14

10 1 0
                                    

Kiel's POV

Maaga akong nagising at dumeretso ako sa banyo ko upang maghilamos. Nang matapos ko ang paghihilamos ay bumaba na agad ako sa baba at dumeretso ng dining area. Mabuti't may nakahain na doon. Nabigla pa si yaya ng makitang andoon na ako't nakaupo. Plano kong hindi sumabay sa kumag na yon para hindi niya ako maipagpaalam >>___<<
Wala pa sila mom at dad ng kumain ako kaya baka nasa kwarto pa sila. Nang matapos akong kumain ay dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang PE uniform ko sa closet at inihanda na iyon. Pumunta na ako ng banyo ko at naligo. Pati sa pagligo ko ay mabilisan lang din, hindi ako papayag na sumama sa kanya mamaya!

Kumuha ako ng sando at cycling ko. Nang matapos kong isuot yon, dinalian ko rin sa pagsusuot ng PE uniform ko. Hindi na ako nakatingin pa sa salamin kong maayos ba ang pagkakasuot ko. Sinuklay ko lang ng kaunti ang buhok ko at hinablot ang bag ko. Nagdali-dali ako sa pagbaba at nakasalubong ko pa sila mom sa baba.

"Oh bat ang aga mo naman pumasok anak?"kunot noong tanong sakin ni mom.

"Ah, m-may g-gagawin kasi kami sa s-school ni..... Claire.. tama ayon po!"

"Kumain ka na ba?" Tanong ni dad at tumango ako. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi.

"Mauuna na po ako!" Paalam ko pa.

"Teka, hindi mo aantayin yung fiancé mo?"tanong pa ni mom pero di ko na siya sinagot.

Ang mahalaga ay kailangan kong makaalis na dito. Nang mamataan ko si Mang Roly ay tinawag ko agad ito.

"Mang Roly, pahatid po sa school"nagmamadaling sambit ko. Ngumiti naman siya at ini-ready na ang sasakyan.

Nang maiparada na ni Mang Roly ang sasakyan ay akmang sasakay na ako ng...

BEEP! BEEP!

May bumusina sa labas ng bahay, tinignan muna iyon ni Mang Roly at tumingin sa akin.

"Ma'am, andyan na po yung fiancé niyo" usal nito at nanlaki ang mga mata ko.

"Hayaan niyo na lang po, mauna na po tayo"pamimilit ko kay Mang Roly.

Palabas na ang sasakyan namin ng biglang humarang sa daan si kumag!

What are you doing freak!!

Gusto ko ng umalis at ayoko siyang makita! Kumatok ito sa gawing bintana ni Mang Roly at binabaan naman ito ni Mang Roly.

"Andyan po ba si Kiel?"magalang na usal niya.

"Ah, opo. Nagpapahatid na po e, mukhang nagmamadali"sagot naman ni Mang Roly.

Bumaling sa gawi ng pinto ko si kumag at binuksan yon!

"What?!"asik ko sa kanya.

"Good morning"ngiting sambit niya, labas pati ngipin.

"Look, I'm in a hurry. Kelangan ko ng pumasok"

"Nang ganito kaaga?"taas kilay na sagot niya.

"Why do you care?" Irap ko sa kanya.

"For I know, baka iniiwasan mo lang na ipaalam kita sa parents mo para mamaya"

"Eh sa ayoko ngang pumunta!"

"Oh di lumabas din. May pasabi-sabi ka pang 'I'm in a hurry'"bubulong bulong pang asik niya.

Hinila niya ako palabas ng kotse at padarag na ipinapasok ulit sa bahay. Nagulat pa si mom at dad ng makita ulit ako, at ang mas kinagulat nila ay dahil sa kumag na katabi ko ngayon.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now