't listen to both of you. Kayo na muna bahala kay Cassey."

Hindi ko na hinintay na pigilan pa ako ng dalawa at nag-teleport na ako. Alam kong concern lang sila sa akin dahil malapit na akong ipatapon ng mga elders sa malayo kung makikialam pa ako. And worst, they could end my life right now.

Nang makalabas akong portal ay dumeretso ako sa aking pent house. I used my black bigbike papunta sa lugar kung nasaan ang lalaking responsable sa mga nangyayari.

I drove my bike as fast as I could. Gusto kong ikalma ang sarili ko pero hindi ko magawa. What he did is below the belt at hindi na ako makakapayag na palampasin pa 'to.

I went to his house. I know where he lives because I was once his boss. I parked my bike infront of their gate at hindi na ako nag-abalang mag doorbell. What's the use of being a vampire kung hindi ako magteteleport.

In just one snap nakapasok ako sa bahay niya. Dim light ang sumalubong sa akin. Tahimik sa loob at mukhang walang tao.

Inikot ko ang buong kabahayan pero walang katao-tao. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng tawanan sa likod ng bahay. Agad akong nagtago sa isang pader paakyat sa second floor.

"Malamang patay na 'yon ngayon. Pinutol ko lang naman ang brake ng sasakyan,"

"Matutuwa 'yon si boss panigurado!"

My fangs literally came out my mouth dahil sa narinig. Tinambangan ko ang dalawang lalaki at nakita ko kung paano sila mamutla. Of course they knew who I am. Ako lang naman ang may kakayanan na tapusin ang buhay nila ngayon din sa bahay na 'to!

"A-anong... a-anong ginagawa mo dito?!" nagtatapang-tapangan na sabi nung isa. Napangisi lang ako sakanya.

"I'm going to end your life!" hinawakan ko siya sa leeg at mahigpit na sinasakal.

"Ack! T-tulong—" napatingin siya sa kasama niya na tumakbo palabas. Mas lalo akong napangisi.

"Where's your fvcking boss?!" sigaw ko sa mukha niya.

"N-nasa...nasa bahay po ng kapatid niya!" takot na takot niyang sambit. Binitawan ko siya pabalibag sa may pader.

Nagmamadaling lumabas akong bahay at sumakay muli sa bike ko. Na kay Sandy si Seth. That coward man hides  on his sister! Alam niyang ayaw ko ring madamay si Sandy sa gulo namin kaya pinili niyang do'n manirahan!

Seth is ruining my life. Sa akin niya sinisisi ang kasalanan ng vampirang pumatay sa asawa niya!

Nakarating ako sa bahay nila Sandy that is almost a mansion to me. I sneaked inside. Maraming nakabantay sa paligid kaya maingat akong naglalakad habang hinahanap si Seth.

"Dalhan daw natin ng pagkain si Sir Seth sa garden sabi ni Ms. Sandy." Rinig kong sabi ng isang maid.

Agad akong dumeretso kung saan siya naroon. Nakarating ako sa isang garden na may cherub fountain sa gitna.

Nakita ko si Sandy'ng nakatalikod at may tinutulak na wheelchair. Napangisi lang ako sa nakita. Dapat tinuluyan ko na siya sa last encounter namin. I should have killed him.

Lumapit ako sakanilang dalawa at nagtago sa mataas na puno.

"Hindi ko nga siya ma-contact, eh. Her phone is ringing pero walang sumasagot," I heard Sandy said to Seth.

"Talaga?" his voice sounds concern pero hindi nakalagpas sa akin ang malademonyong ngiti niya. Nakuyom ko ang kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman.

Dapat noon pa nilayo ko na si Cassey kay Sandy. Pero hindi ko naman akalain na gagamitin ni Seth si Cassey para mapatay ako. Lumayo ako para hindi na siya madamay pero heto at muntikan na siyang maaksidente.

"Teka nga, kuya. Tatawagan ko si Lyrron. Kanina niya pa ako tinatanong tungkol kay Cassey, eh."

Iniwan ni Sandy si Seth at pumasok sa bahay. Nabigyan naman ako ng pagkakataon na lapitan siya. Walang pasabi na hinawakan ko ang wheelchair niya at nagteleport papunta sa lugar kung saan naaksidente ang kotse ni Cassey.

Nasa gilid kami ng kalsada at maraming puno sa paligid. Sa isang puno ay umuusok na yupi ang kotse na sinasakyan ni Cassey kanina.

"I knew you'll come," he said grinning. Pinatayo ko siya at sinipa ko ang wheelchair niya. Kinuwelyunan ko siya saka ko siya inangat.

"ANG SABI KO HUWAG MO SIYANG PAPAKIALAMAN! NOW, YOU'LL PAY, SETH MEDINA!!" galit na bulyaw ko sakanya. Itinapon ko siya sa katabing puno. Agad ko naman siyang pinulot at pabalibag na isinandal sa puno.

"Really? What if I tell you that killing me will only worsten her life? Sa palagay mo ba hindi ako marunong mag-plano?" he said. Napakunot noo ako sakanya sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Poison, Ivo. Ang hangin na nalalanghap ni Cassey sa loob ng kotse niya ay may halong poison. Hindi ko lang alam kung mabubuhay pa siya lalo na't wala siyang malay dahil sa aksidente... hindi ba?"

Nagulat ako at nanghihinang nabitawan ko siya.

"Sa palagay mo ba Ivo magpa-plano ako ng mga bagay na ikatatalo ko? Do not underestimate me. I have many ways to make you suffer! And seeing you die wont feed my thirst for vengeance. I want to see die...emotionally. And that's my plan!"


—-

HAPPY MOTHER'S DAY TO ALL THE MUMS OUT THERE!


Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon