Chapter 17 - I'm like a boomerang

20.3K 615 24
                                    

Chapter 17 – I’m like a boomerang

“Don’t do this Cassey.”

“But you did this to me!” I cried. Hindi ko na maitago ang emosyon sa dibdib ko. Gusto kong magmakaawa sakanya mahalin niya lang ako. “Mahal na mahal kita, Ivo! At hindi mo alam kung gaano kasakit itong ginagawa mo sa akin.”

Tiningnan ko lang siyang nakatingin sa akin. I can see pity on his face. Naawa siya sa akin ‘yon lang ang tanging nararamdaman niya sa akin ngayon.

“I’m sorry,” mababa niyang sabi. I smiled with bitterness. Sorry, but I don’t need his sorry.

“Hindi mo ba ako kayang mahalin? Am I not worth your love, Ivo?”

“No, Cassey. Your love don’t worthy me. You deserve someone better…and that is definitely not me. I’m sorry.” He turn his back at me at pumasok sa Villa.

He left me hanging. He left me broken and torned.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig sa gilid ng pool. Direct rejection is much worst. The way he stared at me full of pity hurts me like hell.

But I’m not a damsel in distress. I should fight for what I feel. Even if it cost my pride. Because Cassey Aragon is a boomerang, the harder you threw me, the harder I get back. At kahit ilang beses niya akong ipagtulakan, babalik at babalik ako.

NAKAUWI ako sa bahay namin after that night. Umaga ako nagpahatid kay manong Vince at laking pasalamat ko at Saturday ngayon kaya walang pasok.

I saw daddy talking to someone on the phone kaya hindi ko na siya nilapitan at dumeretso ako sa kwarto. I’m so exhausted. Both physically and emotionally. All I want is a good sleep para makalimutan muna ang lahat.

Nagulat na lang ako nang makita ko si Theyn sa kwarto ko. Nakahawak siya sa tiyan niya at parang inip na inip na hinihintay ako.

“What are you doing here?! At ano ang karapatan mong pumasok dito na walang pahintulot?!” kino-control ko ang lakas ng boses ko pati na rin ang pagkainis. Itong mga vampira sa buhay ko ay basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ko nang walang paalam. At feeling ko wala na akong privacy.

“Cassey—“

“Umalis ka na! I want to be alone!” lumapit naman siya sa akin and by the looks of her, parang alam na niya ang lahat. I don’t know how pero puno ng simpatya ang mga mata niya.

“Sorry,” with that, she hug me tight. Hindi ako umimik. Hinayaan kong yakapin niya ako kahit malaki na ang tiyan niya.

Eto ang ayaw ko, eh. Ang kinakaawaan ako. Kasi pakiramdam ko nanghihina ako. Parang mas lalo akong nagiging emotional at gustuhin kong i-comfort nila ako.

Bumitaw siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. My eyes were teary but I tried my best not to cry infront of her. Hindi sa babaeng dahilan kung bakit hindi ako magawang mahalin ng lalaking gusto ko.

“Hindi tama ‘yung ginawa ni Ivo sa’yo, Cassey.” She said.

“Paano mo nalaman? Sinabi niya ba sa’yo?”

“No. Kahapon kasi nag-aalala rin naman kami sa’yo ni Kent so sinamahan namin si Ivo para hanapin ka. Nasa labas lang kami ng Villa ng kabigan mo pero rinig na rinig naming dalawa ang confrontation niyo.” Puno ng guilt ang mukha ni Theyn but I don’t want her to feel that way. Wala siyang kasalanan.

“Hindi ko alam—namin ni Kent na hindi pa pala moved on sa akin si Ivo at dahil do’n kaya ka nasasaktan. I’m so sorry, Cassey. Ako nanaman ang naging dahilan para masaktan ka.” She squeezed my hand saka ako nginitian ng tipid.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon