17

12 2 0
                                    

Kiel's POV

Araw ng sabado. Ang kaarawan ng kumag. Ang bully at ang feelingero'ng lalaking nakilala ko. At ngayon din pala ang engagement party namin. Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Tinignan ko ang orasan at 8 am na. Bumangon na ako sa higaan ko at dumeretso ng banyo, naghilamos at nagsepilyo ako. Nang matapos ay humarap ako sa salamin at kinuha ang suklay ko. Dahan dahan ang pagsuklay ko sa buhok ko, hindi tulad dati na sobrang hard na akala mo ay matatanggalan na ng buhok. Lumabas ako ng kwarto at bumaba na, sumalubong pa sa akin sila mommy na nasa sala at nanonood. Nagtaka naman ako, wala bang pasok sila mom? Dumeretso na lang ako sa dining area at agad naman na naghanda si Yaya. Tahimik lang ako kumain, ininom ko rin ang gatas ko. Matapos akong kumain ay pumunta ako kila mommy at daddy na nasa sala.

"Mom, wala kayong pasok ni dad?"takang tanong ko.

"Wala anak"tipid na sagot ni dad at ngumiti lang ng pagkalawak-lawak sa akin mom na ipinagtaka ko.

"Why mom? Ang lawak ng ngiti mo?"

"Wag mong sabihin na nakalimutan mo na, baby?"

"What is it mom?"

"Your engagement party, right?" Tugon ni mom at napa 'ahh' na lang ako.

Nagpalipas pa ako ng isang oras doon, bago ko napagdesisyunan na umakyat sa taas at maligo.

"Mom, dad pupunta po muna sana ako sa mall..... May bibilhin lang"nakangiwing pagpapaalam ko.

"Sure anak"nakangiting sagot ni dad.

"May ipapabili po ba kayo?"

"Hmm, wala naman. That's all?"tanong pa ni dad at tumango naman ako. "Okay, you may go" akmang tatakbo na sana ako paakyat sa hagdana ng may sabihin ulit si dad. "Wait"napatigil naman ako at humarap ulit kay dad. "Nagpaayos ka ba?"tanong pa ni dad at tumango naman ako. "You're so beautiful, anak"papuri ni dad at nangiti naman ako, sumulyap pa ako sa gawi ni mom at nakita ko pang ngiting ngiti ito.

Tumango pa muna ako sa kanila bago pinagpatuloy ang pag akyat sa taas. Dumeretso na ako ng kwarto ko at kumuha ng damit sa closet. Nakita ko ang maong jumper ko at yung white shirt ko. Pagkatapos kong ihanda ay pumunta na ako sa banyo at naligo. Nang matapos ako ay isinuot ko na ang damit ko na inihanda ko kanina. Kinuha ko ang suklay at humarap sa salamin, katulad kanina ay dahan dahan ko lang ulit itong sinuklay. Napakadulas at napakalambot ng buhok ko, hindi gaya dati na dry at medyo sabog pa. Kumuha lang ako ng powder, at naglagay ng konti sa mukha. Kinuha ko ang white rubber shoes ko at sinuot iyon. Bumaba na ako at napanganga naman sila mok at dad sa akin.

"Ang ganda ganda mo, baby"namamanghang usal ni mom.

Ngumiti ako kay mommy, nahihiya ako. "I have to go mom, dad"paalam ko pa.

"Magpapahatid ka ba o magco-commute?" Tanong pa ni dad.

"Commute dad"

"Okay, here"bigay ni dad sa akin ng pera, nanlaki naman ang mata ko.

"But dad, i have my mo----"

"Okay lang. Kunin mo na"pamimilit ni dad at kinuha ko naman na iyon.

Humalik ako sa pisngi nilang dalawa at nagpaalam na. Lumabas na ako at buti na lang may dumaan na agad na taxi. Sumakay na ako at sinabing sa mall. Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder bag ko at tinignan kong may nag-message ba.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora