08

14 1 0
                                    

Javier's POV

Napaka asar talo talaga ng babaeng yon! Konting asar ko lang ansama na agad ng tingin sakin! Kaya lalo ako nawiwiling buyuin ang babaeng yon eh, andaling mapikon. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mukha niyang asar-asar na lalo sakin.

Tulad na lang noong isang araw, nakita ko kasing tumatakbo nung uwian. Naisipan kong pagtripan, ayon pinatid ko at pucha! Hindi ko inaasahan na makita ang pink undies niya! Ang sama ng tingin niya agad sakin non. Sininghal-singhalan pa ako't sinapak. Napaka sadista rin pala ng babaeng yon! Tsk tsk tsk.

Ngayon naman, nakikita ko na naman ang mukha niyang inis na inis sakin, na gustong gusto akong lapain. Sobrang sama ng tingin niya sakin nong natamaan siya ng bola'ng dumulas sa kamay ko. OO DUMULAS. Hindi ko yon sinasadya, pero nung nakita kong natamaan siya non, nginisihan ko siya kaya akala niya talagang sinadya ko yon! Pero nang tumalikod ako bigla niya namang binato sa ulo ko ang bola, yon ang sinadya niya! HAHAHA! nakakatawa talaga tong babaeng to!

Ang mas lalong hindi niya inaasahan ay iyong sinigaw ko, gulat pa siyang tumingin sakin non. At syempre ngumisi lang ako sa kanya. Nakita ko rin si Marion na nagpipigik ng tawa sa sinabi ko. Galit na galit na naman ang tingin niya sakin na akala mo ay babalatan ako ng buhay. Umalis siya kasama nong kaibigan niya. Nagpatuloy lang kami sa paglalaro ni Marion na parang walang nangyari sa paligid namin.

Maya maya pa ay nagkayayaan na kaming umalis sa game zone at tinawagan ko naman ang number nong babaeng yon! Kung nagtataka kayo kung saan ko nakuha ang number niya, syempre 'i have my own ways'. Nakuha ko isa sa mga kaklase niyang babae, syempre ginamit ko ang pamatay na charm ko para makuha yon.

Tinawagan ko ang number niya at unang bungad pa lang ay naninigaw na. Tinatanong niya kung sino ako, hindi niya ba talaga ako makilala? Kahit sa boses man lang? HAHAHA! Nang bigla kong sabihin ang pangalan ko ay natigilan ito siguro nagulat to. Bigla na naman tong nagsisisigaw, tinatanong kung paano ko nalaman ang numero niya pero syempre hindi ko sinabi at pinatay ko na ang tawag. Ngumisi naman sakin si Marion at tinanguan ko lang to.

Naglibot libot pa muna kami ni Marion sa mall at maya maya pa ay nagyaya akong pumuntang ice cream house. Ako mag oorder at siya ang maghahanap ng mapwepwestuhan namin. May babae sa harap ko na nakapila, pamilyar ang likod ng babaeng ito. Nang mapagtanto kong siya yon, tinusok ko ang likod niya ngunit hindi siya humarap sakin. Tinusok ko ulit ang likod niya ngunit inis naman lumingon sakin to at halata sa mukha niya ang pagkagitla pero mas nangibabaw ang sama ng tingin niya sakin. Nginisihan ko lang siya at sininghal singhalan na naman ako ng babaeng to. Biglang tumalikod na ito at saktong dating naman sa tabi ko si Marion, sinabing wala na daw bakanteng upuan na mapwepwestuhan.

Natapos ng mag-order ang babaeng yon at sinundan ko siya ng tingin at nakita ko kung saan sila nakapwesto nung kaibigan niya. Umorder ako ng dalawang ice cream at tinungo namin ni Marion ang papunta sa pwesto nila.

