02

33 2 7
                                    

KIEL

Nakatitig pa rin ako sa kabuuan niya, dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Siya ba talaga yan? Baka nag-iimagine lang ako? Pero kasi si JAVIER yan eh, yung bully. OMG!!! Mabubully na ba ako dahil dito?

"S-soryy J-javier, hi-hindi ko si-sinasadya" utal kong sabi at mas lalo naman akong kinabahan dahil sa sama ng tingin niya sakin!

"Anong sorry?! Anong hindi mo sinasadya?! Bat hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!? Ayaaann tuloyyyy!!!" Sigaw niya sakin kaya mas lalo akong napapikit sa kaba dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Napatingin naman sakin ang bestfriend ko at dali-daling pumunta sakin.

"Bes, ano nangyari? Bat nandyan si Javier?" Bulong niya sakin at nararamdaman ko rin ang kaba niya dahil sa gulong nangyayari.

"Ano na?! Wala ka man lang bang gagawin?! Napaka tanga mo na nga, bulag ka pa! HUMANDA KA SAKIN DAHIL HINDI KO TO MAPAPALAMPAS!" Sambit niya bago umalis. Kinabahan naman ako bago ako inakay pabalik ni Claire sa upuan namin habang pinagtitinginan kami ng ilang estudyante.

Tinapos namin ang aming mga pagkain at umalis na ng cafeteria dahil pinagbubulong-bulungan na ako ng ibang estudyante ng dahil sa nangyari.

Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari. Mabubully na kaya ako katulad ng ibang estudyangteng dumaan sakanya? Haaayyss, wag naman sana huhuhu.

"Bes, okay ka lang ba? Huuyy! Bes? Kanina pa kita kinakausap, okay ka lang ba?" Kanina niya pa pala ako kinakausap, natulala na ako kasi sa sobrang kaba. Napatango na lang ako sakanya pero alam kong ramdam niya pa rin na hindi ako okay at kinakabahan pa rin ako.

Tahimik kaming nakabalik ng room at dahil mabilis kumalat ang tsismis na ganon, ay malamang alam na rin ng mga kaklase namin. Nagtsitsismisan sila habang papunta kami sa upuan namin at wala na lang akong nagawa kaya naupo na lang ako at tumungo.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na yung ibang Prof. namin.

INTRODUCE

INTRODUCE

INTRODUCE

LUNCH BREAK

Nang mag ring ang bell ay hudyat na para sa aming lunch break, pero ito ako at walang kibo. Iniisip ko pa rin yung kanina nung recess sa cafeteria. Hayss bat ba ang tanga ko? Sa dami ng makakabunggo bat siya pa?

"Bes, tara lunch na tayo" yaya sakin ni Claire pero umiling lang ako dahil wala akong ganang mag-lunch.

"Ikaw na lang bes, hindi pa ako gutom" pero ang totoo ay ayoko lang pumunta ng cafeteria dahil kinakabahan ako baka andun lang si Javier.

"Alam kong natatakot ka pa rin bes, wag ka mag-alala hindi na lang din ako magla-lunch para parehas tayo. Sasamahan na lang kita dito." Sambit niya at napangiti na lang ako. Nabawasan ang kaba't lungkot ko. Ang swerte ko at meron akong kaibigan na katulad niya.

-

Makalipas ang isang oras ay nagsibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang room at pinagpatuloy ang kanilang mga klase.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon