20

15 1 0
                                    

KIEL

Natapos ang party kagabi at ito ako ngayon sa kwarto, nagmumukmok. Mas mukha pa nga akong natalo sa lotto dahil sa itsura kong ito.

Anong pumasok sa isip ko kagabi at tumugon ako sa halik ng kumag na yon?! Oh damn! I must be crazy!!

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa CR kagabi. Did he just confessed his love for me? Oh cut the crap! Siguro lasing lang siya nang sinabi niya 'yon! Oo tama tama! Lasing lang siya!!

Hindi ako halos nakatulog kagabi, because of that thing. What's worst, is yung masyado akong nagpadala sa mapupusok na ginawa niya sa'kin. Napahawak ako sa aking labi and damn it! Ramdam ko pa rin yung halik niya.

'Hindi 'to pwede, maling mali 'to'

Bumangon ko sa aking higaan at nagtungo ng banyo ko. Naligo lang ako at pagkatapos ay bumaba ako upang kumain. Pagkababa ko naman ay, sinalubong ako ni Yaya Linda. Nginitian niya lang ako tumango ako sa kanya. Umupo ako sa pwesto ko sa dining area at parang luting na kumain.

"Ahh Yaya, nasaan po sila mommy at daddy?", walang kagana-ganang tanong ko kay Yaya.

Ngumiti muna siya bago sumagot, "Ah, umalis. Ang sabi raw eh may emergency, kaya ayon."

Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Pakiramdam ko, hindi ako kumain kahit na ang totoo naman ay kakakain ko lang. Nagpunta ako sa kwarto at wala sa sariling nagbihis ng pang alis. Kinuha ko rin ang shoulder bag ko at bumaba na rin. Nagulat pa si Yaya, dahil bihis ako. Nanlalaki pa ang mga niya.

"Saan ang punta mong bata ka?" takang tanong pa nito.

"Ahh, dyan lang po sa mall", tugon ko at tumango na lamang siya.

Lumabas na ako ng bahay at nag-antay nalang ng taxi. Ayoko ng mang abala pa ng iba para ihatid ako. Ang totoo ay, hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupunta. Hindi kasi ako matigil sa pag-iisip pag ako ay nasa bahay. Para akong mababaliw kung nasa bahay lang ako. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang nangyari kagabi. Kailangan ko lang makapaglibang para mawala sa isip ko ang nangyari.

Tumigil ang isang taxi sa harap ko at sumakay naman agad ako. Tinanong niya lang ako kung saan ako at sinabi ko lang na sa mall dyan sa malapit lang.

Saka lang pumasok sa isip ko na, wala nga pala akong kasama!! pakshet talaga!! Lutang masyado!!

Napapikit ako sa inis at sinubukan kong i-text si Claire.

To: Bes Claire

Free ka ba ngayon bes? Reply asap bes.

Message sent!

Nag-vibrate naman agad ang phone ko at, si Claire ang nag-text.

From: Bes Claire

Ay naku bes! Hindi e, bakit? Nasaan ka ba?

Nagreply naman agad ako.....

To: Bes Claire

Ah wala, yayayain lang sana kita lumabas, hehe. Sige thanks bes!

Message sent!

Pagkatapos kong reply-an ang message ni Claire ay isinilid ko na ang cellphone ko sa bag ko. Sakto namang dumating na ang taxi'ng sinasakyan ko sa mall. Inabot ko muna ang bayad ko at bumaba na. Naglakad ako papasok ng mall at sinalubong naman ako ng malamig na temperatura ng aircon. Nagpunta ako sa may optical. Nagtingin ako ng, contact lens. Yeah, I wear clear contact lenses instead of eyeglass. Masyado kasing hindi bagay sa'kin ang pagsasalamin. Nagmumukha ako masyadong nerd. Well yeah, sabi nila nerd ako, kasi raw masyado akong subsob kung mag aral. I don't really care kung ano pa itawag nila sa'kin, as long na walang manggugulo sa'kin. Malabo ang mata ko kaya, imbes na magsuot ng nagkakapalang mga salamin, tinuro sa'kin ni mommy ang paggamit ng clear contacts. Nag aaral akong mabuti, para sa parents ko, gusto ko kasing maging proud sila sa'kin. I know that they're already proud of me, lagi naman nilang pinaparamdam yon.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now