18

14 2 0
                                    

Kiel's POV

Nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko, mukhang may tumatawag pa. Sino kaya tong tumatawag na to? Nang akmang kukunin ko na ang cellphone ko ay namatay na ang pag-ri-ring nito. Tinignan ko kung sino ang nag missed call, nagulat pa ako ng makita kung sino ang tumatawag at umistorbo ng maganda kong tulog si kumag lang pala. 2:30 palang ng hapon, wala pang isang oras ang tulog ko!

"Naku ang lalaking yon! Napaka---ughhh! Kumag talaga!"sambit ko na lang sa sarili.

Dinial ko ang number niya at nako ha, antagal sagutin. Pero bago mamatay ang pag-ring nito, sinagot niya na.

"What the hell?! Bakit ba tawag ka ng tawag?!" Bungad ko sa kanya.

"What?! Bakit ba ang init na naman ng ulo mo?" Sagot naman niya! Aba, siya pa may gana mag 'what---what'. dyan!

"Tawag ka ng tawag! Natutulog ako! Ano ba, iniistorbo mo ang tulog ko!"singhal ko sa kanya.

"Ano ba?! Tigilan mo nga ang kasisigaw! Nabibingi ako!"

"Ewan ko sayo! Ang engot mo talaga!"

"Ako? Engot? Sa gwapo kong to?! Baliw kana nga bulag ka pa!"

"Ewan ko sayo, wag mo na ako istorbohin!"

"Okay! Ipagpatuloy mo na ang panaginip mo tungkol sa akin" mayabang pang tugon niya.

"Ha! Hindi ka lang kumag, feelingero engot at bully! MAYABANG KA RIN! ABA EWAN KO SAYO! BYE!!!" Bulyaw ko at binabaan siya ng tawag.

Nakakainis talaga ang kumag na yon! Padabog kong inilapag ulit sa side table ang cellphone ko at humiga sa kama ko. Pinikit ko ang aking mga mata, ngunit hindi ko na makuha ang tulog ko kanina. AISSSHH! DAMN THAT BOY!

Napagpasyahan ko na lang na bumangon at tumulala sa harap ng salamin ko sa kwarto. Tinignan ko ang orasan ko at mag-a-alastres pa lang ng hapon. Bwiset talaga ang kumag na yon. Masyadong inistorbo ang tulog ko. Humanda talaga ang kumag na 'yon.

Bumaba ako at dumeretso sa kusina, binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng gatas. Nagsalin ako sa baso ko at kumuha ng chips. Akmang aakyat na ako sa kwarto ko para bumalik ng magkasalubong kami ni dad.

"Where are you going, young lady?" Takang tanong ni dad at pinasadahan ng tingin ang dala kong gatas at chips.

"Obviously, in my room dad." Bored kong sabi.

Napa ahh na lang si dad.

"Why aren't you preparing?"

"Preparing for what?"

"Your engagement party with that Delos Reyes' boy."

"Ahh" nasabi ko na lang at tumango kay dad. "Akyat na ako dad. Btw, it's too early to prepare." At deretsong umakyat na papunta sa kwarto.

Pagkarating ko sa kwarto, di ko maiwasang mapa-buntong hininga ng ipaalala na naman ni dad ang engagement party ko with that jerk boy! Binuksan ko ang chips na dala ko at sinimulang lantakan iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang Facebook ko, agad na bumungad sa akin ang news feed kong punong-puno ng pagbati para kay kumag mula sa iba't ibang tao.

Aleya Fernandez with JJ Delos Reyes
Happy birthday Javier!💖

Wow! May pa-heart talaga? If I know baka may gusto lang 'to sa kumag na yon. --___-- why I sound so bitter? Pathetic mind Kiel! Erase that thought!

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now