31

5 1 0
                                    

KIEL

Mabilis na lumipas ang oras at nagsimula na ang morning classes. Nakinig lang ako sa diskusyon ng teacher namin, hanggang sa mga activities na binibigay ay ginagawa ko rin. Lumingon ako kay Claire, at kita'ng kita ko naman na nasa teacher ang atensyon niya. Tulad ko nakikinig rin siya, ngunit napansin ko rin na ang iba kong mga kaklase ay akala mo nakikinig ngunit mapapansin mong may iba silang ginagawa na hindi napapansin ng teacher namin. Mabilis natapos ang dalawa'ng subject at oras na ng recess. Ibinalik ko ang notebook at papel ko sa bag ko bago humarap may Claire na nag aayos rin ng gamit nito.

"Bes." I called.

She faced me. "Oh?"

"Tara kain tayo."

"Oo, teka lang. Hindi pa ako tapos mag ayos ng gamit ko." Tugon niya habang isinisiksik ang gamit niyang nasa desk niya kanina.

Tumayo na ako at kinuha ang wallet ko sa bag. Kinuha ko rin ang earphones ko na nasa bag.

"Tara." Yaya ni Claire. Sinenyasan din ni Claire si Iver at Kristoff.

Palabas palang kami ng room, ay dinig ko na ang mga bulungan at mangilan ngilang tilian ng mga babae sa labas. Nagtaka tuloy ako.

Ano'ng meron sa labas?

Nang tuluyan na kaming makalabas ay tsaka ko nalaman ang dahilan ng ingay ng mga babae. Nakita ko ang limang likod ng lalaki na nakatalikod sa gawi namin. Pinagmasdan ko ito at napanganga ako, dahil hindi ako pwedeng magkamali sa isang likod ng lalaki'ng nakatalikod sa gawi namin. Siya 'yon. Biglang humarap ang isa sakanila at nakita niya ako. Bumulong at sumenyas siya sa lalaki'ng may pamilyar na likod. Humarap ang dalawa pa sakanila na hindi ko kilala, hanggang sa humarap pa ulit ang dalawa. Si Kumag at Marion. Bumungad agad ang ngiti ni Marion, dahil 'yon ang lagi kong napapansin sakanya. Inilipat ko ang paningin ko kay Kumag at papalapit na pala ito sa'kin. Iniiwas ko ang paningin ko dahil pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko sa mga titig niya palang na iyon. Nang tuluyan siyang nakalapit sa gawi ko ay yumuko siya para makita ang mukha ko.

"Hi." Masayang sabi niya.

Lumayo ako ng kaunti dahil naiilang ako sa mga kinikilos niya. Tango at pilit na ngiti lang ang naisagot ko. Lumingon ako kay Claire at bahagyang umusod sa tabi niya. Kumapit pa ako sa braso niya at biglang bumulong.

"Tara na, bes. Baka biglang matumba ako ng 'di oras dito." Nagmamadaling bulong ko.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Tara na nga."

Ako na ang humila kay Claire paalis doon. Binilisan ko ang lakad ko habang hawak ko pa rin ang braso ko.

"Huy dahan dahan, baka ako naman ang matumba niyan." Biglang saway niya, dahil parang kinakaladkad ko na siya sa pagmamadali ko. "Nahihiya ka no?" Biglang tanong niya pa.

"Huwag kana magtanong bes! Basta tara na."

Narinig ko na naman siyang tumawa dahil sa isinagot ko.

"Si Iver at Kristoff? Nakasunod ba sila?" Tanong niya. Lumingon ako sa likod at nakita ko sila kaya tumango nalang ako sakanya.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon