26

13 2 2
                                    

KIEL

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at napansin ko rin naman sila Claire na sumunod rin. Nakita ko si kumag sa gilid ng mga mata ko na akmang tatayo na rin, humarap ako sakanya at nagtatakang tinignan siya. 

"Saan ang punta mo?" takang tanong ko rito.

Ngumiti ito sa akin at nagsalita, "Ihahatid kita sa room niyo?" 

"Ha? Bakit?"

"Anong bakit? Kailangan ba may dahilan para ihatid kita sa room niyo?"

Hanep 'tong lalaking to, sagutin daw ba 'yong tanong ko ng tanong din.

Napahawak ako sa noo ko at marahang umiling. Nakapa kulit! Masyadong nagpapaka clingy!

"Kahit 'wag na, kasama ko naman ang mga kaibigan ko. Tsaka baka nag-aantay na 'yong mga kaibigan mo." Napatingin ako sa gawi ng kanyang mga kaibigan at nakita ko rin doon yung pamilyar na mukha nong palagi niyang kasama na si Marion. Nakaharap sila sa gawi namin.

"Ihahatid lang naman kita e, tsaka makakapag-antay naman 'yang mga 'yan." 

Lumapit ako sakanya upang bumulong, "Luh, ansama ng ugali mo talaga. Bakit mo pinag-aantay ang mga kaibigan mo?"

Inilapit niya pa lalo yung mukha niya sa akin at napaiwas naman ako, narinig ko ang bahagyang pagtawa niya sa naging reaksyon ko, "They don't mind naman kahit maghintay sila, alam naman nila kung ano ang meron sa'tin."

"Pinagsasasabi mo nanamang 'meron sa'tin'. Wala naman ah, masyado ka kung mag-imagine."

"Bakit? Wala ba? E diba 'naka-arrange marriage' nga tayo?"

"Oo, at 'arrange', ibig sabihin 'napilitan' lang ako dito."

Inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa akin kaya naman napaatras na ako. Nakita kong napapangiti siya sa nagiging reaksyon ko, "Ano ba? Lumayo ka nga!" 

"Pssst!" 

Nawala ang paningin ko kay kumag at napatigin ako sa sumitsit sa akin. Si Claire.

"Halika na! Kanina ka pa namin inaantay." Dagdag pa nito.

Para sa pangalawang pagkakataon, nawala na naman sa isip ko na nasa cafeteria kami at dapat papunta na ng room. Nawala na naman sa isip ko na marami nga palang tao dito. Hindi lang kaming dalawa. Ang tanga mo Kiel!!!

Napapikit ako ng mariin at tumingin sa paligid. Ang iba ay nakatingin sa gawi namin at ang iba naman ay busy pa rin naman sa harap ng kanilang pagkain at nakikipag kwentuhan sa kanya kanya nilang kaibigan. Tinalikuran ko na si kumag at nagpaumuna ng maglakad. Naramdaman kong sumunod naman ang mga kaibigan ko sa'kin. Binilisan kong maglakad hanggang sa makalabas na ng cafeteria. 

"Hoy, teka naman." 

"Ano na naman ba? Bumalik kana nga kasi doon sa mga kaibigan mo. Akala mo naman mawawala ako, e dyan lang naman yung room namin. May pahatid hatid ka pang nalalaman, ang korni mo, seryoso."

"Luh, di maka-appreciate? Effort 'yon." Lumapit pa siya lalo sa'kin at bumulong, "Parte 'to ng 'panliligaw' ko."

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