24

18 1 7
                                    

KIEL

'Garden raw? Oo, itong garden nitong school!'

Malayo na kami sa building namin at ito na ngayon at tinutungo ang garden. Hawak niya pa rin ang kamay ko kaya, sumimple akong umubo at natinag naman siya.

"Puwede ko na bang makuha ang kamay ko?" Nanliliit ang matang sabi ko.

"A-ahh o-oo," utal utal na tugon nito.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, at nauna siya sa daan namin. Habang patungo sa garden, hindi ko maiwasang pagmasdan at hangaan ang matatayog na puno na madadaanan patungong garden.

Gusto ko sanang pag trip-an ang lokong kumag na 'to at layasan, tutal naman na sa harap ko siya at na sa likod niya ako. E kaso, lalo lang itong mangungulit kapag hindi ko kinausap 'to ngayon.

Lumapit kami sa isang bench sa garden, nay katabi itong puno na matayog kaya nasisilungan ang upuan namin, at hindi kami naiinitan.

"ehem!" Kunwaring pag-ubo pa nito kaya napatingin ako sa kanya. Ayan na naman ang ngiti niya, ngiti niyang nakakapag pawala sa'yo sa katinuan.

"Oh? Ano ba pag-uusapan natin?"kunwaring pagtataray ko pa.

"Hmm? Wala naman,"

"Anong wala naman? E ano pang ginagawa ko dito? Ayaw kita kasama no?!" Sagot ko sa kanya.

"Hindi ba puwedeng makasama ang 'soon-to-be-wife ko?'" pagdidiin pa nito sa huling salita.

Inirapan ko siya at tatayo na sana ako nang hilahin niya ulit ang braso ko, dahilan para mapaupo ulit ako sa kinauupuan ko.

"Ano ba?!" Singhal ko.

"About yesterday," pagseseryoso nito.

"What about that?" Kinakabahang tugon ko.

"Why did you kissed me? Hindi ba't sabi mo umalis na ako? Bakit hinalikan mo ako? I'm confused, Kiel. Do we felt mutual? Mahal mo rin ba ako?" Sunod sunod na tanong nito.

Hindi agad ako nakaimik. Gusto kong tumakbo, pero ayaw gumalaw ng paa ko. Gusto ko magsalita, pero ayaw gumalaw ng bibig ko. Gusto kong sagutin ang mga tanong niya, pero hindi ko rin alam kung paano sasagutin. At gusto kong sagutin kung mahal ko rin ba siya, kaso hindi ko alam kung ganoon rin ang nararamdaman ko. Ayokong saktan siya, kahit naman kumag ito, tao rin siya at nasasaktan. Bumuntong hininga ako at iniangat ang paningin sa kanya.

"Honestly? I don't know why did I kissed you yesterday. But I know my heart said it." Panimula ko. "Do we felt mutual?" Pag-uulit ko sa tanong niya. "I don't know either," napayuko ako. "Mahal rin ba kita?" Pag-uulit ko ulit. "I'm confused about my feelings too. Hindi ko na alam ang mga kinikilos ko sa tuwing kung ano ano ang ginagawa mo sa akin." Pagtatapos ko.

Hindi siya umimik. Nakayuko at mukhang nag-iisip. Napatingala ako at nakita ko ang matayog na puno, na may mga ibon sa mga sanga nito.

"I'm supposed to be sad of what's your answer but I felt happy. You know why? Because the fact that you said, you are confused, that means I have an impact to you." He said smiling.

"Don't expect too much from me, because I might get hurt you," nakayukong tugon ko.

"Hey," he said while holding my chin up to met his eyes. "Can I...... court you?" Medyo nahihiyang sambit pa nito.

Natawa ako dahil hindi siya makatingin ng deretso sa akin. Ngayon ko lang nakita mahiya ito sa ibang tao. Yung mga tingin niya, para siyang napapahiya sa sinabi niya.

"You look cute," wala sa sariling sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya.

"Hey, answer my question first!" Sagot pa nito na akala mo nag-ta-tantrums na bata.

"My answer is NO," Tatawa tawang sabi ko, at bumagsak naman ang balikat niya kaya napabungisngis ako. Lumungkot lalo ang itsura niya kaya tumigil na ako sa pagtawa. "Let me think about it,"

Iniangat niya ang paningin niya sa akin at unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko inaasahang, yayakapin niya ako ng mahigpit.

"Hey! Hey! Wala naman akong sinabing pumapayag na ako! Kung makayakap ka naman!" Uubo ubong tugon ko matapos niya akong bitawan.

"Why? Are you planning to reject me, huh?" Nakangisi nitong sabi.

"Oo! I just sugar coated my words, para naman hindi ka mukhang namatayan dyan sa lungkot," pagtataray ko.

"As if matatanggihan mo pa ako," Mayabang pang sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko at pinagpapalo siya. Wala akong pake kung saan dumapo ang kamay ko. Naiinis ako sa kayabangan niya. Bigla niyang nahuli ang dalawa kong braso, at pinadausdos niya ang kamay niya sa mga kamay ko. Tinignan niya ang likod ng kamay ko, at unti unti niya itong inilapit sa bibig niya upang halikan. Ikinuyom ko ang dalawa kong kamay at sa pagdapo ng bibig niya sa kamay ko para halikan ito, ang siya namang pwersahang pagtulak nang nakakuyom kong kamay sa bibig niya. Napadaing siya dahil sa ginawa ko.

'buti nga sa'yo!'

Binawi ko ang kamay ko at sinampal siya.

"What was that for?" Hawak pisnging tanong nito.

"That's for your kayabangan!" Bulyaw ko rito. "I'm going na. Claire is waiting for me."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinalikuran siya. Nagsimula na akong maglakad nang humabol siya.

"Sabay tayong mag-recess!" Nakangiting pagyayaya nito.

"Ayoko nga! Kasabay ko sila Claire."

"Edi makikisabay rin ako!"

"No! You have your own friends! Doon ka makisabay!"

"Okay, edi sabay na lang tayo mag-lunch later?" Hirit pa nito.

"I said no! You have your own friends, I have my own too. So, mind your own business!"

"But you're my business,"ngingisi ngising banat nito. Inirapan ko siya at lumayo ako ng kaunti sa kanya.

"Don't be too annoying! Ang sarap mong sabunutan!" Gigil na sambit ko.

"Anong sabi mo? Ang sarap ko sa higaan?" Pilyong tugon nito at tumawa.

Napalunok ako at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang ito na parang aso. Siraulo talaga!

Binilisan ko ang lakad ko at dumeretso na ng building namin. Naglakad pa ako ng deretso at huminto sa room namin. Tinignan ko muna ang nasa likod ko bago pumasok ng room. Nakasunod pa rin siya sa akin kaya pumasok na lang ako ng room.

Pagkarating ko sa upuan ko, nakita ko ang naniningkit na tingin sa akin ni Claire.

"Ano na naman bes? Spill it," bored kong sabi.

"Hoy! Saan ka galing? Nakita ko kayo nung 'soon-to-be-husband' mo!"

"We went to garden,"

Hindi ako ang sumagot no'n. Hindi ako ganoon straight magsabi ng totoo.
Napatingin ako sa lalaking sumagot no'n. Ang laki ng ngiti niya sa akin, at dumapo rin ang tingin niya sa best friend kong si Claire. Napanganga si Claire at hindi makapaniwala kung sino itong nasa harap at classroom namin ngayon.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now