Tinanong niya kung pwede kami makiupo pero syempre bago pa magsalita si Kiel, umupo na ako at nginisihan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagpo-protesta ngunit tumungo na lang ito. Ang tahimik niya ngayon, hindi ako sanay na hindi ito sumisinghal ngayon. Kinausap ko siya at nag angat siya ng tingin sakin, masamang tingin ang bungad agad sakin. Ngumisi lang ito at mas lalo itong nainis sakin. Nagsisinghalan kaming dalawa ng biglang suwayin kami ni Marion, ngunit siniringan lang namin siya at hindi na umimik pa.

Nagpatuloy ang pagbabangayan naming dalawa ng ang sumuway na samin ngayon ay yung kaibigan niya. Tumigil siya at binigyan pa rin ako ng masamang tingin bago tumungo na lang ulit. Pinagmasdan ko naman ang mukha niya. Maputi siya at may makinis na kutis. Matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata. Maamo at maganda siya wag nga lang magsasalubong ang kilay niya dahil para siyang bagong gising na inistorbo. Hindi siya nakasalamin tulad ng ibang nerd, pero nagmumukha siyang nerd dahil sa galaw niya she's actually acting like one .Ilang minuto pa ang lumipas, ay umalis na sila at naiwan naman kami ni Marion.

"Kanina mo pa siya pinagmamasdan"basag sa katahimikan ni Marion.

Tinignan ko naman siya ang nagtatakang tingin. "Hi-hindi ah"depensa ko.

"Sus, kanina pa ako nakatingin sayo't nakatitig ka naman sa kanya"

"Hindi ko siya tinititigan, bat ko naman tititigan ang baliw na yon"

"Baliw? Hahahaha, baka ikaw ang baliw sa kanya?" Gatong pa nito at inis ko naman siyang tinignan ngunit hindi siya natinag.

"Hindi ako mababaliw sa baliw na yon, tss"singhal ko.

"Naku pre, basta wag mo lang kakainin yang sinabi mo" makahulugang sambit niya pa.

Maya maya pa ay nagkayayaan na kaming umuwi at dumeretso na kami sa kanya kanya naming sasakyan at naghiwalay na ng direksyon.

Ganon na ba talaga ako kahalata tumitig sa baliw na yon?! Aisshh!

-

Kiel's POV

Nauna na kaming umalis ni Claire sa ice cream house, di ko na kayang makasama ng matagal ang kumag na yon! Nakauwi na ako sa bahay at dumeretso naman ako ng kwarto ko. Nagpahinga muna ako ng ilang sandali at napagdesisyunan kong maligo. Hinubad ko ang damit ko at hinayaan kong tumulo sa katawan ko ang tubig, nakakalma at nakakaramdam ako ng ginhawa. Hinayaan kong ganon muna ako at ilang minuto pa ay napagpasyahan ko ng lumabas at magbihis. Sinuklay ko ang buhok ko at at bumaba sa sala.

Pagkarating ko sa sala ay swinitch ko ang tv, nilipat sa cartoons. Syempre sa favorite cartoons ko!
Isang oras na ang nakakalipas ng biglang dumating na si mom at dad.

"Hi mom dad!"bati ko at humalik sa pisngi nila.

"Are you excited for tomorrow?"ngiting sabi ni mommy at nanlumo naman agad ako.

"I'm not yet ready mom" pahina ng pahinang sambit ko.

"You should be anak"singit naman ni dad.

"Okay dad"anas ko at binigyan lang sila ng pilit na ngiti.

"Don't worry anak, mabait raw ang soon-to-be fiancé mo. May pagkapilyo lang daw"dagdag ni dad at tipid na ngiti na lang ang ginawad ko.

"You should be presentable tomorrow baby" tugon ni mom at tumango na lang ako.

Umalis na sila at pumunta sa taas. Naiwan pa rin ako sa sala at hindi ko maiwasan na malungkot dahil sa isiping iyon. Nanood na lang ako ng nanood para kahit paano maiwaksi ko ang isiping iyon. Isang oras pa akong nanatili doon at maya maya pa ay tinawag na nila ako para kumain.

Talagang final na ang pakikipag-meet namin bukas? Aish! Wish me luck! :(

I'm Engaged With A Bully [On-Going]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن