09

14 1 0
                                    

Kiel's POV

Today is sunday. Ang araw ng paghaharap namin ng lalaking yon. OMG! Hindi pa ako ready, at hinding hindi talaga ako magiging ready. Aishh! Ayoko pa makita ang kung sino mang poncho pilato ang in-engaged sakin nila mommy at daddy. Napapabuntong hininga na lang ako sa mangyayari mamaya.

Tulad ng inaasahan, mas excited pa sakin si mommy. There's no reason for me to be excited *sigh*. Mas gugustuhin ko pang magmukmok ng buong araw sa kwarto ko at basahin ang mga libro ko kesa makilala ko ang poncho pilatong yon.

'KNOCK! KNOCK!'

"Baby, are you awake already?" Katok ni mom.

"Not yet mommy" biro ko at napahagikgik naman si mommy.

"Rise and shine baby. Today's gonna be a wonderful day for you!"masayang dagdag pa ni mom.

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni mom. "Okay mom"walang ganang sagot ko.

Umalis na si mom bumangon naman na ako pero binagalan ko ang mga galaw ko. Sinasadya kong bagalan ang mga kilos ko, baka sakaling hindi na kami matuloy. Kaso mukhang malabo, mukhang desidido talaga si mom at dad para sa arrange marriage thing na ito. Kung pwede lang sana akong mamili ng taong mamahalin ko. Oh God!

Sa pagbaba ko sa hagdan ay binabagalan at napapabuntong hininga pa rin ako. Oh gosh! Ngayon na ba talaga? Mukhang wala na talaga akong magagawa, hindi naman ako makatanggi kila mom kasi ayokong ma-disappoint sila sakin. Nang tuluyan na akong nakababa, dumeretso ako sa dining area at doon ko nakita ang magulang kong ang lawak ng ngiti sakin.

"Good morning baby"bati ni dad at pilit na ngiti lang naitugon ko.

Umupo na ako sa pwesto ko, at ng lingunin ko si dad at mom, anlalaki pa rin ng mga ngiti. Sus, mas excited pa sakin mga magulang ko!. Kaunti lang ang kinain ko dahil mukhang wala akong gana kumain.

"Baby, you will wear your dress huh?"ani mom matapos naming kumain.

"But mom, I don't want to wear it. I only want to be simple."protesta ko.

"But baby, you need to be presentable"

"White long sleeve and black pants will look good on me mom"tugon ko.

"But baby, dress suits you mo---"hindi natuloy ang sasabihin ni mom dahil tumikhin si dad.

"If that's what makes you comfortable, then fine"sabad ni dad at wala ng nagawa si mom.

Napangiti ako ng palihim sa sinabing yon ni dad. Kahit doon man lang at least pumayag siya. Hindi ko kailangan mag-dress para maging presentableng tignan sa mga taong makakaharap ko mamaya. At higit sa lahat ayoko magpaganda sa lalaking yon ano!

Dumeretso na ako sa taas at naligo. Pinuno ko ang bath tub ko at nilagyan ng liquid soap. Nagbabad muna ako ng isang oras doon at nag-isip-isip na rin. Matapos kong magbabad ay nagbanlaw na ako sa shower. Maya maya pa naman ang meeting namin sa family nung lalaking yon eh. Pagkalabas ko ng banyo, dumeretso ako sa closet ko at pinili ang white long sleeve ko at black pants. Humarap ako sa salamin at tinignan ang kabuuan ko kung maayos na ang damit ko. Kinuha ko ang sandals ko at ayon ang sinuot ko ang ipinares ko sa suot ko.

Bumaba na ako at pagkababa ko ay nakita kong nag aantay na sa baba sila mom at dad.

"I just speak of them, nandoon na raw sila sa resto"ani dad at nakaramdam ako ng kaba.

"Okay! Let's go baby"excited na sabi ni mommy at tumango na lang ako.

Lumabas na kami at iyong isang sasakyan ang ginamit namin. Si daddy na ang nagprisintang mag-drive. Para maipagdrive niya raw kami ni mommy kahit minsan pang daw. Si Mang Roly kasi ay naglilinis ng ibang sasakyan. Bumiyahe kami sa resto na pagkikitaan namin. Habang papalapit kami sa aming pupuntahan ay mas lalo akong nakararamdam ng matinding kaba. Nang makarating kami sa parking lot ng resto ay huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang bumaba sa kotse.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now