Chapter 20 - Give it up

20.9K 592 14
                                    

Chapter 20 – Give it up

“GISING na si Ivo!” balita sa akin ni Kent dahilan para mapabalikwas ako sa pagkakahiga.

Dalawang araw na ako rito sa Vampire City dahil gusto kong malaman kung kailan magigising si Ivo. At ito na nga ang araw na ‘to.

Kasama ko si Kent at Theyn papuntang palasyo at halos higit ko ang hininga ko habang nilalakad namin ang pasilyo papunta sa silid niya.

I’ve never been this excited in my whole entire life. Gosh, namimiss ko siya lalo.

“Pasok ka na,” sabi ni Kent nang makarating kami sa harap ng pinto.

“Ha? Hindi ba kayo sasama?” kinakabahan kong tanong. Para akong teenager na kakausapin ang crush for the first time. Napaka late bloomer ko naman. Bakit ngayon ko lang ‘to nararamdaman? Is it because I mentally skipped my highschool life at naging notorious bully ako no’ng highschool?

“Mamaya na kami. Alam naman namin na gusto mo siyang ma-solo, eh.” nakangiti nang makahulugan si Theyn. Napatango ako sakanilang dalaga ang mouthed thank you. Ang dami na nilang naitutulong sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nanlalamig ang buong katawan ko at feeling ko nagpapawis din ang kamay ko.

I saw him sitting at the edge of his bed. He was reading something and by the looks of his face, parang hindi maganda ang binabasa niya.

He slowly titlted his head at napunta sa akin ang tingin niya. His face were expressionless pero agad din namang nagbago ‘yon nang makita niya ako. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin. I was about to say his name but he abruptly pulled my waist then rest against him. He hugs me tightly that I can’t breath.

“I-Ivo…” I whispered his name.

Matagal bago siya bumitaw sa akin. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere dahil sa mga yakap niya. Wala pa ring sasarap sa pakiramdam kapag yakap ka ng taong—vampirang mahal mo.

Kumalas siya sa akin at mataman akong tiningnan. He gently cupped my cheeks at pinagdikit niya mga noo namin.

“I’m sorry I wasn’t able to protect you. I’m so sorry.” May nangingilid na luha sa corner ng mata niya and for a moment parang biglang lumambot ang puso ko. May nangyari na ngang masama sakanya pero kaligtasan ko pa rin ang iniisip niya.

“Okay naman ako, Ivo. Ang importante ligtas ka na. Sobra mo akong pinag-alala. Sinabi na sa akin ni Kent kung sino ‘yung mga humabol sa atin.” I said.

Hindi siya umimik at biglang nagbago ang expression ng mukha niya na parang may nasabi akong masama. Nilayuan niya ako na animo’y mayro’n akong nakakahawang sakit.

“Umalis ka na, Cassey.” Malamig niyang sabi. It was as if the room is build with ice because of the cold treatment he’s gushing me. Bakit bigla namang nagbago pakikitungo niya? Don’t tell me may bipolar effect ang silver bullet na tumama sakanya.

“I stayed here for two days para hintayin ang pag-gising mo then paaalisin mo lang ako nang basta-basta? What the hell is your problem, Primotivo?!” I almost shout at him. Kung hindi ko lang iniisip ang maaring makarinig sa amin sa labas ay baka kanina ko pa siya sinigaw-sigawan.

‘Yon na, eh! Kinilig na ako tapos biglang magbabago ang mood niya. Malala pa siya sa babaeng may dalaw!

“Everything is my problem and you need to stay away from me!”

“No!”

“I mean it, Cassey!”

“I said no! Hindi kita lalayuan. Hindi ko kaya! Kapag ginawa ko ‘yon para mo na ring sinabi na saktan ko ang sarili ko!” lumapit ako sakanya at akma ko siyang yayakapin pero tinulak niya ako. Pasalamat na lang ako sa spike ng sapatos na pinahiram sa akin ni Theyn dahil nabalanse ko ang katawan ko para hindi ako matumba.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon