06

21 1 0
                                    

Kiel's POV

Lumipas ang mga araw at wala siyang paramdam. Friday na ngayon, OPO friday! Naalala ko nanaman ang pagbabanta niya sa'kin nung isang araw.

"PAGSISISIHAN MO ANG GINAWA MO!!! HINDI PA TAYO TAPOS MS. RAMIREZ!!!"

"PAGSISISIHAN MO ANG GINAWA MO!!! HINDI PA TAYO TAPOS MS. RAMIREZ!!!"

"PAGSISISIHAN MO ANG GINAWA MO!!! HINDI PA TAYO TAPOS MS. RAMIREZ!!!"

Haaayy! Parang sirang plaka na naman na nag-uulit ulit sa utak ko. Kung makapag banta naman siya akala niya wala siyang kasalanan sakin. Baka nagkakalimutan kami, kinuha niya lang naman ang dangal ko. Ay joke! OA naman yung dangal. Kinuha niya yung tumatanginting na first kiss ko at hindi ko yon mapapalampas. Bwiset siya.

Nasa classroom na ako ngayon at nagdiscuss si Miss Gillian Vinluan, ang filipino teacher namin. Pero ni isa sa mga sinasabi niya ay hindi ko maintindihan dahil sa lalim ng iniisip ko. Last subject namin sa umaga ang filipino, pero bat ganon? Isa sa favorite subject ko to, pero bat walang sumisiksik sa utak ko?

Hanggang sa matapos ang subject namin at bago umalis si Miss ay may sinabi pa ito. "Magkakaroon tayo ng pagsusulit next week. Madali lang iyon at mag-aral kayong mabuti!"aniya at lumabas na ng room.

Napapailing na lang ako. Nagsisisi ako na walang pumasok sa utak ko >__< Ano na isasagot ko sa quiz next week?
Nanlulumo akong tumayo at humarap kay Claire at Iver.

"Oh bat ganyan ang mukha mo?"tanong ni Iver.

"Wala kasing pumasok sa utak ko dun sa mga diniscuss ni Miss" nakabusangot na tugon ko.

"Wag ka na sumimangot dyan bes, sasabihin ko na lang sayo yung ire-review"nagliwanag naman ang mukha ko sa sinabi niyang yon.

"Thanks bes! The best ka talaga!"kindat ko pa sa kanya at bahagya naman siyang natuwa sa inasal ko. "Tara na sa cafeteria"anyaya ko pa sa kanila at nagpunta na doon.

Kaming dalawa naman ni Claire ngayon ang pumila, habang si Iver naman ang naghahanap ng mauupuan namin. Pinagmamasdan ko ang paligid ko ng biglang nahagip ng paningin ko ang pagdunggol ng isang lalaki kay Iver!

OO DINUNGGOL SIYA SINASADYA!

Ngingisi-ngisi pa siya! At nung mag angat ng tingin, nakilala ko ang loko! Ang lokong bwiset! Sinabihan ko muna si Claire na siya na mag-order at pupuntahan ko lang si Iver. Dali-dali akong lumapit kay Iver at pinatayo siya.

"Ayos ka lang ba?"Tanong ko at tumango naman siya, ngunit bakas sa mukha niya ang takot.

Hinarap ko si Javier at sinamaan ng tingin ngunit inismiran niya lang ako. Kasama nga pala niya ang bwisit rin na kaibigan niya.

"Ano na naman ba? Okay na nga yung hindi ka nagpaparamdam eh" sambit ko sa mismong pagmumukha niya, pero parang wala man lang tong narinig sakin. Hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya!

"Hindi ba't sabi ko naman sayo na hindi pa tayo tapos!"pagdidiin niya naman sakin. "Nangialam ka nanaman"iiling-iling na tugon niya sakin. "Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa?"ismid na dugtong niya at mas lalo ko naman siyang sinamaan ng tingin!

"Baka nakakalimutan mo rin, na may atraso ka rin sakin"pagdidiin ko at nagtaka naman siya.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz