05

14 1 0
                                    

KIEL

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumunong ang alarm clock ko! Tinignan ko kung ano ng oras pero napakaaga pa lang, 5 am pa lang!

Sinubukan ko ulit matulog ngunit hindi na ako makatulog, kaya napagpasiyahan ko na lang na pumunta sa banyo at maghilamos. Pagkatapos ay nagpunta ako sa baba at nagulat pa ng bahagya si Yaya Linda.

"Napakaaga mo naman Miss Elly?"ani Yaya. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya.

"Nag-ingay po kasi yong alarm clock ko at di na po ulit ako makatulog" napapakamot-ulong sabi ko kay Yaya. Nginitian niya lang ako at nagpatuloy na siya sa ginagawa niya.

Nagluluto siya ng agahan at parang naengganyo naman ako. Gusto kong matuto magluto. Lumapit ako kay Yaya, "tulungan ko na po kayo"nagulat naman tong tumingin sakin.

"Marunong ka po ba magluto Ms. Elly?"nahihiyang umiling ako at natawa naman to ng bahagya.

"Hindi ho e, pwede niyo ho ba ako turuan?"nahihiya ko pang sabi at ngumiti naman si Yaya at tumango.

Tinuro niya sakin kung paano ang pagprito sa itlog, hotdog at bacon. Nung una ay tumatalsik ito kaya napapalayo ako, pero habang tumatagal ay hindi na. Medyo nagulat pa ako dahil medyo nasunog ang hotdog na iprinito ko. Natawa naman si Yaya sa nasunog na hotdog. "Ganyan po talaga kapag unang beses po kayong magprito"napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Maya maya pa ay bumaba na sila mom at dad. Nagulat pa sila ng makita nila ako sa dining area na nakaupo na.

"Good morning mom, dad"nakangiting sabi ko.

"Good morning rin baby" ani mom. "Ang aga mo naman baby?" Dugtong pa niya.

"Ginising po kasi ako nung alarm clock ko e"napapangiwing sagot ko kay mom.

Hindi na sila sumagot pa at umupo na sila sa upuan nila. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos. Umakyat ako sa taas at naligo. Ansarap maligo, habang tumutulo sa katawan ko ang malamig na tubig. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako't bumaba.

Pagkababa ko ay hindi ko mahagilap sila mom at dad.

"Hinahanap niyo po ba sila?" Sulpot naman na sabi ni yaya at bahagya pa akong napatalon sa gulat. Tumango ako sa tanong niya. "Pinapasabi raw ho na nauna na sila"napatango na lang ako at lumabas na. Sumakay ako sa kotse at nagpahatid na kay Mang Roly.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa school. Bumaba na ako at naglakad papuntang building, pero habang papunta ako doon ay may napansin ako sa di kalayuan na binubully. Sa sobrang curious ko ay lumapit ako doon at nagtago sa puno....

"Ta-tama na p-po, hi-hindi na po ma-mauulit" naiiyak na usal nung lalaki.

"Sa susunod kasi wag kang paharang harang sa daan ko, kung ayaw mong nangyayari sayo to"sabat nung lala----- WAIT! pamilyar ang boses niya!

Sumilip ako mula sa pinagtataguan ko at AHA! SIYA nga iyon! At bakit ba umagang-umaga nambubuyo na naman to?

Hindi ko na natiis at lumabas ako sa pinagtataguan ko at gulat naman SIYA'ng napatingin sa pinanggalingan ko. OO SIYA! Si Javier!

"Bakit ba umagang umaga nambubuyo ka agad?"tinignan ko siya ng masama habang inilalayo yung lalaking umiiyak na. Nginisihan niya naman ako at nakaramdam ako ng kilabot sa ngising yon, ngunit hindi ko ipinahalata sakanya.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now