19

21 2 0
                                    

KIEL

Ilang minuto pa ang lumipas at nag umpisa na ang party. Bumaba na ang kumag at nagsimulang makipagbatian sa mga bisita niya. Nalingunan ko ang table nila Claire, ayon kumakain na sila habang nagce-cellphone pa. Laking pasasalamat ko at hindi pa nila ina-announce ang tungkol sa engagement namin ni kumag. Mabuti na lang at hindi pa, pero sigurado ako na hindi matatapos itong gabing 'to na hindi nila ito nasasabi. ~__~

Nalingunan naman ng paningin ko si kumag, ayon parang kumakandidato ang gago, bati doon, bati dyan, bati everywhere psh! Nakita ko pa ulit siyang lumipat sa kabilang table, sa table ng mga kaklase niya, kasama na doon ang best friend niyang si Marion. Tuwang tuwa itong nakikipag apir isa isa sa kanila. Ano yan? Reunion? Tagal di nagkita? Psh! Binalik ko na lang ang paningin ko sa pagkain ko na halos hindi ko magalaw. Naiilang ako dahil nasa iisang table lang kami nang mga magulang ko at ng magulang ni kumag.

Pinilit kong kumain kahit na nahihiya talaga ako sa iniaasta ko. Dumagdag pa sa isipin ko ang nangyari kanina lang sa loob ng kwarto niya. Bakit niya ba kasi ako hinalikan? Tapos ako naman tong si gaga, hindi man lang nanlaban? Ano nasarapan ka Kiel?  Bigla ko namang natusok ng tinidor ang hipon na nasa plato ko. Biglang napaharap sa akin sila mommy at daddy na may nagtatakang tingin. Ngumiti na lang ako para hindi ipahalata ang kagagahan na nangyayari sa akin.

"Hey" bigla namang nagtindigan ang balahibo ko dahil sa bumulong galing sa likod ko. Ang husky ng boses >>___<<

Biglang umupo sa katabing upuan ko ang kumag na bumulong sa akin. Ngiting ngiti pa ito habang nakatingin sa akin. Kinunutan ko lang siya ng noo at binaling na ang paningin sa kinakain. Maya maya pa ay tumayo ang magulang ni kumag sa harap ang tinawag ang mga magulang ko. O-M!!!! This is it!!! Ayoko na >>___<<
Gusto ko ng tumayo at tumakbo palabas.

"Good evening, may we have your attention please" ani tito Edward. At nagsipaglingunan naman ang mga bisita sa harap. "Today, we're celebrating the birthday of my son, Javier James," patuloy pa nitong sagot habang nakatingin sa katabi ko. "Pero hindi lang 'yon. Maybe you're all wondering why Kien and Elice is here in front of all of you."

"We are happy to announce the partnership of Ramirez's and Delos Reyes'," nakangiting tugon naman ni tita Jarinne. "But not just that at hindi na namin ito patatagalin. We are happy to announce the engagement of this two young people in front of you. Can you join as here in front?"

Natulala ako at parang walang tumatakbo sa isip ko kung hindi ang sinabi lang ni tita. Parang sa oras na ito, hindi nagfu-function ng tama ang utak ko. Biglang tumayo ang katabi ko at naglahad ng kamay sa harap ko. Wala akong masabi. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kamay niya na nasa harap ko. Ayokong tanggapin. Ayoko ng ganito. Hindi pa ako handa. At lalong hinding hindi talaga ako magiging handa sa ganito. Ilang minuto pa ang lumipas pero nakatingin pa rin ako sa kamay niya.

"Hey, tanggapin mo na, nangangalay na ako," reklamo niya.

Dahan dahan kong iniangat ang kamay kong nanginginig. Nang mailapat ko ang kamay ko sa palad niya ay dahan dahan akong tumayo at hinila niya naman ako agad papuntang harap. Excited lang? Nakarating kami sa harap at sinalubong naman ako ng yakap ni mommy at daddy. Nasa magkabilang gilid ang magulang namin at nasa gitna kami, magkatabi. Biglang mat naramdaman akong kamay na humapit sa bewang ko at napatingin naman ako sa katabi ko, hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ako komportable sa kamay niya na nasa bewang ko. Sinubukan kong tumabi pa lalo kay mommy at pasimple kong hinawakan ang kamay niya na nasa bewang ko para alisin, ngunit mas lalo niya akong hinahapit palapit sa kanya at humihigpit ang kapit niya sa bewang ko. Lumingon ako sa kanya at nakangisi siya sa akin, what's wrong with these guy? Can he get his hands off me?! Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now