27

5 1 0
                                    

KIEL

Nandito ako ngayon sa guidance office kasama ang gago'ng siraulo'ng 'to. Paano ba naman nagalit 'yong isang teacher na nakakita sa'min, and ang worst pa iyon nga at sinagot niya pa na napakagaling yung mga sinabi nung teacher kanina.

The heck! May klase na ako!

Lumabas ang isang lalaki'ng nasa mid-30's, umupo ito sa swivel chair niya at tumingin sa'min.

"Miss Mercado, bakit nandito ang dalawang estudyante'ng ito? Oras na ng klase nila." 

"Eh paano, nakita kong hinalikan sa pisngi ni Mr. Delos Reyes si Ms. Ramirez, at labas pa talaga ng room! Masyado naman ata'ng pinaninindigan ng mga bata'ng 'to ang pagiging 'engaged' nila!"

Napayuko ako at napapikit ng mariin. 

"Kayo namang dalawa, 'wag niyo namang ipangalandakan 'yang pagiging 'engaged' niyo. Nasa school kayo para mag-aral, hindi para ipakita 'yang pagiging PDA niyo."

Iniangat ko ang ulo ko at humarap kay Mr. Sebastian, ang guidance counselor ng aming school. 

"Sir, hindi naman po sa ganon yung nangya-----"

"Oh, I'm sorry sir, if ganon po yung dating noon sainyo, but it's normal sir." Mukhang walang pake'ng sabi nito. As in yung cool lang?

Nilipat ko yung paningin ko kay kumag matapos niyang putulin ang sinasabi ko at bigla nalang sumabat. Bahagya kong sinipa ang paa niya. Humarap siya sa'kin at ganon pa rin ang itsura niya, akala mo hindi lang naalarma sa sinabi niya kanina. Pinanlakihan ko siya ng mata at pinarating sa aking mata ang gusto kong sabihin na, 'Bakit mo sinabi 'yon? Siraulo ka ba? Pinalalala mo pa lalo!'

He just shrugged. 

Ang presko grabe! 

"Sir, sa'kin po kayo makinig, hindi po talaga ganon! Ganto po kasi yung nangyari, humihiram po siya sa akin ballpen tapos----"

"Sir, ginusto po talaga namin 'yon."

"Sir, hindi po talaga. I swear!" Nakataas ang kamay na aking sabi.

Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Mr. Sebastian at napa buntong hininga. 

"Kayong mga kabataan talaga, bakit ganyan kayo magsiasta? Alam niyo ng eskwelahan ito, ginagawa niyo 'yang mga kapusukan niyo." Umiiling nitong aniya.

"But sir, hindi naman po talaga ganon. Nanghiram po siya ng ballpen sa'kin sa room ko kaya po siya nandoon at hindi ko po alam na gagawin niya yun. Hindi ko po talaga ito ginusto."

Humarap naman si Mr. Sebastian kay kumag matapos mapakinggan ang aking sinabi.

"What about you Mr. Delos Reyes, care to explain?"

"I don't have to explain my side sir."

Bumuntong hininga si Mr. Sebastian sa naging sagot ni kumag. 

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now